"Closer!" sigaw ng photographer sa mga models ng bagong labas naming collections.
Summer outfits ang aming nilabas ngayon at kasalukuyan kaming nag s-shoot para sa posters and billboards na ipapalabas sa buong Pilipinas.
"Congratulations, Art," wika ni Ivan sa akin, nginitian ko naman siya saka ibinalik ang aking paningin sa mga modelo.
Ang babae ay nakasuot ng royal blue two piece habang ang lalaki naman ay topless at nakasuot ng simpleng swimming trunks.
"It's been a year, still can't move on?" tanong pa ni Ivan kaya nilingon ko siya at nakatingin siya sa cellphone ko, pangalan ni Precious ang naka-wallpaper doon.
"Yeah, it's been a year pero masyadong malaki ang naging impact ni Precious sa buo kong pagkatao, bagay na hindi ko naramdaman kay Athena noon," sagot ko sa kaniya kaya tumawa ito.
"Pakasal ka na, Art, pwede na," sabi niya saka umalis na.
Nilingon ko ang cellphone ko nang magring iyon. Tumatawag si Daddy.
"Yes, Dad?" sagot ko sa telepono. Si Daddy ang naging kasama ko sa pagpapalago nitong company na hawak ko, although may sarili siyang company which produces high class wines ay tinulungan niya pa din ako.
"I want to talk to you," sagot niya kaya nagitla ako ng bahagya. Para saan?
"But where already talking," usal ko naman sakaniya.
"In person. Go to my house now," pagtatapos niya sa usapan at ibinaba na ang linya. Ayaw ko man ay sumunod na ako sa utos ng aking ama, importante iyon panigurado.
Dumeretso ako sa bahay nila Daddy at naabutan si Jin na nags-shoot sa ring, sinasanay ang kaniyang three point shot para sa paparating na liga ng kanilang paaralan.
"Si Daddy?" tanong ko sa kaniya, nilingon niya ako saka lumapit sa bench at nagpunas ng mukha at leeg.
"He's waiting for you inside, kasama niya yata yung isa niyang business partner," sagot niya at uminom ng tubig.
Mukhang alam ko na ang kasunod nito, I prepared myself for this kind of arrangement at hindi ako papayag sa desisyon ng aking ama.
"Good afternoon, Dad, Sir," bati ko kay Daddy at sa kasama nitong lalaki, tinignan ko ang babaeng kasama ng bisita ng aking ama, ngiting-ngiti ito habang nakatingin saakin. She's preety pero mas maganda pa rin si Precious.
"Good afternoon," sagot naman ni Dad. "Sit down," sabi pa niya, umupo naman ako sa isang bakanteng upuan sa harap ng babaeng iyon.
Nasa magkabilang dulo ang pareho naming ama habang magkatapat naman kami ng babaeng iyon sa gitna ng lamesa, ikinuyom ko ang aking kamay saka itinago iyon sa ilalim ng lamesa.
"We're here to talk about your marriage." Tila umapoy ako dahil sa narinig. I knew it! They'll fucking arrange us. Damn it!
Tumayo ako saka hinampas ang lamesa.
"What?!" singhal ko, "Anong akala niyo sa pagpapakasal? Laro?!" sigaw ko pa.
"Son, calm down," mahinang usal ni Daddy sa akin.
"Calm down? What the heck?!" hindi makapaniwalang sambit ko sa kaniya. "Ayaw ko! Walang kasalang magaganap!" sigaw ko at masama akong tinignan ni Daddy.
"Ikakasal ka kay Tracey sa ayaw at sa gusto mo!" Sigaw ni Dad sa akin.
"No! So if you don't mind, I'll excuse myself," saad ko saka umakyat sa taas ng bahay.
Although may sarili na akong pad ay may kuwarto pa rin ako dito sa bahay nila, katabi ng kuwarto ni Jin.
Pabagsak kong isinara ang kuwarto saka inis na nahiga sa kama.
Bastos na kung bastos but I will not marry that woman. Marrying is a sacred sacrament at dapat lamang ikasal ay mga taong nagmamahalan. Alam kong maaring masira ang negosyo ni Dad at sa akin but I don't care.
"Ano ba, Art!" sigaw niya sa akin nang sumunod siya sa akin. I can sense anger in his voice. Galit na galit siya panigurado.
"What again?!" sigaw ko kay Daddy.
"You're rude! Ipinahiya mo ako sa harap ni Arturo!" sigaw rin niya sa akin. "Pagkatapos kitang tulungan sa pagpapalago ng kompaniya mo ay gaganitohin mo ako? Wala kang utang na loob!" sigaw niya pa sa akin.
"Dad? Napakalaki ng utang na loob ko sayo pero hindi ko tatanggapin ang alok mo! I want to marry my love!" singhal kong muli. This sound rude but Precious is the only woman whom I desire.
"That painter? Iyong babaeng nakilala mo lamang dahil sa nature tripping mo sa rest house natin sa Aurora?" tanong niya kaya natigilan ako. "Anong mapapala mo do'n?!" sigaw niya pang muli.
"Satisfaction! Happiness! Kung ipapakasal mo lang ako sa taong hindi ko naman gusto. No thanks, Dad." Umastang lalabas na ako ng pinto. "I'll be back tomorrow for our family reunion," sagot ko saka nilisan ang kuwarto ko, naabutan ko pa sila Ginoong Arturo at anak niyang si Tracey na nasa lamesa at tahimik.
"Sorry again, Sir," sabi ko at umalis na ng bahay namin.
Dumeretso ako sa pad ko saka nagbukas ng alak. Hindi ko na nakita pa si Precious mula nang maghiwalay kami sa Aurora, wala na kaming naging usapan o komunikasyon mula ng iwan niya ako sa Baler.
Nang maubos ko ang isang baso ay agad akong dumeretso sa banyo at naligo. Bukas ay dadalo ako sa reunion ng pamilya namin.
Naroon ang aking mga kamag-anak na pinalad at hindi pinalad sa buhay. Hindi naman kami talaga mayaman, dala ng kasipagan ng aking ama ay naipundar namin ang mga kayamanang mayroon kami ngayon. Iilan sa pamilya Dela Cruz ang mayaman at halos lahat ay sa pamilya Leviste na, sa mother side ko. Bukas ay magtitipon tipon ang aming angkan, kasama ang kani-kanilang nobya, asawa, at mga anak upang idaos ang panibagong taon na ibinigay sa aming abuelo.
Napagpasyahan kong bumalik sa aking kompaniya at asikasuhin ang mga papeles na naiwan ko roon. Pagkarating ko sa kompaniya ay binati ako ng aking mga tauhan at ang iba ay yumuyuko pa sa harap ko bilang respeto.
Pagkapasok ko ng elevator ay halos hindi ako dikitan ng aking mga trabahador. Masyado silang natatakot sa akin, hindi ko alam kung bakit.
"My schedules?" tanong ko sa aking sekretarya pagkarating ko sa palapag ng aking kompaniya.
"Wala na po ngayon but you have papers to sign on your table, bukas po ay bakante din dahil sa Dela Cruz gathering, Sir," wika niya sa akin.
"Anong mga papel iyon?" tanong ko sa kaniya.
"Contract po para sa partnership natin sa Moon Hotels and Restaurants, nais daw nilang sa atin kumuha ng supply ng damit, robes at towels. Pumayag na rin po ang lahat ng miyembro ng board at ikaw na lang ang kulang," saad niya, tumango naman ako sa kaniya saka pumasok na sa office ko.
Walang masyadong nakakapasok sa office ko unless maglalapag ng mga papeles or pinapunta ko.
Binasa ko muna ang papeles saka pinirmahan iyon. I don't have any reason to disregard this contract. Tito ko ang may-ari no'n, malaki rin naman ang offer nila sa ADC Clothings, kaya why not?
Lumipas ang ilang oras at puro pagbabasa lamang ng papel ang aking ginawa, naglagay ng sahod sa mga bank accounts ng aking mga tauhan saka umuwi na rin dahil gabi na.
Pagkarating sa bahay ay agad akong nagbihis ng sando at short. Dumeretso ako sa kusina saka nagluto ng kaldereta. Nang maluto ay kumain na rin ako.
Dumeretso ako sa living room saka nagsalpak ng movie bank sa aking TV. Libangan ko ang panonood ng movies kapag mag-isa ko lang sa bahay. Pinili ko ang isang series ng Percy Jackson, salubong ang kilay ko habang nanonood ng pelikulang ito.
Sino ba kasi nagsimula ng kalokohang arrange marriage na iyan? Iharap niyo sa akin, sasapakin ko!
Kung may gusto akong pakasalan ay si Precious iyon. Walang iba.

BINABASA MO ANG
Chasing Nazareth
Roman d'amourHe suffered an excruciating pain after being hurt by his loved one. He's so broken to the point that he did something new-nature tripping. He promised to himself that he'll never love again. On his moving on stage? He met a girl who played a huge pa...