Eight

1K 37 0
                                        

Mabilis lumipas ang isang lingo, hindi ko iyon namalayan. Same routine everyday, gigising, maliligo, kakain, gagala, magluluto, kakain, magpapahinga, maliligo, matutulog at uulit nalang.

Nagising ako dahil sa liwanag ng araw na tumatama sa mata ko, tumatagos ito sa transparent window glass. Pagbukas ng mata ko ay naramdaman ko agad ang sakit ng ulo ko dahil sa pag-inom naming ng alak kagabi ni Precious. Speaking of Precious, she became more beautiful each and everyday. Ewan ko ba, basta hindi ko maiwasang mapatitig sa kaniya dahil sa kaniyang mga sinusuot. Her blue eyes, and red lips, masyadong maganda sa paningin ko. Napailing pa ko dahil sa naisip.

"Tara maligo sa beach," yaya ko kay Precious, lumingon naman ito sa akin saka ngumiti ng matamis.

"Tara," sagot niya sa akin saka naglakad na papalapit.

Pagkalabas naming ng bahay ay agad kong isinara ang pinto. Naglakad na kami ni Precious pababa ng pinto, it's been seven days since we made our adventure from Manila to Aurora. Maganda na rin ang panahon, medyo madaming napinsala dito sa Region III ang naturang bagyo.

"May tumawag sa landline kanina," aniya pa ng magkasabay kami, nilingon ko naman ito.

"Sino?" Tanong ko sakaniya, inayos muna nito ang kaniyang buhok at itinali bago sumagot sa akin.

"Pinsan mo daw sa Nueva Ecija, nanalo daw yung pamangkin mo sa Regional Schools Press Conference sa Malolos, Bulacan. Ang galing naman niya," sagot niya at nakita ko naman ang pagkamangha sa kaniyang mga mata.

"Anong pangalan?" Tanong ko pa

"Gemma daw," wika niya saka nauna na sa paglalakad.

Nice. Mabuti naman ay nanalo na ang pamangkin kong si Gavin, he was working so hard just to win that competition. I'll call him to congratulate him later.

Pagtingin ko kay Precious ay nakatayo na ito sa white sand beach at nakaharap sa akin. Nakangiti io sakin, iniwas ko naman ang paningin ko.

"Let's swim!" sigaw niya kaya patakbo akong pumunta sa puwesto niya, nagulat ako ng bigla itong nagtanggal ng kaniyang damit at tumambad sakin ang suot niyang ternong blue na undergarments.

Hindi ako makalingon sa kaniya, bakit ba kasi kailangan pang maghubad sa harap ko? Pwede namang sando't jersey nalang ang kaniyang isuot niya at hindi gano'n. Ang kaniyang kulay asul na mata ay bumabagay sa kaniyang kuly asul na panty at bra. Damn this woman.

"T-tara," sabi ko saka nagtanggal na rin ng damit.

Hindi naman pangit ang katawan ko, may muscles ako at anim na abs dala ng pagpunta ko sa gym three to four days a week. Hindi ko alam pero nahihiya ako sa kasama ko.

Naglakad na ako papunta sa dagat at nagbabad. Lumapit sa akin si Precious.

"Sakay ako sa likod mo," sabi niya, kumunot naman ang noo ko bago ako napilitang umupo patalikod sa kaniya. Tila dumaloy ang malakas na boltahe ng kuryente sa buong katawan ko ng magtama ang aming mga balat, ang kaniyang dibdib ay nakadikit sa aking likod habang ang kamay ay nakahawak sa aking mga braso, nakasuporta ang aking isang kamay sa kaniyang puwitan habang ang isa naman ay nakadantay sa buhanginan. "Tara doon sa malalim," dagdag pa niya, napapalunok na sumunod naman ako.

Tila pinagsisisihan ko ang pagpayag na pumunta at maligo dito sa dagat. Damn it!

Nang makarating kami sa parte ng dagat na hanggang leeg ko na ay kusa itong bumitaw, nakaramdam naman ako ng ginhawa dahil doon.

"Bakit pala nasipan mong mag-nature tripping?" tanong niya sakin, lumingon pa muna ako sa kaniyang mata bago sumagot.

"Nothing, I just want to heal this damn pain I'm feeling, pero mukhang wala na nga so I guess-I have no more reasons to stay here in this island. I'm going home maybe tomorrow or maybe-overmorrow?" patanong na sagot ko at tumango naman siya.

"I see," aniya saka nakapikit na nagfloating.

Tinitigan ko siya sa mga mukha, I just want to look at her prepossessing face. She's a living Goddess sabi ko nga. Nagulat ako nang magmulat ito ng mata.

"Tara na sa taas," wika niya saka lumangoy patungong pampang, sumunod naman ako sa kaniya.

Sinumulan na niyang tahakin ang daan pataas ng hill at sinusundan ko naman ito, tila naiinis ako dahil hindi niya ako pinansin pa. Magkadugtong ang kilay na sumunod ako sa kaniya, siya na rin ang nagbukas ng pinto saka wala talagang pansinan na nagtungo sa kaniyang kuwarto, gano'n din ang ginawa ko. Bahala siya sa buhay niya!

Nang makaakyat ay agad akong naligo at nagbihis na ng aking trunks, balak kong mag-gym sa baba. Nagtungo ako doon saka inayos ang aking gamit, nagulat ako ng nakita ko si Precious, tumatakbo sa treadmill. Tila naakit na naman ako dahil sa suot niyang leggings at sportsbra. Damn this woman, bakit ganito ang epekto niya sa akin.

"Kanina ka pa?" tanong ko pero hindi niya ako pinansin bagkus ay mas binilisan ang takbo ng treadmill na gamit niya.

"Nagpunta ka dito para mag-work-out at hindi para titigan ako, tama?" nakangising wika nito, napapahiyang iniwas ko naman ang paningin ko saka nagtungo sa lalagyan ng barbell, madalas na ako sa gym kaya hindi ko na kailangan ng mga gym instructors.

Nahiga ako roon saka binuhat ang barbell, Ilang taas baba lang ang ginawa ko bago lumipat sa punching bag. Nagsuot ako ng tape sa kamay saka naglagay ng gloves, saka inumpisahang suntokin ang nakasabit na punching bag.

Nilingon ko si Precious at may inaabot ito sa cabinet. Pumunta naman ako sakaniya saka inalalayan ito mula sa likod, hindi niya alam na nasa likod niya ako. Tila nagslow-mo pa ang paligid ng sa sobrang pagkaka-tiptoe niya ay naout balance ito. Sa sobrang gulat ay pati ako ay naout of balance, natagpuan ko nalang ang sarili ko na nakahiga sa sahig habang si Precious naman ay mulat na mulat ang mata, ang kaniyang labi ay nakalapat sa aking labi, though hindi naman ito gumagalaw ay naririnig ko ang malakas na kabog ng dibdib ko.

Hindi niya parin inaalis ang kaniyang labi sa aking labi kaya naman ipinikit ko ang aking mata saka iginalaw ang aking labi, gulat din siya pero kalaunan ay nagsasabay na kami ng parehong ritmo. Hinawakan ko ang kaniyang likod saka marahang pinagpalit ang aming puwesto. Ako ang nasa taas at siya ang nasa ibaba. Bumaba ang aking halik sa kaniyang leeg, dinadama ang kaniyang collarbone sunod ang kaniyang panga, napangiti pa ako ng naramdaman kong nakiliti siya at bahagyang ginalaw ang kaniyang leeg.

Alam ko na kung bakit naging ganito ang epekto niya sa akin, I'm starting to love her. Hindi ako baguhan dito, naranasan ko na ang isang 'to-naiilang sa t'wing nakatingin siya sa akin, napapaiwas ng tingin kapag nakikita ko siya sa mga damit na hindi ko pa naman dapat makita, at napapalunok kapag tinititigan niya ako. I'm already liking with her. No! Rephrase it, I'm starting to love her. I won't deny that.

Chasing NazarethTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon