Namjoon
Ang bilis ng mga pangyayari pagkatapos noong nangyari sa restaurant. Ilang araw at buwan na rin ang nagdaan, at ngayon- ito na ang kasal.
Nakaharap ako sa salamin, tinitignan ang repleksyon ko na nakabarong na puti, mahaba ang manggas nito, pinaresan ito ng itim na pantalon at black shoes.
Groom na groom ang datingan.
Ikakasal na talaga ako.
Potek na yan.
Natigil ang pagtitig ko sa sarili nang makarinig ng katok sa pinto, lumapit ako dito at saka binuksan, nakita ko naman si Yoongi hyung.
Kagaya ko ay nakabarong na puti din ang mga bisita, pero maiksi lang ang manggas nito.
"Bakit?" tanong ko sa kanya sabay muwestra sa kanya na pumasok.
"Ready ka na? End game na?" tanong niya pabalik at hindi ako nakasagot.
Ready sa kasal? Siguro? Hindi? Ewan?
End game- ito na ba talaga ang katapusan?
"Wag kang ma-stress, Mr. Groom. May kasal ka pang aattendan mamaya," parang pabiro nitong sabi. Loko talaga.
Wala na sana akong plano na kausapin siya dahil wala naman akong masasagot pag siya na ang nagtanong nang may maalala ako bigla.
"S-si- Si Jin hyung?" nauutal na tanong ko, hindi ko alam pero kinakabahan ako.
"Kasabay daw nila Hoseok na pupunta," simpleng sagot nito at tinugunan ko na lang ng "Ahh."
Akala ko matatahimik na lang kami pero nagsalita na naman si Yoongi hyung.
"Bakit best man siya? Ba't kelangan niya pang umattend?" dama ko ang inis sa tono ng pananalita niya.
Sa totoo lang, ayoko rin ng idea na yon pero mapilit talaga si Mama. Gusto niya daw makita ng mga mata niya na wala na kaming epekto ni Jin hyung sa bawat isa, kaya ginawa niya itong best man ko.
Tangina.
"Pruweba daw na wala ng kahit anong namamagitan sa amin ni Jin hyung," tumango na lang si Yoongi at bumuntong-hininga.
Maya-maya pa ay nakarinig kami ng katok, ito yung driver nina Mr. Bang, ihahatid na daw kami sa simbahan kaya naman tumayo na kami ni Yoongi hyung.
Hindi ko alam kung bakit, pero gustong-gusto ko umiyak ngayon.
Pakiramdam ko, natalo ako.
xxx
Pagdating sa simbahan, marami na akong nakitang mga bisita. May mga tahimik na nakaupo at naghihintay magsimula, mayroon din namang mga nagkukwentuhan.
Hinanap agad ng mga mata ko si Jin hyung.
Gusto ko siya makausap.
"Narinig ko sa organizer na after 5 minutes, darating na ang bride. Kailangan na natin ipostura ang mga sarili natin, Namjoon."
Kailangan ko siyang makausap.
"Pumupunta na sa mga pwesto nila ang iba, maganda sigurong maghintay ka na rin sa altar."
Madami pa akong gustong sabihin kay Jin hyung.
"Namjoon-ah!"
Tutuparin ko pa yung mga pangako ko- uuwi pa ako sa kanya.
"Kim Namjoon!"
Tila nabalik ako sa wisyo at natigil ang paglingon ko sa paligid.
"Bakit, Yoongi hyung?" tanong ko dito.
![](https://img.wattpad.com/cover/161104905-288-k943338.jpg)
BINABASA MO ANG
Jin the Virgin [COMPLETED]
Fanfic[UNDER EDITING] Already edited: CHAPTER I-XXIII WARNING: 18+, LGBTQ+, used words are not that decent. Genre: Fan Fiction, Romantic Comedy, Erotica Casts: BTS as theirselves ••• Kim Seokjin is the perfect example of a total package boyfriend-he's ha...