Pagkamulat ng mata ko ay tumama iyon sa kisame, masakit ang katawan at ulo ko. Napapikit pa ako ng muling lumitaw si Athena sa paningin ko.
Akala ko, ayos na ako.
Bumangon ako at nagpush-up bago pumasok sa banyo para maligo. Paglabas ko ay simpleng jersey shorts and t-shirt lang ang aking gamit. Nasa hagdan pa lang ako ay naamoy ko na ang amoy ng sinangag at longganisa na niluluto.
"Good morning," bati ko nang nakarating ako sa kusina, lumingon naman sa akin si Precious saka ngumiti rin.
"Good morning. Nagluto na ako, kumain ka na," sabi niya at inilapag ang longganisa at sinangag sa harap ko. "Coffee?" alok niya kaya ngumiti naman ako saka tumango.
"Ikaw? Kumain ka na din," sabi ko, nagtimpla muna ito ng kape saka nilagay sa tabi ko.
"Ayos ka lang ba? Mukhang lalagnatin ka, ang putla mo," usal niya, hindi ko ito pinansin pa at kumain na lamang.
Pagkatapos ay siya na rin ang naghugas ng pinagkainan namin. Maulan parin sa labas, mahangin din. Mabuti at matibay ang bahay na ito. Binuksan ko ang telebisyon at nanood muna ng balita.
Mukhang Region III nga ang tumbok ng bagyo at dito sa Aurora ang pinakaunang tinamaan, nasa Nueva Ecija na ang bagyo ngunit nahahagip pa rin kami dahil sa laki ng diameter nito, inaasahang mamayang alas dos ng hapon ay nakalabas na ng PAR ang bagyo.
"Malakas ba?" tanong ni Precious sa likod ko, nilingon ko naman ito saka tumango.
"Yeah, maraming establishment ang nasira, may ilan ding namatay dahil sa baha," sagot ko at tumango naman siya sa akin, pagkatapos ng balita ay movie naman ang sumod.
Tungkol ito sa isang bampira at isang mortal na nag-iibigan. Hindi ko alam ang title pero mukhang maganda naman ito.
"About three things I was absolutely positive. First, Edward was a vampire. Second, there was a part of him-and I didnt know how potent that part might be-that thirsted for my blood. And third, I was unconditionally and irrevocably in love with him," anang babaeng bida, hindi ko na iyon tinapos at lumabas na lamang ako ng bahay upang silipin ang ulap, humihina na ang ulan. Pagpasok ko ay dumeresto ako sa kusina upang kumuha ng wine na maiinom, ibinabad ko iyon sa bucket na puro yelo at nagdala na rin ng wine glass.
Dinala ko iyon sa labas ng bahay, sa gazebo sa tabi ng pool area ko balak uminom. Nakaharap ang pool area namin sa dagat kaya makikita mo talaga ang view ng Pacific Ocean, ngunit dahil makulimlim ay matataas na alon lamang ang makikita mo sa karagatan.
Agad akong nagsalin ng alak sa aking baso saka ininom iyon, gumuhit ang lasa ng alak sa aking lalamunan.
Nang medyo makalahati ko na iyon ay nag-alis ako ng aking damit saka tumalon sa pool. Gusto kong magbabad upang mawala ang pagkahilo ko. Napakabilis ko namang malasing.
Tingnan ko ang relo ko at mag-aalas dose na pala ng tanghali. Umahon na rin ako saka kinuha ang mga gamit ko, isinampay ko pa ang damit sa aking balikat saka naglakad papasok ng bahay.
"Can you please get me a towel?" pakiusap ko kay Precious, tumango naman ito saka umakyat na sa taas. Nanatili akong nakatayo sa pintuan hanggang sa dumating ito. Pagkabigay niya ay kinapa nito ang leeg ko.
"Ayos ka lang?" tanong niya at tumango naman ako.
"Oo naman," sagot ko sa kaniya, bumalik naman ito sa ginagawa niya sa kusina. Pumasok na ako sa bahay at dumeretso sa kuwarto ko para magbanlaw.
Nakaupo ako sa kama at tinitignan ko ang messages ngunit tumawag ang pinsan ko.
"Hey, Luke!" bati ko pagkasagot ng tawag.
"Balita ko may kasama ka daw na binibini diyan sa rest house?" wika niya, inilayo ko naman ang cellphone mula sa tenga ko dahil lumakas ang pag-tawa ng mga pinsan ko mula sa kabilang linya. Bakas na inaasar nila ako.
Damn it! Kapag nagsama-sama sina Kuya Luke, Robin, Chris, at Ivan ay puro kalokohan ang ginagawa nila. Lalo na kapag wala sina Eurydice, nobya ni Kuya Robin at si Kyline na ex girlfriend ni Kuya Luke.
"So ano, bro? Magaling ba?" pang-aasar niya pa.
"S-Shut up! Hindi ako gano'n," sabi ko sa kaniya.
"Ohh baby, deeper," wika ni Chris.
"Yeah, one more time," paungol na sabi ni Ivan.
"Gago, good boy yang si Art, diba?" Mukhang sa kanila ay ang kay Kuya Luke ang pinakamatinong kumento.
"First blood ba?" pang-aasar ni Kuya Robin.
Napahilot pa ako sa sentido ko, paano ko ba naging pinsan ang mga ito? Ang magkapatid na sina Chris at Ivan ay puro pambababae lamang ang alam. Si Kuya Robin ay dati ring chick boy bago nakilala si Eury habang si Luke naman ay pambababae din ang hilig. Mabuti na lamang at wala sina Franz at Gabriel na nagturo sa akin nang kung ano-anong kagaguhan at puro porno ang laman ng cellphone. Walang pattern ang screen lock pero ang Gallery at Messenger ay mayroon.
"Look, Kuya. Hindi ko nga kilala ang babaeng iyon saka hindi ko naman iyon nobya. Wala sa isip ko ang tumira ng hindi ko naman girlfriend hindi tulad ni Chris," saad ko at nagtawanan naman sila.
"Walang laglagan, bro," sagot naman ni Chris sa akin.
"Totoo naman, ah," sabi ko pa at kinantiyawan naman ito ng mga pinsan ko, pinakamalakas ay ang sa kapatid niya.
"Enjoy your stay there, Art. Galingan mo," pang-aasar pa ni Kuya Luke saka pinatay ang cellphone.
Sa aming magpipinsan ay ako ang pinakamabait. Loko-loko ang mga iyan pero kapag isa sa amin ang nasaktan lalo na kung ang mga pinsan naming babae ang nasaktan, super protective ang mga iyan.
Napalingon ako sa pintuan ng katukin iyon.
"Kakain na," sabi ni Precious habang bahagyang nakasilip sa pintuan ang ulo niya.
"Susunod ako," sagot ko. Tumango lamang siya saka isinara na niya iyon.
Iniligpit ko pa muna ang mga kalat ko bago bumaba at dumeretso sa kusina. Tahimik kaming dalawa ni Precious at hindi na muna nagkibuan. Nang matapos ang aming pagkain ay ako na ang naghugas ng mga pinagkainan. Ayaw pa sana ni Precious dahil daw mukhang lalagnatin ako ngunit pinilit ko padin na maghugas ng mga plato.
"Bukas, maglibot tayo sa buong isla, I'll tour you," sabi ko at tumalikod sa kaniya para kumuha ng maiinom.
"Saan tayo pupunta?" tanong niya sa akin.
"Depende, kung hanggang saan ko gugustuhin." Ngumiti ako kahit hindi niya ako nakikita dahil nga nakatalikod ako.
"Sige," sabi niya pa, nagtuloy-tuloy na ako sa pag-akyat saka humarap sa kompyuter para tignan ang mga reports for the ADC Clothings.
Halos ilang oras akong nagbabasa ng mga reports ng CFO at mga pinadalang messages ng mga kliyente at investors ng kumpaniya. Hindi ko namalayang gabi na pala.
"Masyado ka namang nagpapaka-busy sa ginagawa mo, puna ni Precious saka naupo sa sofa.\
"Kailangan, eh," sagot ko sa kaniya.
"Gusto mong kumain?" tanong niya sa akin.
"Busog pa ako," sabi ko.
"You havent ate anything. Kanina pang lunch yung huling kain mo at kaunti lang yon," aniya. "You have to eat well para may gana ka bukas."
"Marami pa akong inaasikaso, eh," sabi ko naman.
"Dadalhan kita," wika niya kaya napalingon ako sa kaniya.
"Coffee and bread will do," sabi ko.
"Sige," anito saka tumayo na para umalis.
Inihatid niya sa akin ang hiningi ko. Kasama ko siya sa sala na nagt-trabaho. Marami siyang tanong tungkol sa business life ngunit hindi ko nasasagot dahil sa tambak na paper works. Ilang oras lang ay nagpaalam na siya para matulog.
Makalipas ang ilang oras ay tapos ko na rin ang ginagawa. Nang makaramdam ako ng pagod ay pumanhik na ako papunta sa kuwarto, nahiga saka ipinikit ang mga mata ko.
BINABASA MO ANG
Chasing Nazareth
Storie d'amoreHe suffered an excruciating pain after being hurt by his loved one. He's so broken to the point that he did something new-nature tripping. He promised to himself that he'll never love again. On his moving on stage? He met a girl who played a huge pa...