Five

1K 39 0
                                        

"Kain ka na muna," sabi ko kay Precious, ngumiti lamang ito sa akin saka lumakad patungo sa kusina.

Tila nahihipnotismong sumunod naman ako sa kusina, pagtingin ko sa kaniya ay nakaupo na ito at nagsasandok na ng kakainin niya. Tumingin ako sa wall clock at nakitang 6:43 na ng gabi. Babalik na siguro kami sa tent, kung saan siya matutulog? She'll sleep beside me, bahala siya diyan.

"Tara?" aya niya sa akin.

Pagkatapos namin kumain ay niyaya ko na siya sa baba ng hill para matulog na sa tent, nais niya sanang doon nalang sa rest house matulog ngunit tumanggi ako. I don't want to sleep there, hindi ko rin naman pwedeng iwan si Precious doon dahil kahit na mukhang mabait naman ito ay hindi ko pa rin siya kilala.

"Can you sing?" tanong ni Precious habang nasa harap kami ng maliit na bonfire.

"Not that much," sagot ko naman sa kaniya, tumayo ito saka kumuha ng gitara at ibinigay ito sa akin, nakakunot ang noong nilingon ko naman siya.

"Can you sing a song for me?" sabi niya sa akin.

"I'm not a good singer," wika ko.

"I don't care, just sing," sabi niya, kumunot naman ang noo ko saka kinuha ang aking gitara.

Saglit pa akong nag-isip ng maaring kantahin.

"I'm lying alone with my head on the phone

Thinking of you till it hurts

I know you're hurt too but

What else can we do

Tormented and torn apart

I wish I could carry your smile in my heart

For the times when my life seems so low

It would make me believe what tomorrow could bring

When today doesn't really know

Doesn't really know," pagkanta ko sa All Out Of Love ng Air Supply, tumingin ako sa kaniya at nakapangalumbaba siya habang nakatingin sa akin.

"I'm all out of love

I'm so lost without you

I know you were right believing for so long

I'm all out of love

What am I without you

I can't be too late

To say that I was so wrong," pagtatapos ko sa kantang iyon, dalawang verse and chorus lamang ang kinanta ko dahil nahihiya ako. I'm not a good singer, 'yan ang alam ko, though sinasabi nila na maganda naman ang boses ko.

"Tapos na?" tanong niya, ibinaba ko naman ang gitara ko saka tunango.

"Yes, inaantok na rin kasi ako," sagot ko at napasimangot naman siya.

"Tabi tayo matulog, baka may t-tikbalang sa tabi-tabi," natatakot na usal niya, tumawa lamang ako saka pumasok na sa loob ng tent.

Malaki naman ang tent, actually it's good for five people. Balak ko sana na mag-inom mag-isa dito at magpagulong-gulong sa loob ng tent kaso may kasama ako. Sayang.

Mabuti na lamang at dalawa ang dala kong unan ngunit ang kumot ay iisa lamang.

"Use this," bigay ko sa kaniya ng kumot, tumingin pa ito sa akin.

"Paano ka?" tanong niya.

"I'm okay, use that blanket, baka malamigan ka," saad ko saka nagsalpak ng earphone at ipinikit na ang mata. The sound of the sea colliding with the stone and sand on the shore is so relaxing, malamig din ang hangin kaya talagang narerelax ako.

Nagising ako dahil sa mga tubig na pumapasok sa tent. Pagmulat ko ng mata ko, tila isang punla na nahahanginan ang tent. It's shaking. Ginising ko si Precious na agad namang nagmulat ng mata. Malamig ang simoy ng hangin at pumapasok na rin ang kaunting tubig mula sa labas.

"What happened?" tanong niya, I didn't answered her. Isn't obvious? Bumabagyo and we need to move!

"Pakisinop ang mga gamit. Aakyat tayo sa hill, sabi ko sa kaniya, tumingin ako sa relo sa tabi ko and it's one in the morning. Damn.

Lumabas ako ng tent, sinalubong naman ako ng malakas na hangin at tubig ulan, matataas na din ang alon. We really need to go uphill para hindi kami maabutan ng high tide or possibly—storm surge.

Pagkapasok ko ay ayos na ang mga gamit namin. Kinuha ko ang mga bag at si Precious naman ay tumulong na din sa pagbuhat though yung hindi mabibigat ang sakaniya. Dinampot ko ang relo at cellphone ko nang masiguro naming wala nang maiiwan dito sa loob ng tent.

Napaka-wrong timing ng bagyo. Mabigat sa likod ang aming mga dala and heto---nagpapakahirap kami dahil sa elevation. May daan naman kaming tinatahak, sementado rin ito ngunit ang bigat sa likod namin ay nagpapadagdag sa sakit ng katawan. Basang basa na rin kaming dalawa.

Agad kong binuksan ang gate saka pumasok, nauna si Precious sa tapat ng pinto, ibinigay ko ang susi sa kaniya at siya ang nagbukas ng pintuan. Pagkababa ko ng mga gamit ay binuksan ko ang ilaw at ibinagsak ko agad ang aking katawan sa sofa na naroon. Si Precious ay naupo sa single sofa at isinandal ang likod sa sandalan non.

"May bagyo?" tanong niya, tumingin naman ako sa kaniya ng blangko bago sumagot.

"Tingin mo?" sagot ko at yumuko naman siya ngunit hindi sumagot. "I'll take you to your room," sabi ko at tumayo na, inilahad ako ang aking kamay para sana tulungan siyang tumayo ngunit hindi na siya nagpatulong.

"Kumanta ka kasi eh," pagbibiro niya pero hindi ako sumagot, nauna na akong naglakad patungo sa guest room.

"Here's your room, may mga extra shirts and pajama diyan sa loob, may mga unused panties and bra din, sa CR ay may unseald toothbrush, toothpaste, and even towels. Kung may kailangan ka, just knock at the master's bedroom sa taas. Okay?" tanong ko sa kaniya at tumango naman ito.

Pumasok na siya sa loob kaya naglakad na ako papunta sa masters bedroom. Dito madalas matulog sina Mommy at Daddy, this room's big, ang kama ay king size at ang malinis dahil sa pag-aalaga ni Mang Gregorio at ng anak nito na may gusto sa akin.

Pumasok ako sa CR saka naligo, halos abutin ako ng isang oras bago nakuntento at nagbihis na. Pabagsak kong inihiga ang katawan ko sa kama habang nagpupunas ng buhok.

Athena.

Biglang nangilid ang luha ko dahil naalala ko ang kaniyang mukha na nakangiti sa akin.

"Happy first anniversary, babe," saad ko saka hinawakan siya sa kaniyang baywang, inilapit ko siya sa akin saka hinalikan sa labi.

Her lips is so soft, napakasarap sa pakiramdam ang mahalikan ang babaeng mahal mo. Hindi ko maiwasang mapangiti dahil narealize ko kung gaano ako kasuwerte na naging nobya ko ang isang Goddess.

"Happy first anniversary, babe," sagot niya saka tumawa rin. "Why are you smiling?" sabi niya sa akin, ngumiti naman ako sa kaniya saka muling idinampi ang labi sa kaniyang labi. Just a smack kiss.

"Wala naman. Iniisip ko lang kung gaano ba ako kabait na tao sa past life ko para ipagkaloob sa akin ang isang nabubuhay na diyosa ng kagandahan at kabaitan ngayon," sabi ko at tumawa naman kaming dalawa.

"Maybe because we're destined. Hindi ako naniniwala sa past life dahil talagang nakasulat na sa kasaysayan na ang isang Art Dela Cruz at Athena Madriaga ay magkakatagpo at magmamahalan," sabi niya kaya muli ko siyang niyakap at hinalikan.

"I love you," nakangiting sabi ko sa kaniya, ngumiti ito sa akin bago sumagot.

"I love you too."

Pinunasan ko ang luha na lumandas mula sa aking mga mata. Ipinikit ko na ang mata ko pero si Athena parin ang nakikita ko doon.

Masyado ba kitang minahal para masaktan ako ng ganito? Kung sana hinalikan mo ako sa loob ng limang segundo kahit dampi lang, siguro masaya tayo ngayon. Do I really need to suffer this kind of pain?

Handa akong maging ama ng batang dinadala mo basta huwag mo lang akong iiwan. Athena, sana masaya ka na. Kasi ako, hindi pa— hindi na nga yata.

Chasing NazarethTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon