Two

1.6K 46 4
                                    

"A bottle of Xellent Swiss Vodka, VVIP." Sabi ko sa cashier saka dumeretso na sa VVIP tables.

Do you feel the excruciating pain, Athena? Hope you're not. Ayaw kong nasasaktan ka. Rejection is a constant part of our life, just learn how to deal with it and learn how to keep on moving.

Medyo natagalan ang pagserve nila ng alak saakin. What do you expect? Friday night, puno ng estudyante ang bar na 'to, hanging out with friends, intensely kissing their boyfriends and girlfriend, some were performing handjob on the corner of this bar or under the table.

Tinignan ko ang cellphone ko, it's already 10pm and still, sakit parin ang nadarama ko.

Puro sorry lang ang laman ng messages ko. Nagsosorry sila where in fact, wala naman silang kasalanan. Ako yung mali, ako yung nagmadali.

"What do you want to have for your food, Sir?" Tanong ng waiter saakin.

"Just give me, roasted chicken and inihaw na bangus." Sabi ko rito.

"Copy that, Sir." Aniya saka lumisan na.

Ang bar ay pinapaingay ng techno mix. Masaya ang atmosphere ng paligid.

"Oh, Art!" Tawag ng pamilyar na boses, nilingon ko ito at nakita si Kuya Robin, kasama ang kaniyang girlfriend.

Robin Dela Cruz is my cousin. Hindi kami masyado nagkakausap since nagt-trabaho siya as 2nd lieutenant ng Philippine Army.

"Yeah. Hello, Eurydice." Bati ko sa nobya niya, kaibigan ko ito at kaklase ko sa isang major subject noong nag-aaral pa ako.

"I heard about your failed proposal-" kusa siyang nahinto nang marealize kung ano ang sinasabi niya.

Nanakit muli ang dibdib ko, upang maibsan ay uminom ako ng alak. Halos nakakalahati ko na ito, nais kong malango sa alak, nagbabakasakaling malimot ang sakit na nadarama.

"Sorry." Paghingi niya ng tawad saakin.

"No, it's ok." Sagot ko dito saka inilahad ang palad ko sa mga upuan sa harap ko "Take a seat, Eury, Kuya." Aya ko sakanila.

"Ayos lang ba?" Tanong ni Kuya Robin.

"Oo naman, pinsan kita, samahan mokong uminom." Sabi ko saka pinindot ang button sa tabi ko, dumating naman ang isang waitress upang kunin ang order ko.

"Another bottle of Xellent Swis Vodka at Spicy Sisig." Saad ko rito. Tumango naman siya saka umalis na.

"So anong balak mo?" Tanong ni Kuya Robin.

"Nature tripping?" Patanong ko ring sagot "You know, I just want to be alone, I want to breath fresh air, gusto ko munang lumayo sa nakalalasong hangin ng siyudad." Natawa ako sa sagot ko.

Kailan ko pa naging hilig ang nature tripping? Kailanman ay ayaw na ayaw ko ng nature tripping, naiinis ako sa dami ng gawain sa nature. Puwede namang tayuan nalang nila ng buildings ang mga 'yon para mas umasenso ang bansa.

"Kailan ka pa nagka-interes sa kalikasan?" Tanong nito saakin.

"Ewan ko, ngayon lang siguro. Broken, eh." Wika ko saka sumulyap sa waitress na inilapag na ang mga orders ko.

Kumuha naman si Kuya Robin at uminom. Gusto sanang uminom din ni Eury pero hindi siya pinayagan ni Kuya, bagkus ay kumunot lamang ang noo nito, pinagsalubong ang dalawang makakapal na kilay.

Lahi namin 'yon, makapal ang kilay, matangos ang ilong, at mala-abo ang mata. Asset? Siguro yung adams apple na halatang halata.

"Bukod sa nature tripping, ano pang trip mong gawin after?" Anito sakin.

"Maybe, I'll focus more on my clothing line. Mataas ang demand nang mga t-shirts, robes, and jeans sa company. I should focus more on those bago ang love." Sagot ko saka uminom muli.

"Ah, the ADC Clothings? Kilala nga ang brand na iyan, maging mga anak at asawa nang mga kasamahan ko sa serbisyo, privates, at mga heneral ay ikinukuwento saakin na maganda nga daw ang mga gawa nang kompaniya mo, malinis ang pagkakatahi at malambot ang tela." Ani Kuya Robin.

"I see, siya nga pala? Bakit ka narito? Hindi ka ba hinahanap nila Tito Amado?" Tanong ko sakaniya.

"Alam naman nila, eh. And besides, I'm twenty four, kaya ko na ang sarili ko." Natatawang sagot niya.

Nang maubos ko na ang alak na iniinom ko ay nagpaalam na para umalis.

"You're drunk, baka maaksidente ka." Sabi niya.

"Hindi naman ako sobrang lasing, I can still drive." Saad ko

"That is also a violation to Republic Act 10586 or an act penalizing persons driving under the influence of alcohol, dangerous drugs, and similar substances, and for other purposes." Sabi niya pa.

"Don't worry, I can handle myself. I am a responsible driver. Ayos lang ako." Sagot ko sakaniya.

Wala na silang nagawa kundi ang magpaalala saakin na mag-iingat din ako. Republic Act? Bakit walang act na nagbabawal manakit ng feelings? Na nagbabawal na man-reject?

I opened my Google app and searched for a place where I can stay for a while. Baler? Surigao? Ilocos? Bahala na. Kung saan nalang ako mapupunta.

Pumunta ako sa parking space at dumeretso sa aking kotse. Though medyo nahihilo ako ay kaya ko pa namang magdrive. Dumeretso ako sa loob at sinimulan na ang biyahe.

1am, madilim ang daan at medyo umuulan. Ang tanging nagpapaliwanag lang sa paligid ay ang kalat-kalat na mga street lights at ilaw ng kotse ko. Binuksan ko ang music player. Dinadamdam ang liriko ng musika.

When you're happy, you appreciate the music.
When you're sad, you appreciate the lyrics.

I got way too much time to be this hurt
Somebody help, it's getting worse
What do you do with a broken heart?
Once the light fades, everything is dark
Way too much whiskey in my blood I feel my body giving up
Can I hold on for another night?
What do I do with all this time?

Gusto kong awayin 'yong music player. Pinariringgan yata ako. Parang lahat nang liriko na inilalabas niya ay kutsilyo na itinatarak sa dibdib ko, alcohol na ibinubuhos sa mata't sugat ko. Masakit, mahapdi, nakakaiyak.

Ang kaniyang mga mata, labi, at mga yakap na tila wala nang katapusan. Ang boses niyang mala-anghel, nagpapasaya saakin. Athena, bakit sobrang sakit? Bakit parang isa ka ngang Goddess? Kaya mong pumunit ng puso, kaya mong manakit sa emosyonal na paraan.

Tuloy-tuloy lamang ang aking biyahe, natagpuan ko ang sarili ko na tinatahak ang daan papuntang Baler, Aurora. Mabuti na lamang at hindi malala ang trapik, baka pati enforcer ay mapagbuntungan ko ng mga hinanakit. Mag-uumaga na nang marating ko ang boundary ng Bongabon, Nueva Ecija at Baler, Aurora.

"Anong oras na ba? Dahan-dahan naman sa pagpapatakbo, natutulog 'yong tao, eh." Halos sumadsad ang gulong ng aking kotse dahil sa boses na galing sa likuran ko.

Gulat ko itong nilingon, hawak-hawak niya ang buhok nito na medyo nagulo at halatang kagigising lamang niya. Nanlalaki ang mata niya habang nakatitig din sa'kin.

Paano nagkaroon nang babae dito sa kotse ko? Tumili ito ng malakas.

"Kidnapper! Holdaper! Rapist! Exorcist!" Sigaw niya

Bakit may babae sa kotse ko? Sino siya?

Chasing NazarethTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon