Chapter XIX | Jin the Virgin
Jin
Isang linggo na ang nagdaan at hindi muna kami nagkita-kita. Hindi ko na ulit nakausap ‘yong lima at tanging si Namjoon lang ang nakakasama ko.
Lagi siyang nandito sa bahay at tumatambay. Netflix and chill, gano’n. Minsan ipagluluto ko siya ng pagkain tapos manonood lang ng movie. May time nga dito na rin siya nagpapalipas ng gabi, pero ‘di naman puro kababalaghan ang ginagawa namin. Madalas tamang yakapan at landian lang kami sa kama.
"Jin hyung~" lalo pa isiniksik ni Namjoon ang ulo niya sa leeg ko. Magkayakap kaming dalawa sa mahabang sofa. Pinagkakasya namin ang mga sarili namin.
"Problema mo?"
"Date tayo?"
Natahimik ako sa naging sagot ni Namjoon sa’kin. May kakaiba akong naramdaman eh.
Ito na ba ‘yong kilig? Taena, ang korni ko.
"Date? Hindi ka pa ba kuntento sa ginagawa natin dito sa bahay?" kung tutuusin kasi parang nagde-date na rin kami. Ang iba nga lang ay nandito kami sa loob ng apartment ko.
"Gusto kita i-gala eh. Ewan ko ba anong nangyayari sa’kin, nitong mga nakaraang araw ay kumokorni ako hahaha!" sabi ni Namjoon na siyang sinang-ayunan ko.
Nagiging sobrang clingy ni Namjoon. Minsan pa nga ay isang buong araw wala siyang ginawa kundi yakapin ako sa kama.
"Ano na lang sasabihin ng mga tao kapag nakita nila tayong magkasama?"
"Ano ngayon? Kailan pa tayo nagka-pake sa sinasabi ng ibang tao, Jin hyung?"
"Hindi sa ganoon. I mean, alam mo ‘yon? Ang gwapo-gwapo ko tapos gwapo rin ka-date ko. Baka mag-iyakan ‘yong mga babaeng makasasalubong natin sa daan," sobrang seryosong sabi ko kasi totoo naman eh, nag-aalala lang ako sa mga babaeng makakikita sa’min—
"ARAY, PUTANGINA!" napasigaw ako nang malakas nang malaglag ako sa sofa. Tangina nitong si Namjoon, itulak ba naman ako!
"Hahahaha, tangna mo rin! Ang hangin mo kahit kailan!" sabi niya sabay tawa, nakitawa na lang din ako dahil sa naganap.
xxx
"Ano, Jin hyung? Maganda dito ‘di ba? Panigurado walang makakikilala sa’tin dito."
Dinala niya ‘ko sa isang resort dito sa Batangas. Sobrang haba ng byahe sa totoo lang pero worth it din. Maganda naman dito sa Shercon.
"Ilang babae na nadala mo rito?" may pag-irap ng mata na tanong ko sa kanya.
"Luh, bakit mo naman naisipang itanong ‘yan? Hahahaha!”
"Hindi mo naman malalaman ‘yong lugar na ‘to kung hindi ka pa nakapupunta rito," naiinis ako bigla sa sarili ko. Kung makaarte ako ‘kala mo naman may matres ako, kainis.
"Huwag ka mag-alala, ikaw pa lang ang dinadala ko rito,” sabi niya sabay akbay sa’kin at kiss sa noo ko.
Akala niya naman madadaan niya ‘ko sa ganyan?
"Very good kung gano’n,” nakangiti kong sagot sa kanya. Nawala na agad ang bad mood ko.
Ang rupok mo, self.
Pumunta na kami sa room after mag check in, nagbihis saglit ng swimwear, at lumabas na ulit.
Kaunti lang ang tao sa resort na ‘to at natutuwa ako sa fact na ‘yon. Kasi kahit naman na makapal ang mukha ko, natatakot pa rin ako sa judgement na matatanggap namin ni Namjoon kapag may nakakita kung gaano kami ka-sweet sa isa't-isa.
"Baby, picturan kita,” nakangiti at labas ang dalawang dimples na sabi sa’kin ni Namjoon.
"Huwag na. Ikaw na lang picturan ko."
"Sayang ‘yong view sa likod mo kung ‘di kita p-picturan, baby. Ang ganda ng langit oh!"
Wala nang gaganda pa sa view na topless Namjoon na nasa harap ko, baby.
"Sige na nga. Picturan mo ‘ko."
Ngumiti ako nang maliit habang nakatingin sa camera nang magsalita si Namjoon.
"I— Love— You!"
‘Yong maliit na ngiti ko ay biglang lumaki dahil sa narinig.
Punyeta, first time ko marinig sa kanya ang tatlong salitang ‘yon!
Tinignan niya ang kinalabasan ng picture at nagsabi ng pinakamatamis na, "perfect."
"Patingin nga,” sabi ko na lang at lumapit sa kanya para tignan ang picture ko.
"Picture din tayong dalawa!" sabi niya sabay hinabaan ang monopad para makapag-picture kaming dalawa.
"One, two, three!" sa pagsabi niya ng three ay hinalikan ko ang pisngi niya na siyang kinalaki ng kanyang ngiti. Sabay binulong ko ang sagot ko sa sinabi niya kanina.
"I love you too,” hindi na niya tinignan ang kinalabasan ng litrato namin. Hinapit niya na lang ang bewang ko at sinandal ang ulo ko sa dibdib niya.
Oo, mahal na mahal ko na talaga ‘tong best friend ko.
xxx
Natapos kami mag-swimming at nakapagpalit na rin kami ng damit. Nag-gagala na lang kami rito ngayon sa kabuuan ng resort. Nakasandong itim si Namjoon habang ako naman ay naka-oversized white shirt. Parehas kaming nakashort at magka-holding hands na naglalakad.
"Kung makikita niyo ngayon, magka-holding hands kami ng bestfriend ko. Oo, mga kaibigan, ni-loveback ako ng bestfriend ko. Sumigaw na lang kayo ng matinding sanaol."
Tumawa at pinalo ni Namjoon ang braso ko dahil sa mga pinagsasabi ko. Nagv-vlog kasi ako ngayon at ‘yon, kung anu-anong kagaguhan lang pinagsasabi ko.
"Uy, may tulay, daan tayo do’n,” sabi niya at nagpunta na nga doon ang loko. Binitawan ba naman ‘yong kamay ko!
"Iiwan mo ‘ko para sa tulay na ‘yan? Sige, magsama kayo!"
"Hahahaha, tara na dito!" sabi ni Namjoon, nasa bandang gitna na siya ng tulay. Wala naman akong magawa kundi pumunta doon.
Pero ang loko, inuga ba naman ‘yong tulay habang naglalakad ako doon.
"Sige, ipagpatuloy mo ‘yan! Sa sahig ka matutulog mamayang gabi!" tawa lang nang tawa sa’kin si Namjoon. Kitang-kita kasi sa expression ko ang takot.
Ako na ang duwag.
Sa wakas, tumigil din siya sa pag-uga ng tulay at lumapit sa’kin. Hinawakan niya ang kamay ko at holding hands namin tinawid ang tulay.
"Sorry, hehehe," sabi niya sa’kin habang naglalakad papunta naman sa zipline.
"Pasalamat ka na lang talaga at mahal kita,” sabi ko na lang.
"Salamat talaga,” napalingon ako kasi ang seryoso niya bigla sa mga sinabi niya.
Nakatitig lang ako sa kanya nang biglang magpalit ulit ang mood niya at naging excited sa zipline.
xxx
Natapos ang araw at nakahiga na kaming dalawa ni Namjoon sa kwarto. Bukas ng umaga ay babyahe na kami pauwi.
Naka-backhug sa’kin si Namjoon. Paminsan-minsan ay hinahaplos niya ang buhok ko at hinahalikan ang ulo ko. Hindi ko naman masulyapan ang mukha niya dahil nga nakayakap siya sa akin mula sa likod. Nakikinig lang kami ng kanta ngayon at naghihintay na dalawin ng antok.
Pumikit ako para namnamin ang gabi ngunit nang kinatagalan ay may narinig akong tunog ng cellphone. Kay Namjoon ‘yon dahil ang ringtone niya ay ang boses ko na sumisigaw ng "Namjoon-ah!"
Hindi ako dumilat dahil kampante ako na hindi sasagutin ‘yon ni Namjoon. May usapan kasi kami ngayon na no cellphone sa araw na ‘to.
Pero nagulat ako nang tumigil ang ringtone at narinig ko siyang magsalita. Akala niya siguro tulog na ‘ko?
"Ma... Nasa bahay lang ako ng tropa ko... Huwag mo na nga ako daldalan, pumayag na nga ‘ko sa gusto mo, ‘di ba?... Akala ko ba malinaw na usapan natin, Ma? May dalawang araw pa ‘ko... Oo, pagkatapos ng dalawang araw, aasikasuhin ko na ‘yan... Sige, bye."
Nang matapos ang tawag ay narinig ko ang pagbato niya ng cellphone. Binato niya yata ‘yon sa kabilang kama. Dalawa kasi ang kama ng kwarto na kinuha namin.
"Tangina,” malalim na pagmumura niya.
Hindi ko alam ang gagawin ko kasi ang alam niya tulog ako eh. Gusto ko man idilat ang mata ko para makita siya, ‘di ko naman magawa.
Kumilos na lang ako nang kaunti at niyakap siya nang sobrang higpit.
Mukhang alam ko na kung anong nangyayari. Ihahanda ko na ba ang sarili ko?
xxx
BINABASA MO ANG
Jin the Virgin [COMPLETED]
Fanfic[UNDER EDITING] Already edited: CHAPTER I-XXIII WARNING: 18+, LGBTQ+, used words are not that decent. Genre: Fan Fiction, Romantic Comedy, Erotica Casts: BTS as theirselves ••• Kim Seokjin is the perfect example of a total package boyfriend-he's ha...