"Saan ba kasi tayo pupunta?" Tanong ni Precious.
Kasalukuyan kong tinatahak ang daan patungo sa nag-alaga sa akin noon sa Nueva Ecija. Si Precious ay nasa passenger's seat buhat ang aming anak na natutulog sa kaniyang braso.
Nagdala ako ng mga extra naming damit dahil nais ko sanang mag-overnight sa Nueva Ecija.
Nais ko sanang matulog muna siya ngunit gusto niya raw makita ang daan at mga lugar habang tinatahak ang daan.
It took us 6 hours bago makarating sa bayan ng aking yaya noon. Ilang beses na rin akong nagawi rito dahilan para makilala na ako ng mga tao.
Dahil nga magpapasko nang muli ay damang dama ko ang lamig ng hangin sa paligid. Si Precious naman ay nakatingin lamang sa dinadaanan namin. Tahimik ang anim na oras na biyahe namin at tanging music player na puro kanta ng Air Supply ang nagbibigay ng buhay sa biyaheng iyon.
Nang marating namin ang boundary ng bayan ng San Jose ay alam kong malapit na kami sa aming destinasyon. Bandang bukid pa kasi ang kanilang bahay at makapapasok naman ang kotse doon.
Nang tuluyan naming marating ang baryo nila ay nakatingin ang mga tao sa kotse ko. Marahil alam nilang narito na naman ako para bumisita kay Aling Juanita at Mang Mario.
Pagkarating ko sa eskinita papasok sa bahay nila na nasa gitna ng bukid ay natanawan ko si Mang Mario na nag-aararo ng lupain.
Ibinaba ko ang salamin saka siya tinawag.
"Mang Mario!" Sigaw ko sa kaniya.
"Oy, Art!" Sigaw niya rin saka pinatigil ang kalabaw at lumapit sa akin. "Naroon sa bahay si Juanita, papunta ka ba doon?" Tanong pa niya at tumango naman ako.
"Ihahatid ko lang po yung regalo ko sa kaniya," saad ko at alam na nila iyon.
Ang regalong tinutukoy ko ay ang groceries at kaunting halaga bilang pasasalamat ko sa kaniya. Taon-taon ko itong binibigyan at talagang sapilitan kong ibinibigay iyon dahil tumatanggi si Nanay Juanita.
Siya ang nag-alaga sa akin mula pa noong ako'y bata hanggang sa mag-twenty years old na ako. Umalis lamang siya dahil naaksidente noon ang kaniyang asawang si Mang Mario. Mabuti nga't nakaligtas siya.
Dineretso ko ang kotse papasok sa kanilang bahay, may maliit na espasyo doon na pwedeng pagparking-an ng kotse kaya hindi ako nahirapang pumuwesto, sapat na rin ito para mag-maniobra paalis.
Ako ang unang umibis sa sasakyat at pinagbuksan ko si Precious ng pinto ng kotse. Lumabas ito ng nakangiti sa akin.
"Kilala ka pala dito?" sabi niya sa akin.
"Oo," sagot ko sa kaniya. "Taga dito ang nag-alaga sa akin mula bata pa ako," sabi ko at isinara na ang kotse. Kinuha ko na ang mga groceries sa compartment ng kotse at binuksan na ang kahoy na gate papasok sa kanilang bahay.
"Nay! Nay!" Tawag ko sa kanila.
Naalarma ang aso at tumakbo ito sa akin habang kumakawag-kawag ang buntot. Kilala naman ako ng asong ito kaya hindi na ako magtataka kung bakit hindi ito nagalit. Tumabi sa akin si Precious dahil siguro natakot sa aso. Buhat ko sa aking kamay ang isang timba na puno ng mga groceries na pang-notche buena nila. May isang sako ng bigas pa sa koste pero hindi ko muna inilabas iyon.
Ganito ko lang naihahayag ang pagpapasalamat ko sa kaniya dahil kahit na maagang nawala si Mommy ay siya ang nag-alaga sa akin at itinuring niya ako bilang kaniyang tunay na anak.
"Oh, Art!" Ani Nanay Nita saka lumakad papunta sa akin. "Ikaw talagang bata ka, bakit di ka nagsabi?" Tanong niya habang inihahanda ang kahoy na upuan sa labas.

BINABASA MO ANG
Chasing Nazareth
RomanceHe suffered an excruciating pain after being hurt by his loved one. He's so broken to the point that he did something new-nature tripping. He promised to himself that he'll never love again. On his moving on stage? He met a girl who played a huge pa...