X

340 21 1
                                    

Chapter X | Jin the Virgin


Jin

Kapag may bagay na mag-trigger sa utak niya na pwedeng connected sa nangyari sa’min, maaalala niya.

Syet, dapat maging maingat ako.

"Hyung, may birthday party ‘yong kapatid ni Taehyung na babae,” sabi ni Namjoon sa’kin.

Nandito siya sa bahay at nakatambay sa sala. Naglalaro ako sa cellphone ko habang nakahiga sa mahabang sofa, nakaupo naman siya sa sahig at nakasandal sa sofa na hinihigaan ko, nagpapatugtog siya ng music sa cellphone niya at tahimik namin ‘yong pinapakinggan.

"So? H’wag mo sabihin sa’kin na ‘yan ‘yong babaeng irereto niyo ah? Hindi ako pedophile," sabi ko sa kanya.

Balik kami sa pagiging close— syempre ano pa nga ba? Pagtapos namin mag-make out, makakalimot siya tapos aakto tayong lahat na parang walang nangyari.

"Hindi 'no! Invited tayong pito! Next week ‘yon at doon tayo mangh-hunting ng babae mo!"

"Ge lang, makakasama na si Jungkook?"

"Oo, sa isang araw uuwi na siya galing South Korea."

"Okay," nagpatuloy ako sa paglalaro ng cellphone ko at siya naman ay pumikit at nakinig lang ng kanta.

"Ay hyung, may kanta akong sinulat, pwede bang ikaw kumanta?" nagpo-produce ng kanta si Namjoon, maging si Yoongi, at Hoseok. Nire-record nila ‘yon, minsan sila-sila ang kumakanta ng sarili nilang kanta, kagaya na lang no’ng ringtone kong kanta ni Namjoon. Madalas naman, sama-sama kaming pito sa pagkanta.

Forte ng tatlong producers ang pagra-rap, kami namang apat nina Jimin, Taehyung, at Jungkook ang mga kumakanta. Gawain namin 'to no’ng nag-aaral pa kami pero nang nagkaroon na kami ng kanya-kanyang buhay, medyo ‘di na namin nagagawa. Kaya nga medyo nagulat ako sa sinabi ni Namjoon ngayon.

"Balik ka na ulit sa paggawa ng kanta?"

"Oo, nakakamiss eh. Tutal bumabalik ang strong connection nating pito."

"Sige, kantahin natin ‘yang kanta mo!" sabi ko, punong-puno ng excitement ang katawan.

"Hindi, hyung. Ikaw lang sana ‘yong gusto kong kakanta,” seryoso niyang sabi.

"Huh?" baliw ba' to? Ang awkward kaya mag-record!

"Dalawa tayo, nahihiya ako sa nagawa kong kanta eh. Nakaka-ano iparinig at ipakanta sa kanila,” nakatingin ako sa kanya habang siya naman ay nakayuko lang.

Kahit side profile niya ang gwapo pa rin— wtf, kimseokjin?!

"So, sa’kin hindi ka nahihiya? Anong klaseng kanta ba ‘yan para ikahiya mo? Magaling ka naman gumawa ng kanta ah? Mabenta nga compositions mo sa singers eh,” ‘yon ang pinagkakaabalahan niya, bukod sa paghawak ng business ng mama niya, nagbebenta rin siya ng mga kanta sa singers sa showbiz industry.

"Sayo ‘ko pinaka-komportable, hyung. Lagi tayong magkasama, ba't ako mahihiya sayo? Alam mo na lahat ng side ko kaya alam kong hindi mo ko huhusgahan,” nakayuko pa rin siya at nilalaro ang kamay niya.

"Hindi ka rin naman huhusgahan ng limang ‘yon."

"Malalaman mo kung ba't ako nagkakaganito ‘pag nabasa mo ‘yong lyrics at plano ko sa comeback song ko na ‘yon."

"Lakas maka-pro ng comeback ah? Idol ka?" asar ko sa kanya.

"Totoo namang comeback ko 'to sa pagsusulat ng kanta ah? Tagal ko kaya ‘di nagsulat! At saka oo— idol ako. Idol mo, hahaha!"

"Baliw!" pinalo ko sa likod ng ulo niya ‘yong maliit na square na unan na nandito sa sofa habang tumatawa.

pero sa totoo lang, idol ko naman talaga siya.

xxx

Nagdaan ang isang linggo, masaya naman ang mga pangyayari, normal lang.

Kami ni Namjoon, balik kami sa dati— close at walang iniintinding babae.

Kami ni Pinkhead, madalas magdaldalan— nagkukwento siya ng mga pangyayari sa buhay niya at gano’n din ako. Masasabi kong nagiging close kami ng Englisherang Pink na ‘yon.

Iyong tropa naman ay medyo lie-low sa pagkikita dahil sa kanya-kanyang buhay pero ngayon magkikita-kita na ulit kaming pito.

Ngayon ‘yong birthday party ng kapatid na babae ni Taehyung, kabebente lang niya.

"Taehyung-ah!" lumapit ako nang makita ko siya sa chocolate fountain. May marshmallow siyang dala kaya nanghingi ako doon at nakisawsaw sa chocolate fountain.

"Nasa’n ang iba, Jin hyung?" tanong niya sa’kin habang may kanya-kanyang sawsaw at nguya ng marshmallow.

"Nasa lamesa si Namjoon at Yoongi, tamang tanaw lang ng babae at enjoy sa ganda ng view dito.”

