Muli kong sinulyapan ang call card na binigay sa akin ni Precious.
Precious Nazareth Montecarlo.
Isang taon na ang nakalipas at ngayon ko lamang nakilala ang iyong buong pangalan.
Pagkababa ko sa sala ay wala na si Precious, ang kanilang mga mata ay nagtatanong.
"Where is she?" tanong ni Axcel sa akin.
"Umuwi na yata," sagot ko sa kaniya saka naupo na sa tabi ni Tracey.
"Art?" tawag ni Daddy sa akin na agad ko naman siyang nilingon. "Why did you left your fiancé here?" tanong niya sa akin kaya nangunot ang noo ko.
"Dad, I told you I'm not going to marry that woman." Hindi ko na pinansin pa ang aming mga kapamilya na nakatingin saakin at nang-uusisa ang mga tingin.
"You're getting married?" tanong ni Gavin sa akin.
"No," sabi ko sakaniya at muling kumain.
Hindi ko na kinibo pa si Dad pagkatapos no'n. Hanggang kailan ba nila sakin ipipilit si Tracey? I want Precious Nazareth Montecarlo to be my wife. Not Tracey. Not anyone.
"Sir, about Ms. Montecarlo, she's going to launch her first ever painting exhibition tomorrow. The exhibit will start at 10am and will end at 6 in the evening," ani Baby sa akin.
"What's my schedule for tomorrow?" tanong ko sa kaniya.
"Inspections of our working place, our machines, stocks, and workers, Sir," sagot niya sa akin kaya tinganguan ko siya.
"Reschedule it," utos ko na ikinagitla niya.
"But you're schedule is so tight, Sir. The next day, you have meeting with Mr. Lim about you're marriage with Ms. Tracey Lim," sabi nito.
"Cancel that, I'm not getting married," pagtatapos ko sa usapan, hindi na siya sumagot pa.
It's been one damn week and yet pinipilit pa din nila ako kay Tracey. I don't want to marry her and I've been saying it for about a thousand times now yet he's still pushing me to marry Mr. Arturo Lim's maiden daughter.
Hinilot ko muna ang sentido ko bago ilabas ang cellphone ko at i-dial ang numerong nakalakip sa calling card ni Precious. It's my first time calling her and I'm getting nervous.
"Hello," wika ko sa kaniya nang sagutin niya ang tawag.
"Yes," sagot niya sa akin at tila nagkabuhol-buhol ang aking dila.
"Uhh, I want to congratulate you for your e-exhibit t-tomorrow." Damn this tounge, bakit ako nauutal. That's a turn off.
"Bukas pa 'yon," aniya sa akin. "Thank you, by the way. Punta ka, ah," dagdag niya kaya napangiti ako.
Akala ko ay hindi niya ako sasabihang pumunta sa pinaka-espesyal na araw ng career niya.
"Sure, I'll buy all your art works," nakangiting wika ko sa telepono.
"See you tomorrow, may gagawin pa ako." After that, she hung up.
Tila binalot ako ng excitement sa buo kong katawan. Seeing her again makes me feel energized, masyado akong tinamaan sa babaeng iyon.
Lumabas muna ako ng opisina upang lumibot at tignan ang aking mga trabahador sa loob ng office. Busy lahat including the call center agents. Bumabati naman sa akin ang iba at nginingitian ko naman sila.
I'm more than excited to see her again.
Gabi na ako nakauwi sa pad ko dahil sa dami ng ginawa sa office. Nagbasa ng emails at pumirma ng napakadaming papel.
"Bro, hinding-hindi ako magsasawa dito sa pad mo, madaming pagkain," natatawang wika ni Luke saakin.
Inimbita ko siya dito upang ipaalam ang plano ko bukas kay Precious, I want to surprise her with a song ang I'm consulting my cousin for a song to play tomorrow.
Si Kuya Luke ang maasahan ko pagdating sa ganitong love advices. Kahit medyo gago ang isang 'to ay may alam pa rin siya sa pag-ibig.
"Bukas, anong pwedeng kantahin?" seryosong tanong ko saka sumubo ng beef stake na niluto ko, may alak din akonh inihanda for us.
"Alam mo bro, ang mga babae, kahit ano naman kantahin mo magugustuhan nila. Add love and show her that you're sincere sa pagsuyong gagawin mo, in that way ay posibleng makumbinsi mo si Precious." Uminom siya ng alak at tumikhim bago nagpatuloy, "Pero sa kaso mo, mukhang mahihirapan ka. Ano ba kasing nangyari sainyo sa isla noon?" seryosong tanong niya.
Gusto kong tumawa nang maalala ang huling bagay na ginawa namin ni Precious bago kami maghiwalay sa Baler pero nanaig ang lungkot na nararamdaman ko ng wala akong maalalang pinag-awayan namin o ginawa kong mali. Nabastos ko siya? Ngunit sabi niya ay ginusto naman niya iyon.
"I really don't know, Kuya," seryosong wika ko saka uminom.
"Why?" tanong niya pa
"Wala akong maalalang maaring pag-awayan namin, maayos kami kinagabihan but the next day ay wala na siya." Tumitig ako sa hawak kong wine glass. "I really want to make her mine again," nakayukong usal ko.
"A song? Bro I'm telling you, kahit anong kanta ay puwede," sagot niya saka kumain ng steak saka tinignan ang kaniyang relo. "I'm leaving, may meeting ako with K-Kyline bukas," sabi niya saka umalis na.
Speaking of Kyline, her son's name is Jacob. Kuya Luke and her had been friends after they broke up. While Athena on the other side has been busy taking care of her son Abraham.
Nagkausap na rin kami ni Athena, hindi na siya binalikan pa ng ama ng kaniyang anak. Nagkaayos na rin kami, we're friends actually. Sa loob ng isang taon ay marami ang nangyari sa aming buhay. One thing na hindi nagbago is my feelings for Precious. This feeling that I guess will never go away.
Pagkauwi niya ay nagligpit na ako bago naligo at nahiga sa kama. Tomorrow will be my first attempt on getting back my queen.
"Thank you for attending this small art gallery, Sir, Ma'am." Napangiti pa ako habang tinitignan si Precious na nakatayo sa maliit na stage at tila nahihiyang nakatayo sa gitna niyon. "I'm not a prominent person when it comes to painting but I hope I can guarantee your needs in terms of designs. Enjoy!" nakangiting wika niya, pumalakpak naman kami bago nagsitayuan ang ibang mga tao dito para lumibot na at tignan ang mga ipininta niya.
Nakita ko ang ilan sa mga kilalang tao sa business world. They're greeting me pero hindi ko na sila pinansin. I have to concentrate sa gagawin kong panunuyo.
Lumapit ako sa isang art work, mukha iyon ng isang bata—gwapong bata. Brown ang mata at maputi, sakto ang katawan, halata ang makapal na kilay at matangos na ilong. Kamukha ko ang isang iyon.
"I didn't expect to see you here," anang pamilyar na boses ng babae. "Akala ko ay 'di ka pupunta," dagdag pa niya.
Sinulyapan ko siya saka ngumiti ng matamis.
"Let's have dinner?" sabi ko sakaniya na naging dahilan para magitla siya ng bahagya.
"Sure," nakangiting sabi niya.
Hindi ko napigilan ang sarili kong yakapin siyang muli.
"Precious, please come back to me," bulong ko sa kaniyang tainga.

BINABASA MO ANG
Chasing Nazareth
Roman d'amourHe suffered an excruciating pain after being hurt by his loved one. He's so broken to the point that he did something new-nature tripping. He promised to himself that he'll never love again. On his moving on stage? He met a girl who played a huge pa...