XXVIII

186 10 4
                                    

Namjoon

Nagdaan ang mga araw at naging sobrang busy kaming dalawa ni Jenny sa pag-aayos ng kasal namin.

Lalo din kaming naging malapit sa isa't-isa. Madalas siyang magtanong tungkol kay Jin at ito ang lagi naming pinag-uusapan.

Lalo ko tuloy namimiss si Jin hyung.

"Huy! Nakikinig ka ba?" Napalingon ako kay Jenny, nagtatanong ang mukha ko sa kanya kaya nagsalita sya ulit.

"Okay ba kako itong corsage na napili ko? Final touch na'to sa accessories ng attendants natin. Makakapagpahinga din tayo sa car, sa ngayon, makinig ka muna sakin hmm?" Tumango nalang ako sa kanya at sinabing maganda ang corsage.

Mapagmahal ako sa babae dati. Pag nagmahal ako ng babae, kasama talaga sa plano ko ang kasal. Di ko akalain na darating ako sa puntong magiging matamlay ako habang pinaplano ang kasal ko.

Sinong di tatamlay? Hindi ko naman ginusto 'to.

"Let's go?" Tumango ako bilang sagot kay Jenny at umalis na kami doon sa botique.

Naghanap kami ng makakainan at napunta kami sa isang korean restaurant, nag-samgyupsal kami.

Tahimik akong nanonood sa kanya dahil di naman ako maalam magluto nang magsalita sya.

"May I know your plans?"

Nalipat ang tingin ko sa mukha ni Jenny bago ako yumuko, tila lumipad na sa kawalan ang utak ko nang marinig ko ang tanong nya.

Wala akong plano.

Hindi ko pa rin alam ang gagawin, malapit na ang kasal pero wala pa rin pumapasok sa isip ko na paraan para hindi ito matuloy nang hindi napapahamak si Jin hyung.

Kumuha ako sa mga karne na sabi ni Jenny ay luto na at kinain ito. Nang matapos nguyain at lumunok, saka ako nagsalita, "I also don't know what to do."

Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni Jenny, "Same here. Hindi ko rin alam, tuloy na ba talaga ang kasal?" Natatawa-tawa pa siya habang nagsasalita, tila ba hindi makapaniwala.

Hindi ko nalang siya sinagot at nagpatuloy sa pagkain.

Hindi ko na talaga alam.

xxx

"Yes Ma, we're here at the mall nearby, you'll go here? Okay, see you. I'll text the restaurant. Okay okay, be safe," binaba na ni Jenny ang cellphone niya at tumingin sakin.

"Tara, hanap na tayo restaurant. Gusto daw nila tayo makasalo sa pagkain, they're on their way." Pagtukoy nya sa magulang naming dalawa.

Alas sais na ng gabi pero nandito parin kami sa mall, katatapos lang namin makipag-usap sa isang studio owner para maging official photographer at videographer ng kasal.

Nakarating na kami sa isang eat-all-you-can restaurant at nagbook ng upuan. Namili narin kami ng makakain habang hinihintay si Mama at Mr. Bang.

Tahimik akong namimili ng sushi na ilalagay ko sa plato nang makarinig ako ng pamilyar na tawa.

Nilingon ko ito at sana pala hindi ko nalang 'yon ginawa.

xxx

Jin

"Maganda 'to diba?" tanong ko kay Koorine, kasalukuyan kaming tumitingin ng mga relo ngayon. Pinakita ko kay Koorine ang kulay ginto na relo panglalaki para mabigyan nya ng feedback.

"Super! Ang simple ng dating pero ang ganda!" sabi niya nang tingnan niya ang hawak ko, busy rin siya sa pagtingin ng sarili niyang relo.

Magkasama kami ngayon sa mall, nagtitingin dito sa jewelry shop ng mga kung ano-ano. Syempre kailangan namin maglalabas para di mapansin ni Mommy ang pagpapanggap namin.

Mabilis talaga kagaanan ng loob si Koorine, simula noon pa naman. Masaya akong nakakasama ko sya, para syang tagalog version ni Pinkhead.

"Oy bilhin mo na yan kung gusto mo, nagutom ako bigla, gusto ko na kumain," biglang bulong ni Koorine na nasa tabi ko.

"Sige, hintayin mo ko dyan, bayaran ko lang 'to," sabi ko at saka ko tinahak ang daan papunta sa counter.

Matapos no'n ay lumabas na kami ng jewelry shop at nagbibiruan habang naglalakad. Pilit sinasabi ni Koorine na hwag daw ako ma-inlove sa kanya dahil aagawin niya ako kay Namjoon na siyang kinatatawa ko.

Natuloy lang ang ganoon naming tagpo hanggang sa makapasok na kami sa isang restaurant.

"Kapag talaga naging lalaki ka nako, talo-talo na 'to," sabi niya na naman kaya nakatanggap siya sakin ng isang halakhak.

Kung alam mo lang mga pinagdaanan ko sa mga kaibigan ko, Koorine. PFTTT- HAHAHAHA

"Tawa ka diyan sapakin kita eh!" Umamba ng suntok si Koorine kaya naman sinabi ko na hihinto na ako kakatawa at natawa naman siya dahil doon.

Baliw talaga ang isang 'to.

Namili na si Koorine ng uupuan at sumunod nalang ako sa kanya, tapos ay nag-aya na siya na pumili ng makakain.

Naglakad na kami papunta sa kung nasaan nakahapag ang iba't-ibang putahe galing sa iba't-ibang bansa nang may makasalubong kami-

-tumigil bigla ang mundo ko ng mga panahon na yon.

Gaya ng dati, nakakalunod parin ang mga titig niya, pinasadahan niya ako ng saglit na tingin at saka nagpatuloy sa paglalakad.

Nilagpasan niya ako.

Nabato nalang ako sa kinatatayuan ko ng lapitan ako bigla ni Koorine.

"J-Jin, o-okay ka lang?" Maging siya ay hindi sigurado sa mga salitang sasabihin niya sa akin, dama niya siguro ang pagkabigla ko.

Pilit akong bumalik sa realidad at nginitian si Koorine, "Syempre naman," tapos ay inakbayan ko siya at naglakad na kami para pumili ng pagkain.

"May kasama siya, Jin." Para kaming tanga ni Koorine na nagbubulungan habang siya ay nakamasid sa isang table.

"Babae ba? Mahinhin tignan yung mukha na mataba ang pisngi?" Tumango si Koorine at napangiti nalang ako.

Yung mapapangasawa niya.

"Yan na 'yon," simpleng sabi ko kay Koorine at naintindihan niya na ito.

Matapos maglagay ng mga putahe sa pinggan ay bumalik na kami sa lamesa namin. Tatlong lamesa ang pagitan nito kila Namjoon, tanaw na tanaw namin sila mula rito.

Bagay talaga sila.

Tahimik silang kumakain habang kami naman ni Koorine ay walang tigil sa bulungan.

"Ang ganda nung babae," hindi napigilan ni Koorine na mamangha, maski naman ako ay ganun din ang reaksyon nang makita ko ito.

"Pero buti nalang wala nang hilig sa babae si Namjoon!" Napalingon ako kay Koorine bago kumain ng karne.

"Pinagsasabi mo?"

"Totoo naman ah? Lalaki kaya gusto noon! Yiee." Napangiti ako sa inasta ni Koorine, dama kong pinapagaan niya ang loob ko, hindi ko maiwasan na guluhin ang buhok niya at ilapit onti ang mukha ko sa kanya.

"Pakaharot! Kumain ka nalang hmm?" Tapos ay sinubuan ko siya ng sushi, nangingiti naman na tinanggap yon ni Koorine.

Matapos ng tagpong yon, hindi sinasadyang napatingin ulit ako sa lamesa nila Namjoon, nagulat pa ako dahil andoon na ang Mama niya at ang siguro ay ama ng babaeng pakakasalan niya.

Pero mas nagulat ako nang makitang nakatanaw din sa pwesto namin si Namjoon hanggang sa magtama ang tingin namin.

Akala ko, kagaya kanina, ay iiwas agad siya ng tingin lalo pa't andyan ang magulang niya, pero hindi- tila kinakausap ako ng mga mata niya habang nakatingin siya sa akin- at kusa na nga lang nagtubig ang mga mata ko nang makita kong bumukas ang bibig niya bago nag-iwas ng tingin.

"Bogo shipda." (I miss you.)

xxx

Jin the Virgin [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon