Nakangiti ko siyang tinitignan habang may tinitipa siya sa kaniyang telepono nang tumunog ang kanta mula sa mga violin na nakahelera sa isang gilid. Masarap sa tainga ang kanta at tila anghel ang babae sa aking harapan.
"Can I have this dance?" Inilahad ko ang aking kamay sa kaniyang harap.
Nakangiti niya ring ipinatong ang kamay niya sa akin, marahan ko siyang idinala sa gitna upang doon sumayaw.
Ang isa niyang kamay ay nasa dibdib ko habang ang isa ay nakahawak sa aking balikat. Ang aking kamay nama'y naka hawak sa kaniyang baywang at sa kamay, malapit kami sa isa't-isa at amoy na amoy ko ang kaniyang bango.
"Ang bango mo masyado," sabi niya sa akin.
"Masakit ba sa ilong?" tanong ko sa kaniya.
"Hindi naman," sagot niya kaya natawa ako ng bahagya. "You smells good too," dagdag ko pa.
Tinapos namin ang kantang "Can I Have This Dance" bago ko siya alalayan paupo sa puwesto namin.
"Ang ganda-ganda mo," sabi ko sa kaniya.
"Y-you look good on your suite too," puna niya kaya mas napangiti ako.
Napakabait naman yata ng tadhana sa akin ngayon, masyado akong pinapaburan. Masarap sa pakiramdam ang isang 'to, hindi yata mawawala ang ngiti sa aking mata.
Her smiles, her scent, and her face, it's all perfect. Ang sarap titigan.
Natapos ang aming dinner date na puro purihan at nginitan ang ginawa. I want to cherish each and every moment that I am with her.
"Tara na," wika ko saka pinagbuksan siya ng pinto ng aking asul na kotse.
"Salamat," sabi niya kaya nginitian ko muli siya.
"All for you, mi amore." Pumasok na rin ako sa kotse ko.
Sinusulyap-sulyapan ko siya habang nasa biyahe kami at talagang hulog na hulog na yata ako sa kaniya.
"Focus on our way, baka maaksidente tayo," aniya kaya napapahiyang itinuon ko ang aking paningin sa kalsada.
One year kaming hindi nagkita yet the feeling's still the same. Hindi nagbago. Hindi na yata magbabago.
Wala man siya noong ako'y nasadlak, nasaldak, at nasasakal ay wala akong pakialam. I encountered a lot of problems after returning from Aurora at wala siya para damayan ako noon pero wala akong pakialam. We've been together for just seven days but apart for one year, but my feelings for her did not fade nor changed. Parang mas nadagdagan pa nga yata ngayong narito na siya.
"Sino nga pala 'yong ipakikilala mo sa akin?" tanong ko sa kaniya pagkarating namin sa harap ng kaniyang condo.
"You'll know him later," aniya kaya mas nagtiim ang aking bagang.
Him? Lalaki? May lalaki sa kaniyang condo? Nasisiraan na ba siya ng bait? Kung may lalaki na siya dapat ay patigilin na niya ako sa aking ginagawa at hindi na niya ako pinayagang manligaw sa kaniya.
"U-uuwi nalang ako," inis na sabi ko saka siya inalalayan pababa.
"Art, importante ang isang 'to. Ipakikilala ko lang siya sa'yo at umuwi ka na kung gusto mo," aniya kaya medyo napanguso ako.
Ipakikilala niya sa akin ang lalaki niya? Huwag lang sanang tama ang hinala ko dahil masasapak ko yon kapag nagkataon. And fuck, sa condo pa niya nakatira.
Pumasok na siya at nanatili ako sa labas, pero dahil mahal ko siya ay nakanguso akong sumunod sa kaniya.
Pagkabukas niya ng pintuan ay pumasok na rin ako sa kaniyang unit. Maganda ang designs at puro paintings niya ang mga naroon, maganda ang mga gamit, malamig dahil sa aircon at mabango.

BINABASA MO ANG
Chasing Nazareth
RomanceHe suffered an excruciating pain after being hurt by his loved one. He's so broken to the point that he did something new-nature tripping. He promised to himself that he'll never love again. On his moving on stage? He met a girl who played a huge pa...