Twelve

962 31 3
                                        

"Art, napakalaki mo na!" anang aking tita, nagmano naman ako sakaniya saka ngumiti. "May nobya o asawa ka na ba?" tanong pa niya

"Wala pa ho," usal ko saka nilingon ang iba ko pang mga kamag-anak.

Kasalukuyan kaming narito sa malaking bahay ng aking ama para sa family gathering, sa garden sila nagtayo ng malaking bulwagan at doon nagtitipon-tipon ang pamilya Dela Cruz. May dalawang mahabang table na pinagdugtong na kasya ang buong pamilya namin.

"Si Kuya Art, oh!" sigaw ng pamangkin kong si Gavin saka lumapit sa akin. Si Gavin ay kinse anyos na at talagang matalino, nakuha rin niya sa lahi namin ang pagiging gwapo.

"Congratulations nga pala, Gavin. May regalo ako sa'yo, ibibigay ko sa'yo bukas," saad ko saka ginulo ang buhok niya.

"Kuya naman, mahirap mag-ayos," singhal niya kaya natawa ako.

"Nasan ang ate mo?" tanong ko sa kaniya.

"Kasama po ni Kuya Luke," sagot niya kaya tumango ako.

"Sige aakyat muna ako sa kuwarto't maliligo lang ako," paalam ko sakaniya saka umalis na at halos mapako ako sa kinatatayuan ko ng magtama ang paningin namin ni Tracey, ngiting-ngiti ito sa akin.

Wala pa man siyang ginagawa ay tila nag-iinit na ang aking ulo. Gusto ko siyang saktan pero hindi puwede sapagkat babae siya at lalaki ako, lugi siya.

Hindi ko na siya pinansin pa saka salubong ang kilay na umakyat na ako sa kuwarto ko. Narito pa rin ang mga tropeyo at medalya na napanalunan ko sa mga liga sa school at baranggay noon, hindi ko na inalis pa.

Kumuha ako ng tuwalya saka pumasok na sa banyo. Habang bumubuhos ang malamig na tubig sa aking katawan ay pumasok muli sa isip ko si Precious. Kamusta na kaya siya? I want to see her.

Pagkatapos kong maligo ay nagtapis ako ng tuwalya saka lumabas ng kuwarto at halos mapamura ako ng makita si Tracey na nakahiga sa kama ko.

"What the fuck are you doing here, woman?" inis na tanong niya sa akin.

"C'mon, future husband." Tumayo siya at lumapit sa'kin. "Ikakasal din naman tayo kaya bakit ka nahihiya?" tanong niya habang papalapit sa akin.

"One more step, makakatikim ka sa'kin," inis na sigaw ko saka ikinuyom ang kamay ko.

"Patikimin mo muna ako, malay mo magustuhan ko," malanding wika niya saka pinagapang ang hintuturo sa aking dibdib pababa sa abs at V-line.

Napapikit ako sa sobrang inis dahil sa taglay na kalandian ng babaeng ito.

"Umalis ka na," pilit kinakalma ang sariling usal ko sa kaniya.

"Bakit? Akala ko ba patitikimin mo ako?" sobrang hinang usal niya.

"Leave!" Galit na sigaw ko at halos masapak ko siya ng magnakaw ito ng smack kiss sa aking labi bago lumabas ng kuwarto ko.

Inis kong sinuntok ang pader ng tatlong beses saka tinigilan iyon ng makitang medyo may lamat na ito. Hindi ko maramdaman ang sakit na nagmumula sa aking kamay, marahil ay dahil nasasapawan iyon ng matinding galit.

Nagsuot ako ng jeans at sky blue long sleeve, nagpabango at nang makuntento ay lumabas na ako ng kuwarto ko.

Inis parin ang nararamdaman ko hanggang sa nakababa na ako sa bulwagan. Nagtitipon na sila sa mahabang lamesa at ang iba ay nasa mas maliliit na lamesa. Dumami na rin ang mga tao.

Maya-maya lamang ay dumating na ang aking lolo, inalalayan ko naman siya hanggang sa makaupo siya sa dulo ng lamesa kung saan siya uupo.

"Salamat, apo," usal niya saka naupo na at pinaghawak ang kamay sa taas ng lamesa.

"Tara't kantahan ang ating pinakamamahal na abuelo," anang isa kong tita na tinalima naman namin.

"Salamat," sabi ni Lolo nang matapos na ang aming awitin.

"Gusto kong makilala ang mga babae at lalaking kasama niyo ngayon, iyong mga hindi ko pa nakilala noong nakaraang taon," wika ni Dad sa lahat, natahimik naman sila saka nagtinginan.

Unang tumayo ay sina Ate Krist, kapatid ni Kuya Robin.

"Tito, Lo, meet my boyfriend." Tumayo ang isang lakaki saka lumapit kay Ate Krist saka hinawakan ang kamay. "Si Vince po, you can call him V," saad ni ate saka umupo na.

Nagsunod-sunod ang pagpapakilala nila hanggang sa akin na lamang nakatingin ang aking ama. Tumayo ako saka inilihis ang paningin ko.

Bumilis ang paghinga ko at hindi ako nakapagsalita nang makita ang isang pamilyar na nilalang na hinanap ko ng higit isang taon. Si Precious.

Naglalakad ito patungo sa aming puwesto. Nag-igting ang aking panga ng lumapit si Axcel kay Precious at alalayan itong umupo.

"Art? Introduce your future"

"Siya si Tracey Lim, a friend," tamad na usal ko saka tinignan si Precious na nakatingin din sa'kin.

"You seems so happy, Kuya," ani Jin sa akin.

"Am I?" Inosenteng tanong ko habang nakangiti.

"Yeah, sumunod si Ate Tracey sa kuwarto mo kanina," sabi niya habang nakangiti sa akin. "Tell me, did you do something?" usal niya kaya binatukan ko siya

"sixteen ka palang pero ganiyan na tinatanong mo?" sabi ko at tumawa.

"Axcel?" Si Lolo habang nakatingin sa aking pinsan.

"Yes, Lo?" simpleng sagot nito.

"Who's with you? Wife?" Tanong ni Lolo kaya nagseryoso ang aking mukha.

Hindi lingid sa kaalaman ng aking mga pinsan ang tungkol samin ni Precious, lahat ay nakuwento ko sakanila bukod do'n sa nangyari sa gym.

"She's a friend, Lo," usal ni Axcel saka naupo na.

Nang makahanap ako ng tiyempo ay tumayo ako at lumapit kay Precious.

"Tara lumabas," sabi ko sakaniya, tumingin siya sa aking mata, kinuha ko ang kaniyang kamay saka marahan siyang hinila doon.

"Saan moko ipupunta?" Tanong niya sa akin.

"Why are you with my cousin? Kayo ba?" pagbabalik ko ng tanong sa kaniya.

"Hindi—Aww, bitawan mo ako. Masakit!" sigaw niya kaya niluwagan ko ang pagkakahawak ko.

"S-sorry," wika ko saka siya ipinasok sa aking kuwarto.

"Ano bang gagawin natin dito?" tanong niya habang nakaupo sa kama.

"I've been looking for you for a year pero hindi kita mahanap. Ngayong nakita na kita ay kasama mo pa ang pinsan ko. Alam mo bang nakakaselos 'yon?" tanong ko habang nakatingin sa kaniyang mata.

"Ano bang sinasabi mo?" usal niya.

"I'm damn jealous, Precious." Hinawakan ko ang kaniyang kamay. "I still love you," dagdag ko at bumalatay ang hindi pamilyar na ekspresyon sa kaniyang mukha.

"A-Art," mahinang usal niya.

"I'm longing for you for how many damn months. I want you beside me, your presence is all that I need, I love you, Precious." Lumuhod ako sa harap niya para magpantay ang aming paningin.

"No you don't love me," sabi niya sa akin.

"How can you say that? I still love you, Precious. Please be mine," pakiusap ko saka hinalikan ang kaniyang kamay.

"Art naman," mahinang usal niya muli sa akin.

"Bakit? Mahal mo ba si Axcel? Is he your boyfriend?" tanong ko kay Precious.

"No. He's just a friend," sagot niya sa akin.

"Then why can't you accept me again?" tanong ko sa kaniya.

"Because I don't love you anymore." Hinila niya ang kamay niya. "Here's my address and phone number, mag-usap nalang tayo sa ibang araw." Inabot ko mula sa kaniya ang isang card, umalis naman siya.

I'll do everything for us, for you to love me again. Anything, Precious.

Chasing NazarethTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon