"Athena, can you help me?" sabi ko kay Athena na kasalukuyan kong kasama ngayon sa Starbucks.
"Tungkol saan?" usisa niya kaya ipinakita ko sa kaniya ang laptop ko.
Binabasa niya ang mga detalyeng nakasulat doon at napapangiti siya. Ang kaniyang anak na si Abraham ay nakaupo sa lap ko at kumakain ng lollipop, isang taon at apat na buwan na ito at nakakalakad na rin.
"What do you think?" tanong ko pa, hawak-hawak ni Abraham ang aking kamay habang ang isa ay hawak ang lollipop. Nilalaro-laro ko ang kaniyang kamay, seryoso naman siya sa pagsipsip sa lollipop na hawak niya.
"Not bad," saad niya. "Happy birthday nga pala sa anak mo, isang taon na siya. Ang bilis ng panahon," dagdag niya at tumango naman ako.
Bukas ay kaarawan na ni Kael at suportado kami ng pareho naming angkan. Dela Cruz, Montecarlo, Leviste, at Corpuz. Ang Leviste ay motherside ko habang ang Corpuz ay sa nobya ko.
"Makakarating sa kaniya 'yan," sabi ko.
Nakatingin lang siya sa akin at ngumiti.
"Congratulations for everything, you already have a successful and stable job, you have your girlfriend and son with you, you have the blessing of your parents at kasal na lang ang kulang sa inyo. Masaya ako na finally, natuto ka magmahal ulit. What I did back then is painful and yet you managed to overcome those. You don't really deserve someone like me, Art. You deserve the best." Nagitla ako ng makita ko siyang lumuha.
"Parang tanga 'to, wag kang umiyak." Pinunasan ko ang luha niya. "Baka isipin ng mga tao pinapaiyak kita," dagdag ko saka tumawa.
"I'm just happy na finally, matutupad na yung pangarap mo," wika niya.
"Tulungan mo ako, ah," sabi ko pa.
"Oo, kailan mo ba balak?" usisa niya.
"Sa bagong taon, dapat double party," sagot ko pa sa kaniya.
"Sure, I'll help you," sambit niya na nagpangiti sa akin dahilan para yakapin ko siya.
"Salamat talaga dahil kahit na nagkasakitan tayo noon ay narito ka pa rin para tulungan ako," seryosong sabi ko sa kaniya.
"Ako yung may kasalanan, bumabawi lang ako," saad ko't inubos na ang kape na nasa tasa ko. "I have to go, mamimili pa ako ng regalo para kay Kael."
"Sige," sabi niya.
Tumayo na ako pagkatapos niyang sabihin iyon.
Nagulat ako dahil paglabas ko ng shop ay naroon si Precious na masama ang tingin sa akin.
"Sino 'yon? Ex mo?" tanong niya kaya mas natigilan ako. "Nagkikita pa rin pala kayo," cold na sabi niya.
Kinakabahan ako at halos pagwalain no'n ang sistema ko.
"B-Baby, you're m-misinterpretting it," kabadong usal ko.
"Akala ko ako lang," sabi niya saka tumalikod na.
"Baby!" sigaw ko pero hindi na niya ako pinansin. Pumasok siya sa isang kotse saka iyon pinaalis.
"Anong nangyari do'n?" tanong ni Athena.
"Nakita niya tayo at mali ang pagkakaintindi niya sa ginagawa nating dalawa," usal ko sa kaniya. Umupo ako at hinawakan sa ulo si Abraham. "Aalis na si Tito Ninong, okay? Be a good child," saad ko saka tumakbo papunta sa kotse ko't pinaandar iyon.
Naabutan ko ang kotseng ginamit niya sa parking space ng condominium na tinutuluyan niya. Dali-dali akong sumakay ng elevator papunta sa kaniyang unit.

BINABASA MO ANG
Chasing Nazareth
RomanceHe suffered an excruciating pain after being hurt by his loved one. He's so broken to the point that he did something new-nature tripping. He promised to himself that he'll never love again. On his moving on stage? He met a girl who played a huge pa...