Isang formal party ito sa isang rest house, mala-palasyo ang lugar at nakare-relax ang paligid. May tumutugtog din na isang orchestra habang nakikipagdaldalan sa bisita ang kapatid ni Taehyung. Masyado kasing seryoso ang kapatid niya kumpara sa kanya kaya ganitong klaseng party ang trip.

"Eh ang iba?"

"Naghahanap ng masarap para sa’kin,” sagot ko sabay tawa na ani mo’y nagpupunas ng bintana ang tunog.

"Ba't hindi ikaw ang maghanap ng sarili mong masarap na babae?" tanong niya sa’kin.

"Sabi lang naman nila maghanap ako ng masarap, at wala nang sasarap pa sa pagkain, hahaha!" para na akong hinihika rito katatawa, sabay subo ng marshmallow na puno ng chocolate.

"Baliw ka talaga, hyung. Tara na kila Namjoon hyung,” iniwan na namin ang masarap na chocolate fountain at bumalik sa lamesa naming pito.

Nang makabalik doon, nanghingi si Namjoon at Yoongi ng marshmallow na bitbit ko na nasa maliit na tasa at sinawsaw sa chocolate na nakalagay sa isa pang maliit na tasa.

Edi ako na ‘di makatiis iwan ang marshmallow.

Maya-maya lang dumating sila Jimin, "Hyung, may nakita na kami!" sabi sa’kin ni Jungkook pagka-upo niya sa tabi ko.

"Maiksi ang buhok, mukhang snobber pero ‘yon mismo ang nagpa-hot sa kanya! Nakakwentuhan na siya ni Hoseokie hyung," wika naman ni Jimin.

"Hyung, Taeia (/Te-ya/) ang pangalan niya. Kaedad ko lang din siya, single and available lalo na daw mamaya,” sabi naman ni Hoseok.

"Sml?" sabi ko habang busy na inuubos ‘yong marshmallow ko, nakatanggap naman ako ng palo galing kay Taehyung.

"Yah! Ba't mo naman ako pinalo?!"

"Sml ka dyan! Ikaw na nga hinahanapan ng lovelife eh!"

Kaya minsan ayoko kausap 'to si Taehyung eh, lalo na kapag seryoso siya. Ayoko kasi sa serious atmosphere, allergic ako sa gano’n.

"Eh kung puntahan mo kaya? Alukin mo niyang kinababaliwan mong marshmallow,” suhestyon ni Namjoon.

"Ayoko nga! Baka ubusan niya lang ako 'no?" pagtanggi ko sa kanila at busy pa rin sa pagsawsaw ng marshmallow doon sa chocolate syrup.

"Sa ugali mong ‘yan? Asa namang hahayaan mong maubusan ka,” tinignan ko nang masama si Yoongi pero nagsmirk lang siya sa’kin. Sama ng ugali nito.

"Sige na, baboy. Puntahan mo na!" nagtawanan silang anim sa sinabi ni Jungkook. Ako? Baboy?!

"Yah! Bakit mo ‘ko tinatawag na baboy? Mukha ba ‘kong baboy? Ang gwapo ko namang baboy! Porket lamon nang lamon— baboy agad?! Parang ‘di ka P.G., Jungkook ah?!" pagdaldal ko na lang sa kanila.

"Hahaha! Sundin mo na lang kasi kami nang ‘di ka matawag na baboy. May guest room dyan sa second floor, in case na kailanganin mo,” sabi ni Namjoon kaya napa-oo na lang ako at tinuro nila sa’kin ang pwesto ni Taeia. Mag-isa siyang umiinom sa lamesa niya.

"Hi! Can I have a seat?" tanong ko nang makalapit ako sa kanya.

"Ah, sure. Wala naman akong kasama,” sagot niya at ngumiti, pero kahit ngumiti siya ay malamig pa rin ang tingin niya sa’kin. Parang walang affection, natural na yatang gano’n ang mata niya.

Naupo ako sa tapat niya at tahimik na pinag-aralan ang kanyang itsura. Tahimik din siyang umiinom sa harap ko at kumakalikot sa cellphone niya.

Maiksi ang buhok na may bangs.  Matangos ang ilong at may malamig na titig kahit pa ngitian ka niya. Ang ganda ng mata niya sa totoo lang, nakalulunod tignan.

"Staring is rude,” nagulat ako nang magsalita siya nang ganyan.

"Sorry but with that kind of face in front of me? I can't help but stare at you."

"Flowery words? Tsk tsk,” umiling siya at muling binalik ang tingin sa cellphone.

"I'm Jin,” nilahad ko ang palad ko sa harap niya.

"Taeia,” tugon niya naman at tinanggap ang kamay ko tapos ay binitawan din ‘yon.

"Ikaw ba ‘yong kaibigan nila Hoseok?" tanong niya sa’kin. So kinwento na ‘ko ni Hoseok sa kanya?

"Ah yeah, kaibigan ko sila."

"Sinabi na sa’kin ni Hoseok ang kailangan at sitwasyon mo,” nangalumbaba siya at tinignan ako nang matiim.

Sabay sabi ng mga katagang— "Nasa second floor ang guest rooms, and I'm okay with one night stand,” tapos ay kinindatan niya ‘ko at nag-smirk.

Ang badass niya tignan. Nakaa-attract.

xxx

Jin the Virgin [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon