XXIII

218 14 6
                                    

Chapter XXIII | Jin the Virgin



Jin


“Jin hyung, buti nagising ka pa,” nagulat ako nang magsalita si Yoongi, dahil dito ay natahimik ang ingay noong limang naghaharutan sa sala.

"Inggit ka lang kasi mahaba tulog ko,” sabi ko sa kanya at saka dumiretso sa sala at sumalampak sa sahig.

"Ngayong kumpleto na tayo, tingin ko kailangan na nating pag-usapan 'to nang seryoso?" tanong ni Hoseok, dahil doon ay nagsipag-balikan sa dati nilang upuan ang tatlong maknae. Si Namjoon naman ay tinapik ang tabihan niya, mukhang gusto niya magsiksikan na naman kami sa pang-isang tao na sofa.

Tumayo na rin ako at tumabi nga kay Namjoon.

"Pasensya na sa nangyari noong huli nating pagkikita, Jin hyung, Namjoon. Nagulat lang ako, na-overwhelmed sa mga pangyayari. Hindi ko inaasahan lahat ng ito eh,” sabi ni Hoseok makalipas ng ilang segundong katahimikan.

"Nag-isip-isip ako, pinalawak ang pag-intindi, si Yoongi hyung ay tinulungan ako para iproseso ang sitwasyon niyo at ngayon— okay na. Naiintindihan ko kayo, at syempre, tanggap ko kayo. Walang iwanan nga tayong pito, ‘di ba?" halos maiyak ako sa huling sentence na sinabi ni Hoseok.

Walang iwanan.

Ang sarap pakinggan. Sana ganoon nga.

"Kami rin, hyung. Nagulat kami, syempre, pero naiintindihan at tanggap din namin kayo,” nakangiti na sabi ni Jimin, tinutukoy niya sa kami ay silang tatlong maknae namin.

"Salamat,” nakangiti kong sabi sa kanila.

xxx

Kumakain na kami ngayon sa kusina ng tanghalian at doon ay natanong ko na kung ba't sila nandito nang gano’n kaaga.

"Nagpunta kayo nang gan’to kaaga para mag-sorry at sabihin na tanggap niyo kami?"

"Syempre hindi lang ‘yon, Jin hyung. Nandito kami para makapag-isip tayo ng plano para hindi matuloy ang kasal ni Namjoon,” sagot sa’kin ni Yoongi.

Oo nga pala, huling araw na ng pagiging malaya ni Namjoon, pagkatapos nito’y paniguradong hindi ko na siya makakasama.

"So anong plano?"

"Ba’t hindi na lang kasi kayo magtanan?"

"Jimin, kahit anong tago namin, mahahanap pa rin kami panigurado ni Mama,” sagot ni Namjoon.

"Sabi sa’kin ni Tita— kapag tumakbo raw tayo, kakausapin niya ang parents ko na nasa ibang bansa,” pagpapaalam ko sa kanila.

Paniguradong kukunin nila ako.

"Sa totoo lang, ba't hindi na lang natin tanggapin ang pangyayari?" napalingon kami kay Jungkook sa sinabi niya.

"Mas piliin natin ‘yong hindi komplikado, gano’n. Sabihin niyo nag-break na kayo ni Namjoon hyung. Maglie-low kayo habang kinakasal si Namjoon hyung, tapos kapag nakuha niyo na ulit ang tiwala ng lahat, kung mahal niyo pa ang isa't-isa, saka niyo pagpatuloy ‘yong naudlot na pagsasama niyo."

"Pero Jungkook, ayaw ko magpakasal sa kahit kanino, at mas lalong ayaw kong maging kabet si Jin hyung,” may diin na sabi ni Namjoon.

"That's the safest way, hyung! Minsan talaga hindi natin makukuha ang gusto natin kahit gaano pa natin 'to ipaglaban!"

“Jeon Jungkook!—"

"Huwag kayo magsigawan sa pamamahay ko," pagpapahinto ko sa kanilang dalawa.

"May point naman si Jungkook, sa totoo lang. Sa paraang ‘yon, hindi niyo mawawala ang isa't-isa. Iyon naman ang gusto niyo, ‘di ba? Ayaw niyo mawala sa isa't-isa," pagsang-ayon ni Yoongi kay Jungkook.

Kaya ko ba? Kaya ko bang makita si Namjoon na may kasamang iba?

"Wala bang iba pang paraan?! Ayaw ko nang mga sinasabi niyo."

"Namjoon hyung, mahirap tumakas sa sitwasyon mo,” napayuko na lang si Namjoon sa sinabi ni Taehyung.

Ba't naging gan’to kahirap 'to?

"Mag-uusap muna kami ni Namjoon tungkol dyan, pag-iisipan namin," sabi ko para matapos na ang usapan.

Tinitigan akong mabuti ni Yoongi, mata sa mata. Para bang may gusto siyang iparating sa akin.

Pinakita ko sa kanya ang pagtataka sa mukha ko. Nakita kong nag-mouthed siya ng “mamaya” bilang tugon.

"So icoconsider natin ‘yong plano nila? Ayaw ko no’n, baby please."

Nagulat pa ako nang tinawag niya akong baby sa harap ng mga tropa namin at napalingon sa kanila ngunit nang makitang walang kahit anong pandidiri sa mga expression nila ay napangiti na ‘ko.

"Alam nating dalawa na may point sila. We need to consider it," sagot ko na lang kay Namjoon.

Natahimik kami sa lamesa at inubos ang kinakain.

xxx

Naiwan kami ni Yoongi sa kusina habang ang iba ay namili, mag-iinuman kami mamaya.

"Hyung, anong balak mo?" napalingon ako nang marinig ko siyang magsalita.

"Hindi ko rin alam. Paniguradong bukas, pag-alis ni Namjoon, tatawagan ako ng parents ko. Kahit magsinungaling sila sa’kin, alam kong gagawa sila ng paraan para ilayo ako rito."

"Hindi naman sa ano, Jin hyung, pero ba't hindi ka maghanap ng babae mo? Ipakita mo sa kanila na lalaki ka hanggang sa makalimot sila sa kung anong mayroon sa inyo ni Namjoon,” napalingon ako kay Yoongi dahil sa sinabi niya.

"Masasaktan ko si Namjoon kung gano’n."

Sa totoo lang, ‘di ko na malaman anong gagawin ko. Naii-stress na ‘ko kakaisip kung anong mangyayari sa’min ni Namjoon pagtapos ng araw na 'to.

I don't want to lose my baby.

"Alam nating dalawa na walang happy ending na naghihintay sa inyo, Jin hyung,” tumulo ang luha ko dahil sa mga narinig kay Yoongi.

Bawal ba talaga?

"Si Namjoon, kailangan niya magpakasal kung ayaw niyang malugmok sila sa hirap ng Mama niya. At ikaw, kailangan mo ayusin ang buhay mo kung ayaw mong itakwil ka ng pamilya mo," tahimik na umiiyak ako habang tumatango kay Yoongi.

Naintindihan ko naman ang ibig niyang sabihin.

"Matigas ang ulo ni Namjoon, ikaw na lang hyung ang gumawa ng tama. Para sa inyo 'tong dalawa."

"Wala na bang ibang paraan?" mahinang kong bulong sa gitna ng mga hikbi ko.

"Ito ‘yong nag-iisang paraan na kahit paano ay may happy ending para sa inyo. Nag-iisang paraan na magbibigay ng habang buhay niyong pagsasama— bilang magkaibigan nga lang."

Napabuntong-hininga ako at pinunasan ang mga luha.

"Pagtanggap, Jin hyung. Iyon ang kailangan niyo."

xxx

Jin the Virgin [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon