Twenty Four

823 21 3
                                    

"It's almost 12 am, nakahanda na ba lahat ng foods and fireworks?" tanong ko kay Jin.

"Yes, Kuya," sagot niya sa akin.

"Good," wika ko pa saka lumabas na para sunduin ang mag-ina ko.

Sa bahay nila Daddy kami mag-cecelebrate ng bagong taon kasama ang buong angkan ng Dela Cruz and Leviste family, parating na rin sina Tito Khellvin at Tito Kayllah. Inimbitahan namin sila dahil wala naman silang kamag-anak na pupunta dahil pareho silang iisang anak. Only child lang sina Tito Khellvin at Tita Kayllah, maging si Ptecious ay iisa lang din kaya wala silang inaasahang pamilya na darating.

Dumeretso ako sa bahay nila Athena para sana kuhanin ang pinabili ko sa kaniya.

"Athena!" tawag ko sa kaniya mula sa labas ng kaniyang unit.

Ilang sandali pa ay lumabas siya, sinilip ko ang loob at naroon ang kaniyang parents na sina Tito George at Tita Mary.

"Oh, Art!" bulalas ng kaniyang ina.

"Happy new year po," sambit ko sa kanila saka nagmano.

"Kamusta na? Wala na akong balita sa'yo mula noong naghiwalay kayo ni Athena," ani Tito George.

"Ayos lang po ako," saad ko sa kanila.

"Totoo ba 'yong bali-balita na may anak ka na daw?" Usisa pa ni Tito.

"Opo," magalang na sagot ko.

Boto sa akin sina Tito at Tita. Suportado nila kami ni Athena noon kaya bakas ang pagkadismaya sa kanilang mukha.

"Mabuti kung gano'n," mahinang sabi ni Tita.

Lumapit sa akin si Athena na galing sa kaniyang kuwarto.

"Ito na ba 'yong sinasabi ko?" tanong ko saka sinilip ang laman ng maliit na paper bag.

"Oo," simpleng sagot niya.

"Good luck!" aniya pa sa akin.

"Sige po, aalis na ako," saad ko saka lumabas na. Inalis ko ang laman niyon mula sa paper bag saka ibinulsa.

May nakasulat sa labas ng paper bag na binasa ko naman.

"This is Glamira Ring Karlee, made out of 585 White Gold, Swarovski Crystals and White Sapphire. Good luck!"

Napangiti pa ako bago umalis na't bumalik na sa bahay nila Dad. Naabutan ko ang kotse ni Precious na isang pulang Genesis G70 at isang hindi pamilyar na kotse na sa tingin ko ay isang Hyundai Nexo.

"Kuya Luke!" tawag ko sa pinsan ko.

"Aye, bro!" aniya sa akin.

"Nandiyan na ba sina Precious?" tanong ko sa kaniya.

"Oo, kasama niya yung magulang niya. Napansin mo yung puting Nexo sa labas?" tanong niya at tumango ako. "Sa parents niya pala iyon," dagdag pa niya kaya napatango akong muli.

Pumasok na ako't naabutan ko sina Ate Krist, Chris, Ivan, Kuya Robin, at Luke na nanonood ng movie sa sala. Si Kael naman ay nagp-practice na maglakad sa kaniyang walker na regalo ni Dad.

Nang mag-aalas dose na ay nagtipon-tipon na kaming lahat sa mahabang lamesa. Naroon lahat ng aming pamilya. Talagang napakarami namin doon.

"10, 9, 8, 7, 6, 5, 4, 3, 2, 1!" sabay sabay naming bilang. "Happy new year!" sigaw pa naming lahat.

Kasabay niyon ay nagliwanag ang kalangitan dahil sa mga fireworks na pinalilipad namin at ng mga kapit-bahay namin. Hinawakan ko ang kamay ni Precious saka hinalikan iyon.

Chasing NazarethTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon