XXII

264 14 5
                                        

Chapter XXII | Jin the Virgin

Jin

"Baby, I love you so much,” napapikit ako nang maramdaman ‘yong halik ni Namjoon sa ulo ko, lalo kong hinigpitan ang yakap ko sa kanya at sinabing... "I love you more."

Damang-dama namin ang katawan ng isa't-isa, wala kasi kaming suot na saplot. Yes, katatapos lang namin gawin ‘yon.

Bahala na talaga kung anong mangyari, basta sa ngayon— ayaw ko makitang nasasaktan si Namjoon.

Tahimik ang paligid at nilalaro lang ni Namjoon ang buhok ko hanggang sa makatulog na ‘ko na nakakulong sa bisig niya.

xxx

Namjoon

Alas tres na ng madaling araw nang makatulog si Jin hyung. Nagpalipas pa ako ng kinse minutos bago ako tuluyang tumayo at iayos siya ng higa sa kama. Inayos ko ang kumot sa katawan niya saka ako nagsuot ng boxer at bumaba sa sala.

"Hello, Yoongi hyung?"

[ Uhmm? ] ungol niya sa kabilang telepono. Buti nagising sa tawag ko.

"Kelangan ko ng tulong niyo."

[ Bawal ba ipag— hsjsksksksd ] puro bulong at paggalaw lang ang naririnig ko sa kabilang linya. Jusko, paano kami magkakaintindihan nito?

"Hyungg! Tuloy ang kasal ko!" sabi ko para magising ang diwa niya, at hindi nga ‘ko nagkamali— tsk tsk.

[ Ha?! Bakit tuloy?! ]

"Ayaw sumama sa’kin ni Jin hyung eh. May ibang paraan pa raw, iisip daw siya. Tangina, huling araw ko na siyang makakasama mamaya. Hindi na ‘ko basta-basta makakaalis sa puder ni mama,” nahiga ako sa sofa at napabuntong-hininga. Ba't ba nagka-gan’to ang buhay ko?

[ Ba't ka kasi pumayag sa kasal na ‘yan? ]

"May choice ba ‘ko? Hahaha," malungkot na tawa ko. Punyeta, kung ‘di lang ako sinabihan ni mama na ilalayo kay Jin hyung, hindi naman ako papayag doon eh.

[ Alam mo, Namjoon, gan’to lang ‘yan eh. Ba't hindi ka na lang magpakasal tapos gaguhin mo nang gaguhin hanggang sa makipag-divorce sayo? Tapos! Matutulog na ulit ako, ] may sa gunggong talaga 'to kausap kapag bagong gising, tsk!

"Hyung, sige na! Tulungan mo kami. S-saka gusto namin kayong lima m-makausap. Lalo na si H-Hoseok,” naalala ko pa rin ‘yong galit sa’min ni Hoseok, kailangan maayos na namin ‘yon bago ang kasal ko.

[ Punta kami dyan ng umaga, okay? Doon natin pag-uusapan ang lahat, ] bumuntong hininga nalang ako at nag-sige, saka ko binaba ang tawag.

Napahilamos ako ng mukha out of frustration.

Anong dapat naming gawin?

xxx

Alas-nuebe ng umaga nang makarinig ako ng doorbell, mukhang nandito na sila. Umalis ako sa kinauupuan at saka sila pinagbuksan ng pinto.

"Anong itsura ‘yan?" bungad ni Yoongi hyung pagkakita sa’kin.

Simula kasi nang nagising ako kaninang alas-tres ay ‘di na ‘ko nakabalik sa pagtulog, umakyat ako ulit sa kwarto ni Jin hyung pero tinitigan ko lang siya— iniisip kung ano ang kahihinatnan ng pagmamahalan naming dalawa.

Bandang alas-otso noong dito na ‘ko tumambay sa sala at tumunganga, naghihintay sa pagdating ng mga tropa ko, at ngayon ayan na nga, nandito na sila.

"Itsura ng problemado tawag dito, hyung,” sagot ko na lang at pinapasok na sila sa bahay.

Tahimik ang apat at tanging si Yoongi hyung lang ang kumakausap sa’kin. Nagpapakiramdaman lang kami kung sinong una mag-aapproach sa bawat isa.

"Si Jin hyung?" sa wakas ay nagsalita na si Jimin, akala ko’y bubulukin na namin ang bawat isa sa sofa eh.

"Nasa kwarto, alam niyo naman ang gising noon, mamayang tanghali pa,” sagot ko sa kanya at muling may dumaang anghel sa pagitan naming magtotropa.

Nakasasakal ang katahimikan.

"Ganyan na lang kayo? Grow some dick, mga pare. Pag-usapan niyo ‘yan. Bibigyan ko kayo ng dalawang oras. Maghahanda lang ako ng makakain pang-tanghalian doon sa kusina,” mahabang sabi ni Yoongi hyung at saka nagtungo sa kusina.

"Ehem, soooo— ano na? Grow some dick daw sabi ni Yoongi hyung. Ang hindi magsalita walang bayag!" sigaw ni Taehyung at dahil doon ay nakatanggap siya ng sapak mula kay Jimin.

"Tae ka! Hahahaha! Ano ba ‘yang pinagsasabi mo?"

"Oh paano ba ‘yan? Kami lang ba ni Jimin may dick dito? Tumatakbo ang oras mga hyung, magsalita na kayo!" muling sabi ni Taehyung at maging si Jungkook ay natawa na rin nang malakas. Hindi rin nakatakas sa paningin ko ang maliit na ngiti ni Hoseok.

"Ako rin syempre may dick! Gamit ko na nga ‘to noong honeymoon namin eh! Hahahaha!”

"Hala ka, Jungkook! Hindi na talaga ikaw ‘yong baby namin! Gamit na ‘yang dick mo!" paiyak-iyak pa si Taehyung kaya napa-facepalm na lang ako.

Jusme, ba't ba gan’to mga tropa ko?

"Iyang dick mo, Namjoon..." natahimik kami nang nagsalita si Hoseok. A-anong problema niya sa ano ko?

"Kahit kanino mo pa nagamit ‘yan, dick pa rin ‘yan. Wala namang magbabago doon. Ang bayag ay bayag pa rin."

Hindi siya nakatingin sa’kin noong sinabi niya ‘yon, lumingon ako sa mga bata at nakita kong nakangiti silang tatlo, bumalik ang tingin ko kay Hoseok at nakatingin na rin siya sa akin at may maliit na ngiti sa labi.

Namiss ko sila.

Ewan ko ba pero naging emosyonal ako bigla, nagulat na lang ako nang lumapit bigla sa akin si Jimin at niyakap ako.

"Aigoo, umiiyak ang Namjoon hyung namin~" sabi niya at hinigpitan ang yakap sa’kin. Maya-maya pa ay naramdaman ko na rin si Taehyung na nakiyakap at mas lalo akong naiyak.

Tanggap nila kami. Tangina, natanggap nila kami ni Jin hyung.

“Huwag ka naaanggg umiyaaakk, sa mundong pabago-bagooo~" kumakanta pa si Jungkook at saka dinamba sa’min ‘yong katawan niya, naipit niya tuloy kaming tatlo nila Jimin, narinig namin ang tawa ni Hoseok kaya nahawa na rin kami.

Hindi nakatakas sa paningin ko si Yoongi hyung na nakasandal sa doorway ng kusina na may ngiti sa labi.

"Thank you,” I mouthed.

xxx

Jin

Napadilat ako nang makarinig ng mangilan-ngilang ingay sa baba.

Anong mayro’n? May ibang tao ba sa bahay?

Wala si Namjoon sa tabi ko, nahagip ng tingin ko ang wall clock at nakitang alas-dyies na.

Nako, baka nagugutom na si Namjoon.

Nag-asikaso muna ako ng sarili sa banyo bago bumaba at nagulat ako sa nadatnan ko.

Nagtatawanan sila Jimin at Taehyung habang nakayakap kay Namjoon, si Jungkook naman ay nakadagan sa kanila at kumakanta. Nasa katapat na sofa si Hoseok at tumatawa rin ito. Si Yoongi naman ay tahimik na nakangiti at nakatanaw sa ginagawa ng lima sa sala.

Anong nangyayari?

Nanatili akong nakatayo sa hagdanan, natatakot masira ang magandang nakikita sa harapan ko.

Ayoko sila gambalain dahil matagal na panahon na rin magmula nang huli kong makita ang ganitong klase ng tagpo.

Wala akong maintindihan dahil kagigising ko lang.

Bakit sila nandito? Anong mayroon? Ba't nagbibiruan na sila? Ba't nagtatawanan na sila?

Pero kahit wala akong maintindihan, may isang bagay na sigurado ako—

Masaya ako.

xxx

Jin the Virgin [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon