Seventeen

873 31 0
                                        

"Ano 'to?" galit na tanong ni Daddy na sumugod pa sa opisina ko dala ang isang piraso ng diyaryo. "Explain it to me? You're going out with that woman?"

Sinulyapan ko ang diyaryo at nasa front page pa pala ang balita kung saan ako ang tampok.

Art Dela Cruz, spotted dating a woman at a supermarket. Who's the lucky girl?

Bakit ba kasi ang hilig ng mga tao na makialam sa buhay ng iba? Why do they care about my life where in fact— they have their own, too. Gossips.

"What's the big deal, Dad? I am single and she is too. Walang masama sa isang binata at dalaga na lumalabas para sa isang date," wika ko sa kaniya at tila mas nagalit siya.

Kinakabahan ako hindi dahil natatakot ako sa gagawin ni Daddy, kinakabahan ako dahil baka masobrahan si Daddy sa galit at ma-heart attack siya.

"You're soon to be married!"

"Dad!?" singhal ko. Hindi na natutuwa. "Ilang beses ko na bang sasabihin na hindi ko pakakasalan si Tracey Lim at si Precious Nazareth Montecarlo lamang ang nais kong maging asawa?" inis na tanong ko at medyo natigilan siya.

"Son, it's for your own good—"

"Own good?" hindi makapaniwalang tanong ko. "I don't even love that woman," dagdag ko pa.

"You'll learn how to love her, eventually," aniya kaya napatawa ako ng sarkastiko.

"There's nothing lonelier in this world than not being with the woman I love for the rest of my life, and marrying someone for the sake of money," sagot ko saka tumayo mula sa aking swivel chair. Ininom ko muna ang natitirang laman ng aking kupita bago tumayo. "If you'll excuse me, Dad, I have an important meeting to attend." Umalis na ako ng hindi na hinihintay ang sagot niya.

Hindi ba nila maintindihan ang salitang "ayoko" at talagang pinipilit nila akong pakasalan si Miss Tracey Lim? If mommy's here, she too, will not agree to my Dad's decision.

Dumeretso ako sa meeting room at naabutan ang aking business partners at ilang tauhan na naroon sa loob. Dumeretso ako sa upuan sa dulo ng table saka nakinig sa isang proposal ng isang tauhan ko.

Binabasa ko sa papel ang ilang iniuulat niya sa harapan.

"So as I was saying, why don't we open up a charity who'll give clothes for the calamity survivors, street children, beggars, and those old people who are already abandoned on the home for the aged?" anang isa sa tauhan ko sa harapan.

"Hindi naman ba tayo malulugi sa sinasabi mo? I mean, we will consume money for that. Saan tayo kukuha no'n?" tanong ng Finance Manager.

"Marami tayong machine na hindi ginagamit and I think, puwede tayong mag-hire ng new employee para manahi ng mga good quality clothes at ibenta ito ng hindi kamahalan. One fourth or half of the profit will be allotted for the charity and the other half will be our extra fund para makapag-produce pa ng mas maraming products," sabi niya pa at medyo napangiti ako.

"Kapag naghire ka ng bagong employees, that will take another funds. Saan tayo kukuha no'n?" tanong pa ng Finance Manager, nginitian naman siya ng reporter bago nakangiting sumagot.

"Business is about taking risk, if you are not willing to take risk, bakit ka pa nag-open up ng business?" tanong niya kaya mas napahanga ako.

That's my motivation kaya ako narito sa kinaroroonan ko. Risking.

"Why don't we give it a try?" Dagdag niya pa kaya nagsitanguan ang mga kasama ko.

"Art?" Tanong ni Tita Richelle, the wife of the owner of Moon Hotels and Restaurant.

"Sige, we'll give it a try. Ikaw ang bahala mag-hire ng new applicants. Kapag may kailangan ka regarding your project, send me some letters and I'll sign it," sabi ko pa bago tumayo. "I think that's for today? Goodluck to your project. This meeting is adjourned," pagtatapos ko sa pagpupulong saka nauna ng lumabas ng hall.

Pagkatapos ng meeting ay dumeretso ako sa aking opisina at binuksan ang aking laptop. Nagbukas ako ng aking facebook account at ng makitang online si Precious ay agad ko siyang pinadalhan ng isang pribadong mensahe.

"Hey, are you free? Let's meet this afternoon, isama natin si Kael," tipa ko sa keyboard saka iyon isinend.

Ilang minuto lamang ay narecieve ko ang kaniyang reply.

"Yeah, puwede ako mamaya," reply niya kaya agad akong napangiti.

Isinara ko ang laptop saka tinawagan si Precious.

"Hello, mi amore," usal ko sa telepono.

"Yes?" sagot niya.

"See you later," sabi ko pa sa kaniya.

"Sige nga," natatawang aniya pa.

"Scratch it, magkita na tayo ngayon. I'll catch you on your condo. Magdala ka ng stroller ni Kael," sabi ko saka tumayo na at lumabas ng office.

Pagkababa ko sa parking lot ay agad akong dumeretso sa isang restaurant para mag order ng makakain naming dalawa. Take-out.

Gusto ko siyang ilabas sa isa sa mga paborito kong tourist spot dito sa Luzon.

Dumeretso ako sa kaniyang unit at nag-door bell. Pagkabukas ng pinto ay bumungad sa akin ang kabibihis lamang na mapapangasawa ko sa hinaharap.

"Tuloy ka muna," aniya saka isinara ang pinto.

Dumeretso ako sa stroller at lumuhod upang mahalikan sa pisngi ang aking anak.

"Tara na?" tanong ko pa sa kaniya at ngumiti naman siya.

"Kukunin ko lang ang bag ko," sagot niya sa akin.

Pagkabalik niya ay ako na ang nagtulak sa stroller ni Kael. Ang isa kong kamay ay nagtutulak habang ang isa ay nakahawak sa kamay ni Precious.

Hindi pa man kami ay parang nobya ko na rin siya. Nahahalikan, nayayakap, nahahawakan ang kamay, at nahahatid-sundo. Napakasuwerte kong manliligaw.

Pinagbuksan ko siya ng backseat at doon siya naupo. Tiniklop ko ang stroller at inilagay iyon katabi ni Precious sa likod. Si Kael ay buhat niya habang ako ay nasa driver's seat.

Kahit na buhat-buhat niya ang anak naming dalawa ay maganda pa rin siya. Ang kaniyang maalong buhok at mapupulang labi na kaysarap halikan ay nakakapang-akit.

Pinatakbo ko ang aking kotse patungo sa isang parke. Puno ng kulay luntiang mga damo at may malaking fountain sa gitna. Marami-rami ang tao sa parkeng ito ngunit nakahanap pa rin ako ng magandang puwesto kung saan kami p'wedeng mag-date ni Precious kasama ang aming anak.

Inilatag ko ang maliit na banig saka inilabas ang stroller ni Kael. Huling lumabas ang mag-ina ko at inalalayan ko sila hanggang makababa silang dalawa.

"Mahal na mahal ko kayo," wika ko saka siya hinalikan sa pisngi.

Yumuko ako para muling halikan ang kamay ng aking anak.

"Remember this day, son. Ngayon ang birthday ng pinaka-guwapo mong tatay," dagdag ko pa saka niyakap ang aking mag-ina.

"Birthday mo?" tanong ni Precious sa akin.

"Yes," saad ko.

Naestatwa ako nang halikan niya ang aking pinsgi.

"That's my birthday gift. Happy birthday, Art," aniya saka umupo na.

Naiwan akong nakatayo roon at hindi pa halos magsink-in sa aking utak ang paghalik niya sa aking pisngi.

One thing's for sure, this is the best birthday gift I ever had.

Chasing NazarethTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon