"Good morning, wife," bati ko sa aking asawa pagkagising niya.
Maaga akong nagising kaya nagluto na muna ako ng kakainin naming dalawa para sa agahan. Nagluto ako ng itlog at corned beef saka idinala ito sa kuwarto. Pagod yata ang aking misis dahil kagigising lamang niya.
Well, what do you expect? Wedding night is the most exciting part of being married. I just want to spend my whole day with my wife by my side. With Precious Nazareth Montecarlo-Dela Cruz.
"Good morning," pupungas-pungas na bati niya sa akin.
Inalalayan ko pa siyang makatayo saka iniabot ang isang basong tubig sa kaniya.
"Kumain ka na," utos ko sa kaniya.
Hindi niya ako pinansin at nagderetso na siya sa banyo para siguro mag-sipilyo.
Napangiti pa ako ng maalala ang nangyari kahapon. Kasal at isang masayang hapunan kasama ang aking anak at asawa.
Paglabas niya ay nakasuot na ito ng puting roba at hindi ako pinapansin. Napakunot ang aking noo.
"Baby," tawag ko. Lumingon siya sa akin saka ako inirapan.
Ano kayang mayroon sa kaniya? Tila iritado siya na kumakain. Sinumpong yata ng kaabnormalan.
"Lumabas ka nga muna, magbibihis ako," saad niya sa akin.
"Bakit pa ako lalalabas, nakita ko naman na iyan?" pilyong tanong ko.
"Hanap ka ng mangga," saad niya pa. "Gusto ko ng hilaw na mangga, yung maasim na medyo matamis tapos bagoong."
"Saan naman ako kukuha ng gano'n? Hindi naman mango season ngayon," sabi ko sa kaniya.
Sa aking pagkakaalam, hindi pa panahon ng mangga. Saan naman kaya ako hahanap ng manggang gusto niya?
"Please, gusto ko talaga ng gano'n," nakangusong aniya sa akin.
"Pero, baby"
"Please," pangungulit niya pa na hinawakan ang aking kamay.
"Sige, hahanap ako," sabi ko sa kaniya saka tumayo na mula sa kama.
Nakangiti naman siya na pumapalakpak pa.
"Thank you, baby! I love you," usal niya saka nagpatuloy na sa pagkain.
Wala na akong nagawa kundi tumayo at kuhanin ang susi sa side table. Nakasalubong ko pa sina Alice at Kael na naglalaro sa living room. Naghahabulan sila at talagang tawa ng tawa ang anak ko. Tumigil ako kaya tumatawang tumakbo si Kael sa akin saka isiniksik ang kaniyang sarili.
"Aalis muna ako, may pinapabili ang mommy mo," sabi ko sa kaniya saka ginulo ang kaniyang buhok. Bumaling ako kay Alice. "Ikaw na muna ang bahala kay Precious at Kael, bibili lamang ako ng kakainin ng asawa ko," dagdag ko pa.
"Sige po," sagot niya.
Inalalayan ni Alice si Kael para maglaro na ulit. Lumabas na ako ng aking pad saka nagmaneho papunta sa palengke para mamili ng mangga.
"Magandang umaga, anong sa'yo?" tanong ng tindera sa akin.
"Mangga ho," saad ko sa kaniya.
"Mamili ka na lang diyan," anito sa akin kaya namili ako.
"Wala ho ba kayong medyo hinog lamang? Puro hinog na po ang mga ito," sabi ko sa kaniya.
"Wala na, madalang ang produksiyon ng mangga dahil hindi pa naman panahon ng mangga ngayon. Sino bang kakain?" tanong nito sa akin.
"Asawa ko po," sagot ko.
"Buntis na ba?" tanong niya pa.
"H-hindi ko ho alam," nakatungong sagot ko.
BINABASA MO ANG
Chasing Nazareth
RomanceHe suffered an excruciating pain after being hurt by his loved one. He's so broken to the point that he did something new-nature tripping. He promised to himself that he'll never love again. On his moving on stage? He met a girl who played a huge pa...
