Tila nasa langit ako dahil sa sayang nararanasan kinabukasan. Ganito pala ang feeling kapag may anak ka na. Hindi ko maipaliwanag.
Minabuti ko munang hindi sabihin sa aking mga pinsan, lalo na sa aking ama ang tungkol sa anak ko.
"Sir, sino po 'yong kasama mo?" Tanong ng tauhan ko, nilingon ko si Precious na naglalakad buhat-buhat ang aming anak. Hindi ko sinagot ang tanong na iyon bagkus ay lumapit ako kay Precious at kinuha ang aming anak.
"Nagugutom ka na ba?" Tanong ko kay Precious.
"Hindi pa naman," sagot niya, tumango naman ako. Ako ang nagbubuhat kay Kael at talagang sobrang saya ang nararamdaman ko. Although tulog siya ay nakikira ko ang mukha ko sa kaniya. Ganito rin siguro ako no'ng baby pa ako.
Hindi na ako nagpadala ng stroller dahil gusto kong ako mismo ang magbubuhat sa anak ko. Kailangan kong bumawi sa kanila ng mag-ina ko.
"Sir, we're not out of stocks. Sapat pa ang ating stocks para supply-an ang demands ng mga business partners natin," sabi ni Baby sa akin. "Mula sa simpleng shirts to robes ay sapat pa," dagdag pa niya kaya ngumiti ako. Nilingon ko si Precious at nakaupo siya sa isang sewing machine, dali-dali ko siyang pinuntahan para bawalin.
"Hey, mi amore, baka masugatan ka riyan!" Singhal ko sa kaniya.
"I just want to try sewing clothes," sagot niya pero umiling ako.
"May mga tauhan tayo, you're soon to be my wife at ayaw kong mapagod ka." Tumayo siya at nakasimangot na lumapit sa'kin. "Just let them do their jobs," wika ko saka ibinigay sa kaniya si Kael dahil umiiyak na.
"Gutom na yata," sabi niya saka inalo ang bata para hindi umiyak.
Binilisan naming maglibot at i-check lahat ng mga gamit saka lumabas na. Iyak na rin ng iyak si Kael, hindi naman p'wedeng i-breast feed siya roon.
Sa kotse ay pinauna ko si Precious na pumasok upang doon niya pakainin ang aming anak. Hindi muna ako pumasok hanggang hindi niya sinabing pumasok ako. Lumipas lamang ang ilang minuto ay sinenyasan niya na ako na pumasok na at agad ko iyong tinalima.
"Tulog na?" Tanong ko at tumango naman siya. Pinatakbo ko na ang aking kotse patungo sa isang mall upang mamili ng supplies sa bahay ko at sa kaniya, nais din naming bilhan ng mga bagong gamit si Kael.
Una naming pinuntahan ang groceries, si Precious ang namili habang ako ang may buhat kay Kael na gising at naglalaro sa bisig ko.
"Bilisan mong lumaki, maglalaro tayo ng basketball araw-araw," kausap ko sa anak ko at medyo ngumiti ito. Bahagya ko siyang iniangat saka hinalikan sa pisngi. "You don't know how happy I am to have you, and Precious in my life. Mahal na mahal ko kayo ng mama mo," dagdag ko pa.
Sinusundan ko si Precious na namimili pa rin, masyado siyang mapili sa binibili niya. Wala pa yata sa kalahati ang push cart na dala niya.
"Ayos na ito," wika niya sa'kin.
"Damihan mo pa, ako magbabayad," sagot ko sa kaniya. "Wala pa sa yata sa kalahati ang nakuha mo. Kunin mo si Kael at ako ang mamimili," saad ko pa. Kinuha niya si Kael mula sa akin kaya ako ang namili.
Kung ano ang sa tingin kong puwede naming magamit ay kinukuha ko. Nang mapuno ko ang isang push cart ay binayaran ko agad iyon sa counter. Ipinasok ko muna sa compartment ng koste ko ang mga boxes bago muling pumasok para bilhan ng mga damit ang aming anak.
"Masyado ng madami 'yan," saad ni Precious habang tinitignan ang mga pinamili kong mga gamit niya. Nang makuntento ay binayaran ko na iyon sa counter.
Ipinasok namin ang mga paperbags sa compartment saka umalis na. Dumeretso kami sa kaniyang condo upang doon kumain.
Pagkarating namin ay agad niyang ibinaba si Kael sa crib at hinayaan iyong matulog doon. Dumeretso naman ako sa kusina at inayos ang mga pinamili ko roon. Naghanda na rin ako ng mga iluluto ko para sa aming hapunan.
Kaldereta ang nais kong iluto bilang hapunan namin. Nagsaing ako sa rice cooker saka sinimulan ang paghihiwa ng karne't mga gulay. Nang matapos iyon ay sinimulan ko ng magluto ng kaldereta. Mabango ang simoy niyon.
Nilingon ko ang bandang likod ko at nakita si Precious na nakasandal sa pader at nakangiti sa akin. I really love to see her smile and all. Her presence is all that I need.
"Tara?" Aya ko sa kaniya ng matapos akong magluto. Nilagyan ko pa ng kanin at ulam ang kaniyang plato bago umupo sa aking puwesto.
"Sakto, nagutom ako," sagot niya sa'kin.
Nagsimula na kaming kumain, tahimik lamang at kaluskos ng kubyertos sa plato ang naririnig. Naiilang ako dahil ito ang unang beses ko siyang makasamang kumain bilang kaniyang manliligaw.
"Ayaw mo ba talagang dito na magpalipas ng gabi?" Tanong ni Precious sa akin ng lumabas na ako ng kusina para umuwi. Ako na ang naghugas ng pinggan at naglinis ng lamesa dahil ayaw kong mapagod ang aking magiging asawa, soon.
"Hindi na muna, mi amore. Manliligaw mo pa lang ako at hindi pa tayo, though may anak na tayo ay pangit paring tignan ang isang binata at dalaga na nagsasama sa iisang kuwarto." Nilingon ko ang kuwarto nila ni Kael. "Baka masundan siya ng hindi oras," pagbibiro ko kaya sabay kaming natawa. Muli akong napatitig sa kaniyang ngiti at talagang napakaganda niyon sa paningin.
"'Wag mo akong titigan, naiilang ako. Saka, ano bang sinasabi mong matutulog ka sa kuwarto ko? May isa pang kuwarto roon para sa mga bisita kaya—" Hindi ko na siya pinatapos pa't hinalikan ko ang kaniyang labi. Talagang sobrang saya ang nararamdaman ko kapag naglalapat ang labi naming dalawa. Ako lang yata ang manliligaw na hinahalikan ang nililigawan niya. Iba ka, Art!
"Ano bang ginagawa mo?" Inis na tanong niya ng bumitaw ako mula sa pagkakahalik sa kaniya.
"I'm trying to shut your mouth on a very seductive, tempting, and captivating way," sagot ko sa kaniya kaya ngumuso siya. "Gusto mo pa?" Tanong ko kaya pinalo niya ako sa aking braso.
"Pervert!" Singhal niya sa akin.
"Bakit nga pala doon sa isang kuwarto nakatulog si Kael? May sarili siyang kuwarto?" Tanong ko kay Precious.
"Hindi, naroon siya dahil ibinilin ko siya kay Alice dahil nga may event ako," aniya sa akin.
"I see, babysitter niya?" Tanong ko at tumango naman ito.
"Kapag wala ako ay siya ang nagbabantay kay Chaelver," sagot niya.
"Tulog na ba?" Usisa ko pa.
"Oo, gusto mong puntahan?" Tanong niya kaya tumango ako bilang tugon.
Nagtungo kami sa kuwarto at doon ay naabutan ko si Kael na nakahiga sa kaniyang crib at natutulog na. Yumuko ako para halikan ang natutulog kong anak.
"Sleep well, son. See you tomorrow," wika ko pa bago tumayo at muling harapin si Precious. "Matulog ka na rin, uuwi na ako." Hinalikan ko siya sa noo.
"Sige, mag-iingat ka," anito sa akin.
"Para sa inyo ng anak natin mag-iingat ako. I love you, mi amore." Tumalikod ako ng may ngiti sa aking mga labi.
Hindi na ako nag-eexpect na sagutin niya ang I love you ko, dahil tulad nga nga ng sabi ko— I am more than willing to wait until she's ready enough to love me the way that I do.
BINABASA MO ANG
Chasing Nazareth
RomanceHe suffered an excruciating pain after being hurt by his loved one. He's so broken to the point that he did something new-nature tripping. He promised to himself that he'll never love again. On his moving on stage? He met a girl who played a huge pa...