XXV

241 13 5
                                    

Jin

Nagising ako kinabukasan na nakahiga sa kama. Nakabihis ako at hindi malagkit ang katawan. Tinignan ko ang orasan at nakitang mag-aalas dose na ng tanghali.

Tahimik ang bahay nung makalabas ako sa banyo matapos mag-asikaso ng sarili. Bumaba ako sa first floor at nakitang malinis nadin dito.

So nilinis na ni Namjoon lahat lahat bago sya umalis?

Nagpunta ako sa kusina at nakita ang isang take-out na pagkain. Binuksan ko iyon at nakitang box ito ng paborito kong chicken, spicy flavor.

Sa tabi ng box ay may nakita akong nakatupi na yellow paper. Kinuha ko naman ito at binuksan.

"Jin hyung."

Natigilan ako nang makita ang pangalan ko at ang penmanship na nasa papel.

Sulat 'to ni Namjoon.

Nagpatuloy ako sa pagbasa ng liham na sinulat nya para sakin.

"Una sa lahat, salamat
Sa lahat ng tagpo na ating pinagsamahan
Sa lahat ng pag-intindi at pag-unawa
Sa lahat ng pagtanggap
Mga sakripisyo at iyak
Sa lahat ng kasiyahan
Na ikaw lang ang kayang magparamdam
At higit sa lahat, salamat sa pagmamahal

Pasensya din sa lahat ng gulong ibinigay ko
Lahat ng pag-iisip at pagkalito
At sa pag-alis ko ng hindi nagpapaalam ng maayos
Pinapangako ko mahal na hindi ito ang dulo
Magkikita muli tayo
Hintayin mo lang ako"

Tinitigan ko ang tatlong huling linya ng tulang ginawa ni Namjoon.

Hindi ito ang dulo.

Napangiti ako kahit pa naramdaman ko na ang pagtulo ng mga luha ko.

Parang nagkaroon ng powerpoint presentation sa utak ko habang binabasa at ninanamnam ang mga salita sa tula.

Naalala ko lahat ng pinagsamahan namin. Simula bilang magkaibigan, lahat ng kulitan at asaran, mga tampuhan at paglambing, hanggang sa panahon na nagmamahalan na kami.

Nang pumasok sa isip ko ang araw na nagBatangas kami, lumakas ang pagbuhos ng luha ko. Yun lang ang araw na naging malaya kami sa harap ng ibang tao.

Doon ko din narinig ang unang I love you nya.

Naupo ako sa upuan malapit sakin at nilapit sa dibdib ko ang dilaw na papel habang patuloy ang tahimik kong pag-iyak.

Maghihintay ako mahal.

xxx

"Ang cute namin dito hehe." Sabi ko habang nakatitig sa wallpaper ko, yung picture namin ni Namjoon sa Batangas.

"Yas, you're a cute couple. Now, eat your food Dickhead. Can't you see what time is it already? Please eat." Pagmamakaawa ni Jasmin, ang Pinkhead na kaMU ngayon ni Jimin.

Isang linggo na magmula nang umalis si Namjoon, wala syang naging paramdam sa loob ng pitong araw, at si Pinkhead ang naging kasa-kasama ko dito sa bahay. Minsan kasama nya si Jimin pag pumupunta dito.

Sa loob ng isang linggo, wala akong ginawa kundi magbaliktanaw sa umaga at magmukmok sa gabi.

"Tapos tignan mo 'to. Ang cute nya matulog, nakanganga." Sabi ko ulit kay Pinkhead, sabay tawa.

"Yas he's cute. You really love him, do you?"

"Sobra." Sabi ko habang nakatitig sa picture ni Namjoon.

"And he will not like it if you don't eat. He will not be happy if he comes back and sees how thin you are. So better eat now Dickhead, hmm?"

Tumango nalang ako at kinain na ang takeout na nasa harap ko.

Simula nang umalis si Namjoon, hindi nako nakapagluto. Tinamad nako kumilos. Kaya nga sinabi ni Jimin kay Pinkhead ang sitwasyon ko eh, para masamahan nya ko dito sa bahay. Alam nilang pinakakomportable ako magsabi ng nararamdaman kay Pinkhead dahil ito ang unang nakaalam ng tungkol samin ni Namjoon.

Tahimik na kaming kumakain nang may marinig kami na magdoorbell.

"That must be your friends. Jimin told me that they have something important to tell you. Wait, I'll just open the door." Tumango nalang ako sa englishera kong kaibigan at hinintay na pumunta sila ng kusina.

"Jin hyung! Kamusta na?" Nauna pumasok sa kusina si Jungkook at inakbayan ako, tapos ay kumuha ng chicken na nasa plato ko, hinayaan ko nalang sya.

"Okay lang. Kinakaya naman."

"Kayanin mo talaga." Sagot ni Yoongi, kasunod nya ang iba pa na pumasok sa kusina.

"Nakausap ko si Namjoon." Sabi ulit ni Yoongi nang makaupo sila sa mga upuan.

"A-anong sabi nya? Kamusta sya? Ano nang nangyayari sa kanya? I-ikakasal na ba s-sya?" Humina ang boses ko sa huling tinanong ko.

Feeling ko, hindi ko kakayanin yung tagpong yun.

"Simula next week, magp-prepare na sa kasal nila. Okay naman sya, next week nya makikita yung ipapakasal sa kanya. May balita din sya na sinabi sakin." Lahat kami ay tahimik at nakikinig lang ng mabuti kay Yoongi.

"Narinig ni Namjoon na nagsabi ang parents mo sa parents nya na uuwi sila sa makalawa. Kailangan makita nila na nakakamove-on na kayo sa isa't-isa dahil isang linggo narin naman ang nagdaan. Kung hindi--" Nahinto si Yoongi at napayuko.

"Kung hindi, ano?" Tanong ko.

"Dadalhin ka sa states at gagawin ka nang citizen dun. Hindi ka na papabalikin dito hyung."

Natahimik kaming lahat sa narinig.

Hindi na'ko mababalikan ni Namjoon pag tinapon ako sa states ng parents ko.

Kailangan may gawin ako. Hindi pwedeng mapunta ko sa states.

"I-I have a lot of friends! If you need a s-single girl who's willing to help us, I'll try to ask my friends about it." Medyo awkward na sabi ni Pinkhead.

"Thanks Minie. We'll let you know if we need one." Nakangiting sabi ni Jimin sa Minie nya.

Nagulat kaming lahat nang biglang bumungisngis si Taehyung sa gilid.

"Problema mo?" May pagpalo pa sa braso na tanong ni Hoseok.

"Parang ganto lang din kasi tayo dati. Naghahanap ng babae para kay Jin hyung. Ngayon nasa ganto na naman tayong sitwasyon. Pero ang kaibahan lang, hindi na para madevirginize sya, kundi para hindi mawalay sa lalaking mahal nya." Mahabang pag explain nya na nakapagpangiti sa akin.

Those good old days.

Yung mga panahon na hinanapan nila 'ko ng babae. Yun yung mga araw na nagpalinaw sa nararamdaman ko kay Namjoon.

Lalong lumaki ang ngiti ko.

Hahanap ulit ako ng babae Namjoon, para mapalapit ulit sayo.

Gaya nang nangyari dati.

xxx

Jin the Virgin [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon