Nineteen

903 23 0
                                        

Kasalukuyan kaming nasa isang coffee shop ni Precious. Si Kael ay naiwan kay Alice at siya ang nag-aalaga.

Kung hindi ito anak ng babaeng nagpalaki kay Precious sa bahay ng mga Montecarlo ay iisipin kong baka itangay nito ang anak namin ngunit mukhang mapagkakatiwalaan naman siya.

"Masyado kayong bigtime," sabi ko sa kaniya.

"Not really, pamilya ko ang bigtime at hindi ako. You see, I'm just a painter," sagot niya at napangiti ako.

One thing I love about her is her humility. She's keeping her feet off the ground.

"I don't know kung papasa ako sa magulang mo," wika ko.

"Siyempre, hindi naman sila masungit." Uminom siya ng kape. "Though they're so protective to me, kasi nga ay ako lang ang iisa nilang anak. Sa tingin ko naman, pasado ka sa kanila," dagdag niya pa.

Nagpatuloy kami sa pag-uusap ng aking matanawan ang isang pamilyar na babaeng pumasok sa coffee shop. Si Tracey.

Tumayo ako para sana bigyan siya ng upuan ngunit nagulat ako sa kaniyang inasal. Nagderetso siya palapit sa akin saka hinila ang kuwelyo ko't hinalikan. Sa aking inis ay agad ko siyang itinulak dahilan para mapaatras siya't mapatingin sa amin lahat ng tao dito sa shop.

Lumingon ako kay Precious na para bang nakagawa ako ng isang malaking kasalanan.

"Baby," tawag ko sa kaniya ngunit hindi niya ako nilingon.

Tumayo siya saka hinarap si Tracey na ngayon ay galit na nakatingin sa kaniya.

Base sa kaniyang amoy ng hininga ay tila nakainom ito ng alak. Lango ito sa alak dahilan para sumugod ito dito sa aking harapan para mag-eskandalo.

Pinunasan ko ang aking labi dahil doon.

"What do you think you're doing? Step aside, ugly woman!" sigaw niya kay Precious. Naikuyom ko ang aking kamao.

Stop it or I'll punch you out.

Napairap pa si Precious sa hangin bago sarkastikong ngumiti kay Tracey.

"What did you say?" tanong niya.

"Step aside, ugly woman! I'm going to get my fiancé," sabi niya dahilan para mag-igting ang panga ko sa inis.

"Am I ugly?" tanong ni Precious na inilahad pa ang kamay at tila pinasusuri sa kaharap ang kaniyang mukha ay katawan.

"Yes you are!" sigaw ni Tracey kaya napangiti si Precious.

"Good, 'cause I was actually trying to look like you today," aniya dahilan para medyo matawa ang mga tao sa paligid. Hindi ko iyon pinansin dahil tutok ako sa kanilang dalawa. Baka saktan niya si Precious.

"You, flirt!" sigaw ni Tracey saka inambang sasampalin si Precious pero hindi niya naituloy dahil napigilan ko ang kaniyang kamay.

"What do you think you are, huh? Nakita mo ng kami na ni Art, and we already have a child pero narito ka pa rin at hinahalikan ang pag-aari ko? How dare you!? Hindi ako flirt, ako lang talaga yung pinili ni Art kumpara sa ating dalawa." Ni-head to foot niya si Tracey. "You're a slut, a quean, a jade, a whore, and a bitch, all at the same time," dagdag pa ni Precious dahilan para mapasinghap si Tracey at mainis pa ng lalo.

Hihilahin na sana niya ang buhok ni Precious gamit ang isa niyang kamay pero humarang ako at tumitig sa mata niya. Ipinakita ko ang galit ko at inis dahilan para matigilan siya.

"If you lay even the tip of your finger on my girl, I'll kick you out of this damn coffee shop," pagbabanta ko saka hinawakan ang kamay ni Precious. Ipinagsiklop ko ang daliri naming dalawa. "Get lost!" sigaw ko dahilan para umalis siya.

Chasing NazarethTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon