Ten

966 34 0
                                    

Maaga akong nagising kinabukasan. Ganito yata kapag inlove, all things are good and possitive.

Thank you Precious. Thank you for letting me feel this extreme level of happiness again. Just prepare yourself, starting today—I'll court you, baby.

Nakangiting naligo ako, mukhang hindi ko na maaalis sa mukha ko iyon. Gusto niya ako at mahal ko na siya. Damn, iharap niyo sakin kung sinong mas sasaya pa sa nararamdaman ko.

Pagkababa ko sa living room ay wala akong naamoy na nilulutong pagkain which is not common dahil laging may luto nang breakfast 'pag gising ko.

I walked towards the kitchen and saw nothing there. I smiled, mukhang pinagod ko siya ng husto kahapon.

Nagbukas ako ng refrigerator at niluto ang fish, egg, at longganisa doon, nagsangag din ako ng kanin, nagtimpla ng juice at kape. Nang maayos ko na sa dining area ang mga kakainin namin ay agad kong tinungo ang kuwarto ni Precious.

Should I demand for a good morning kiss? This one's sweeter, I cooked for her then she'll kiss me.

Pagkatok ko ng pinto ay hindi pa agad siya nagresponse—pagod nga.

"Precious? Kain na," usal ko habang ang ulo ay nakadikit sa pintuan at ang isang kamay ay nakahawak sa door knob. "Hey, baby?" tawag ko habang pinipigil ang ngiti.

I don't know when this one's started. Feeling ko nga, nagising ako na hindi na si Athena ang mahal ko at si Precious na. Kahit ako, I didn't know that it's possible.

Ilang beses kong kinatok ang pintuan pero walang nagsasalita. Kinabahan ako. Sana naman ay huwag na akong muling masaktan at mabigo. I can't take pains anymore. Masakit na.

Binuksan ko ang pintuan and there—I saw an empty room, walang Precious na nakahiga. Tinungo ko ang bathroom ngunit wala rin siya doon, maayos na ang closet, bedsheet, at unan. There's no more signs na narito pa siya. Tama nga yata ang hinala ko.

For the second time, nasasaktan ako. Tila muling binambo ang dibdib ko at dinurog ang puso ko dahil sa sakit. If I'm just dreaming, please wake me up. I hate this feeling. Mas masakit ang isang 'to dahil sumugal akong muli. Back to back. Double kill.

Gaano ba ako kahirap mahalin? Do I really deserve this pain? Kriminal ba ako sa past life ko para danasin ko ang ganitong klase ng sakit sa kasalukuyan? If yes, then nagsisisi na ako. Just give me back my happiness, si Precious iyon.

Hindi ko na pinansin pa ang pagkain sa lamesa. Mabilis akong nagbihis ng casual saka lumabas ng isla.

"Precious!" sigaw ko ngunit wala akong narinig na mensahe mula sa kaniya. "Hey! Precious!" sigaw kong muli nang nasa pampang na ako. Luminga-linga pa ako sa paligid baka sakaling nandito siya ngunit wala akong makitang kahit ano. Napaluhod na ako dahil hindi ko kayang isipin na masaya lang kami kahapon tapos ngayon ay ganito na—sobrang sakit pala talaga.

"Precious, p-pleace come back to me," halos pabulong nalang iyon dahil hindi ko na yata kayang sumigaw pa.

Nakayukong bumalik ako sa rest house saka nagtungo sa mini bar. Kumuha ako ng isang bote ng Casillero del Diablo at ininom iyon. Damn, masakit sa lalamunan ang isang 'to.

Nasaan na ba kasi siya? Shit!

Lumipas ang maghapon na wala akong ginawa kundi uminom nang uminom ng alak. Baka sakaling makalimot ako.

This nature tripping eases the pain I've felt when Athena left me but this nature tripping also gave me another heartache. I just want to disappear now.

"Oh, akala ko ay nauna ka na?" tanong ni Mang Gregorio kinabukasan. Masakit man ang ulo ko ay pinilit kong igayak lahat ng gamit ko dahil babalik na ako sa Manila para ituloy ang naiwan kong business doon.

"Po? Hindi pa ako umaalis," sagot ko sa kaniya saka inilagay sa bangka lahat ng gamit ko.

"Gano'n ba? Nauna na si Percious sa bayan kahapon," aniya.

"Precious ho," pagtatama ko, kumamot naman siya sa ulo niya.

"Oo nga," napapahiyang usal niya. "Ayun nga, nang maghatid ako ng kakainin niyo kahapon ng madaling araw ay sinabi niyang sasabay na siya saakin dahil umalis ka daw at naiwan siya."

Hindi ko na siya pinansin pa at sumakay na ako sa bangka. Isinalpak ang earphones saka pinakinggan ang music na mula sa aking cellphone.

"I'm all out of love, I'm so lost without you

I know you were right believing for so long

I'm all out of love, what am I without you

I can't be too late to say that I was so wrong."

Gusto kong patayin ang music pero gusto kong pakinggan ang kanta, ang kanta na aking inawit nang humiling siya saakin na awitan ko siya. Para akong lango na napasunod niya sa gusto niya samantalang hindi ako ganoong klase ng tao, kapag ayaw ko—ayaw ko. Kahit si Athena, hindi ako napipilit ng ganito.

"I want you to come back and carry me home

Away from this long lonely nights

I'm reaching for you, are you feeling it too

Does the feeling seem oh so right

And what would you say if I called on you now

And said that I can't hold on

There's no easy way, it gets harder each day

Please love me or I'll be gone, I'll be gone."

Bakit ba kasi ganito ang music na pinapatugtog ko?

All out of love? Oo, I'm all out of love. Ano nalang ako kapag wala ka, Precious? I can't imagine myself living in a dull world without you by my side. You've thought me how to forget the damn pain yet you're also the reason why I am feeling that kind of pain again. Pagod na akong masaktan, I promised to myself that I'll never love again after Athena but I was also the one who broke my promises. Hindi ko napanindigan yung wall na itinatayo ko sa puso ko dahil ipinaramdam mo saakin kung gaano kasarap magmahal pagkatapos mong masaktan. Come back to me, baby.

"Oh? Mukhang hindi naman yata umepekto ang nature tripping mo, Kuya?" tanong ni Jin, ang aking kapatid.

"Why?" tanong ko rin saka humarap sa salamin.

"Masyadong halata yung sadness mo, Kuya. The negative aura, the sadness all over your face, and all. Tell me, nakamove-on ka ba kay ate Athena?" usisa niya pa pero hindi na ako sumagot pa.

Ibinagsak ko nalang ang katawan ko sa sofa saka ipinikit ang aking mata.

Kararating ko lang at sinalubong ako agad ng mga maids para kuhanin ang aking mga gamit. Pagkapasok ko ay bumungad agad si Jin na inusisa ang lakad ko.

"Oo naman," kampanteng sagot ko nang hindi dumidilat.

"Then why are you like that?" tanong niya muli habang nakalahad ang kamay sa akin, "You look like you're so broken." Tumawa ito.

"Maybe I'm just tired," sagot ko at tumayo na mula sa sofa. "Where's Dad?" tanong ko sakaniya.

"Meeting with shareholders," simpleng sagot niya saakin saka kinuha ang bola niya ng basketball at lumabas ng bahay.

We have a small open court there. Doon kami naglalaro ni Jin kapag boring kami sa bahay. I was the one who thought him how to play basketball while my Dad thought me how to play it.

Pagkaakyat ko ay agad kong ibinagsak ang katawan ko sa sofa. We didn't even took pictures there. All I have is her first name, no surnames, no pictures, just her name—nothing else. How will I find my woman?

I closed my eyes, imagining a scenario where I came home then she'll come to me, kiss my lips, then she'll hug me tight. Until I realized one thing, it was just a fucking imagination, too impossible to be true since I didn't know her that much.

Magpakita ka lang, I won't ask for explanations. I'll marry you. Magpakita ka lang sa akin Precious.

Chasing NazarethTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon