LAST CHAPTER

296 18 12
                                    

I dedicate this chapter to sevenamjoon, shyless_min and to all the silent readers who supported this story. I hope you'll show yourself in this last chapter, I'll gladly welcome you! Thank you for staying with this story until the end ಥ⌣ಥ♥


Chapter XXXI - Ending


Jin

"Balik po kayo!" nginitian ko sila hanggang sa makalabas sila ng pintuan.

"Another satisfied customer?" nilingon ko si Koorine nang marinig siyang magsalita, nasa gilid ko na pala siya. Tinanguan ko siya bilang sagot.

"Sabagay, sino ba namang hindi masa-satisfy sa luto mo?" sabi nito sabay tawa na nagpangiti sa akin.

Tatlong taon na ang nakararaan noong nagpatayo kami ni Koorine ng book cafe. Sagot ko ang kusina, siya naman sa mga libro.

Naging mahirap ang pagpapatayo ng business pero sa awa naman ng Diyos ay tinangkilik ito ng mga tao.

"So, let's call this a day?" muli niyang tanong na sinang-ayunan ko. Alas-nuebe na rin ng gabi, magliligpit na lang kami at saka uuwi.

Nang matapos sa pag-aasikaso, sinara ko na ang cafe, narinig ko naman ang pagpapaalam sa amin ng mga trabahador namin.

"Aalis na po kami, mga boss! Ingat po!"

"Sige, bukas ulit mga pre! Ingat din kayo!" pagpapaalam ko rin sa kanila habang si Koorine naman ay ngumiti at kinawayan sila.

Nang hindi na namin sila makita, lumapit na ako sa motor ko at saka tinanong si Koorine.

"Hahatid ba kita?"

"Sige, hindi ko dala kotse ko ih," sagot niya kaya naman initsa ko na sa kanya yung extrang helmet ko.

"Tara na," sinuot niya ang helmet at umangkas sa likod ko. Nang maramdaman kong nakahawak na siya sa balikat ko ay pinaandar ko na ang motor.

xxx

[Nakauwi ka na ba?] bungad ni Koorine matapos kong sagutin ang tawag niya.

"Nakila Yoongi ako, baka dito muna 'ko matulog."

[Ah, ganoon ba?]

"Kwentuhan na lang kita sa cafe, bukas," sagot ko dito para di na siya mag-alala pa.

[Okies! Pasabi diyan kay Pusa, miss ko na siya, bisitahin naman niya ko! Imbyerna!] natawa ako sa narinig at sinabing nakaloud speaker siya.

"Ikaw ang bumisita sa'kin, Daga! Tinatamad ako eh!" nagtawanan pa kami hanggang sa magpaalam na si Koorine sa kabilang linya.

Pusa at Daga. Tawagan nila yan, masaya ko na naging sila rin sa huli.

"So, ano ba yung kailangan ko pang malaman, Yoongi?" kanina kasi nasa daan na ako pauwi nang makatanggap ako ng message sa lalaking 'to. May kailangan daw akong malaman kaya dito na ako dumiretso, imbis na sa bahay.

"May nabalitaan ako tungkol sa kanya. Naisip ko lang na kailangan mong malaman," sambit ni Yoongi, "after all, mag-bestfriend kayo ni Namjoon, diba?"

Hindi ko inaasahan ang narinig kay Yoongi.

Tatlong taon.

Tatlong taon na ang nagdaan mula noong huli kaming nagkita.

Lumayo ako noon, minabuting hindi makarinig ng kahit na anong bagay tungkol sa kanya, para sa ikatatahimik na rin ng lahat.

Jin the Virgin [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon