XIII

306 16 0
                                    

Chapter XIII | Jin the Virgin


Jin

Sa kabutihang palad, hindi naman nabasag ang baso. Ang problema ko na lang ay kung paano sasagutin si Namjoon.

Shete naman, anong sasabihin ko?

"M-malay ko sayo, nang nakita kita sa labas, n-nandyan na ‘yan eh. B-baka nakipag-make out ka muna bago ka p-pumunta dito,” nauutal-utal kong sabi habang ‘di pa rin siya nililingon.

"Gano’n? Ba't wala akong maalala?"

"May bago ba? Lagi ka namang walang naalala ‘pag gising mo sa kalasingan eh."

"Sayang naman hindi ko maalala, gaano kaya ako nasarapan kagabi?" hindi ko pa rin siya nililingon at alam kong namumula na panigurado ang buong mukha ko dahil sa mga naaalala kagabi.

Kulang na lang tumirik mata mo, pare, lmao— mukhang wala na ‘kong pag-asa, tsk tsk. Malala ka na, Kim Seokjin.

"Edi alalahanin mo para malaman mo. Wala ka bang gagawin sa inyo? Umuwi ka na kaya?" tanong ko sa kanya. Natapos na ‘ko sa paghugas at pupunta na sana sa kwarto para kumuha ng damit at maligo nang may kumatok sa pinto.

"Buksan mo nga, Namjoon. Sabihin mo nasa kwarto ako,” utos ko kay Namjoon na sinunod niya naman pero nasa hagdan pa lang ako papunta sa kwarto nang marinig ko ng boses ni Hoseok.

"Si Jin hyung?! Kailangan niya mag-explain sa’kin!"

Shit! Ito na naman tayo sa mahabang paliwanagan!

"Maliligo raw siya eh, tara pasok,” nilingon ko sila mula sa second floor at nakita ko silang nakaupo sa sofa. Dumiretso na ‘ko sa kwarto para makaligo at makapag-practice ng sasabihin mamaya.

xxx

Namjoon

"Ano ba nangyari sayo kagabi at napatakbo dito si Jin hyung?" tanong ni Yoongi sa’kin.

"Lasing ako kagabi at tinawagan ko siya. Wala ako sa katinuan, okay?"

Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako ngayon.

"Eh ba't ka naman kasi naglasing ah? Alam mo bang no’ng time na tumawag ka, ipapasok na lang ni Jin hyung ‘yong kanya? Timing-an mo naman next time, Namjoon hyung, ‘yong pagtawag mo,” edi ako na ang wrong timing, sorinaman (T▽T)

"Family problem lang ‘yon. Nag-sorry naman na ako kay Jin hyung kanina eh."

"Chikinini ba yan, Namjoon hyung?" napalingon kaming lahat kay Taehyung.

"Sana man lang pinaganda mo pakinggan, ‘di ba, Taehyung?!" sigaw ni Jungkook. Napahawak naman ako sa leeg ko kung saan ko nakita ‘yong kissmark.

At naalala ko kung gaano ako nasarapan sa pag-blowjob sa’kin. Shit, nagf-flashback nga, ‘di ko naman alam kung sino ‘yong gumagawa sa’kin no'n.

"Pero oo nga, Namjoon— sa'n galing ‘yang kissmark mo?" tanong ni Hoseok hyung.

"Ewan, nang lasing ako, may naka-make out yata ako. Hindi ko rin maalala eh,” sagot ko sa kanila.

"Gano’n? Totoo pala talaga ‘yong mga gano’n,” sabi na lang ni Hoseok hyung.

Natigil ‘yong pag-uusap namin no'ng dumating si Jin hyung.

xxx

Jin

"Hyung, magkwento ka sa’kin,” sabi sa’kin ni Hoseok, pagdating ko pa lang sa sala.

Nakaupo siya sa pang-isahan kong sofa, si Yoongi naman ay nakahiga doon sa mahaba kong sofa, si Namjoon ay nakaupo sa isa ko pa na pang-isahan na sofa. ‘Yong tatlo namang bata ay nasa sahig nakaupo. Tumabi ako kay Namjoon at pinagkasya namin ‘yong sarili namin sa sofa na 'yon.

"Hindi ka daw naka-score sabi ni Taeia,” sabi ni Yoongi na nagpabuntong-hininga sa’kin.

Nakikini-kinita ko na ang mangyayari.

"Oo eh. Tumawag kasi si Namjoon,” nilingon ko pa si Namjoon pero napayuko na lang ang loko.

"Alam mo ba kung gaano ka-awkward kagabi sa pagitan namin ni Taeia? Ba't naman ako ‘yong nireto mo, hyung?"

"Sino gusto mong ireto ko? Si Jimin may Jasmin na, si Jungkook may asawa, Si Taehyung baliw, si Yoongi? Sesermonan lang ako niyan! Sorry na, Hoseokiee~" pagpapaawa ko sa kanya.

Eh sa siya pumasok sa isip ko na kaibigan ko eh.

"So hahanapan ka na naman namin ng babae?" napabuntong-hininga ulit ako sa sinabi ni Jimin.

Hahanapan ako ng babae, magwowork sa simula, eepal si Namjoon, hindi ako makaka-homerun, iiwan ko ‘yong babae at ipapalit ko sa’kin ang mga available kong kaibigan, pupuntahan ko si Namjoon, may mangyayari sa’min, and repeat the cycle.

Hindi ko rin naman sila mapahinto sa paghanap para sa’kin ng babae.

"H'wag na. Hindi kailangan ni Jin hyung ng babae,” nagulat ako nang biglang magsalita si Yoongi at dahil doon ay napatingin kaming lahat sa kanya.

Ba't ang talim ng tingin niya sa’kin?

"Ha? Hindi naman pwedeng habang-buhay na virgin si Jin hyung!" – Jimin

"Oo nga, kahit hindi na muna maka-homerun si Jin hyung, hanapan na lang natin siya ng makaka-relasyon," sabi naman ni Jungkook.

"Hindi na nga kailangan, ‘di ba, Jin hyung? Okay lang sayong walang babae ‘di ba?!" naupo na si Yoongi sa sofa at tinaliman pa ang tingin sa’kin.

Kinakabahan ako, shit. Ano ba 'to?

"H-ha? Okay lang na mayro’n, a-yos lang din na— ano— na w-wala. Hindi naman ako nag—nagmamadali eh,” nauutal ako, nyeta naman, ba't ba 'ko kinakabahan?

"Sabi sa inyo okay lang kay Jin hyung na walang babae eh. May isa pa ‘kong tanong, Jin hyung. Sagutin mo nang maayos, okay?" natatakot ako kay Yoongi, ba't siya ganyan?

"A-ano ‘yon?"

Nagsmirk muna siya sa’kin bago tanungin ang isang bagay na ‘di ko akalain na mapapansin nila.

"Sino naglagay ng kissmark sa leeg mo?"

Putangina, Kim Seokjin, huli ka na nila.


xxx

Jin the Virgin [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon