Twenty Five

921 24 0
                                        

"Congrats," bati ni Daddy sa akin ng sa wakas ay nasa dulo na ako ng altar at hinihintay ang paglapag ng helicopter na kinasasakyan ni Precious.

Narito kami ngayon sa isla na kung saan umusbong lahat ng sa amin ni Precious. Sa Isla ng mga Dela Cruz.

Pababa na ang chopper dahilan para magliparan ang mga nakakalat na rose petals, confetti at bulaklak na gawa sa papel sa buong paligid. Asul at puti ang tema ng aming kasal. Umaayon sa kulay ng dagat at ng kalangitan.

Nag-flashback sa akin lahat ng nangyari sa amin mula noong kami'y inatake ng bagyo hanggang sa gabi sa gym. Lahat ng masasayang ala-ala ay naghalo-halo sa utak ko dahilan para maluha ako.

Kumpleto na ang buong Dela Cruz, Leviste, Corpuz, at Montecarlo family. Ang mga patriarch ay naroon din para saksihan ang pag-iisang dibdib namin ni Precious.

Kusang bumagsak ang luha sa aking mata ng mamataan ang mapapangasawa ko, suot ang isang puti at malinis na trahe de boda, na naglalakad na sa bukana ng arko na ginawa ni Athena at Kyline sa akin. Sayang lamang at wala si Kuya Robin dahil nasa kampo ito at may misyong inaasikaso.

"Winter snow is falling down

Children laughing all around

Lights are turning on like a fairy tale come true

Sittin' by the fire we made

You're the answer when I prayed

I would find someone and baby I found you," pagkanta ni Ate Krist sa kantang The Gift ni Jim Brickman, ang parehong kanta na pinatugtog ng aking alukin si Precious para magpakasal.

Tila nagslow-mo ang paligid, nawala ang mga tao, at tanging si Precious lamang ang nakikita ko't nakangiti siya sa harap ko. Tanging ang babaeng naka-trahe de boda at may hawak na flower bouquet ang nakikita ko at talagang napakasaya sa pakiramdam iyon.

Masarap sa mata ang kaniyang ngiti at kasabay niyon ay ang pagbagsak ng mga asul, puti, at gintong confetti na lumipad kanina ng lumapag ang helicopter na pag-aari nina Tita Richelle.

"And all I want is to hold you forever

All I need is you more everyday

You saved my heart from being broken apart

You gave your love away

And I'm thankful everyday

For the gift." Ibinaba niya ang mikropono at nag-thumbs up sa akin.

Kasabay ni Precious maglakad ang kaniyang ama at ng makalapit na sila sa akin ay nakangiti kong isinukbit ang kamay niya sa aking braso.

Suot ko ang isang mamahaling tuxedo na gawa ni Edwin Tan. Si Precious naman ay isang Monique Lhuiller gown na talagang pinagmukha siyang Diyosa. Shes the most beautiful bride I had seen.

"Napaka-ganda mo," bulong ko saka ngumiti sa kaniya.

"Guwapo ka rin naman," aniya sa akin.

Nang makarating kami sa ginawang altar ay kusang nahinto ang pagkanta ni Ate Krist. Ang tanging tunog na bumabalot sa paligid ay ang mga tunog ng dahon na pinasasayaw ng hangin, at ang paghampas ng tubig sa bato at buhangin sa dalampasigan.

The most precious thing for me is to marry my Precious here in the countryside. Sa mismong gilid ng bansa. Literal.

Agad nagsimula ang kasalan, nagdasal muna ang pari sa aming harapan at ipinaliwanag sa amin ang kahulugan ng kasal.

Wedding is a celebration where two people bond or united by marriage, with the guide of God himself and the parents. Wedding requires happiness, trust, and a never ending love and respect for each other.

Chasing NazarethTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon