"Pag-aari niyo ang islang ito?" usisa ni Precious sa akin, hindi ko siya sinagot bagkus ay tinanguan ko lamang siya bilang tugon. "Mayaman," dagdag niya pa saka sumunod na sa akin.
"Matagal na naming nabili itong islang ito, actually ako ang may pinakamaliit na share dito dahil papausbong pa lamang noon ang ADC Clothings," sabi ko sa kaniya at ngumiti naman siya, iniwas ko ang tingin ko.
Hindi ko alam kung bakit pero napiiwas ako ng tingin sa t'wing ngumingiti siya sa harap ko.
"Nagulat talaga ako dahil kasama ko ang CEO ng pinakamalaking clothing line sa Pilipinas," wika niya sa akin.
"I don't own the biggest clothing line. My company is just one of the companies who produce quality clothes," sagot ko sa kaniya at tumawa ito.
"I love your humility," sabi niya sa akin kaya napalunok ako.
Tumingin siya sa hagdan pataas ng bundok. It is a one hundred step stairway, sa taas nito ay kubo na nakaharap sa magandang karagatan sa paligid nitong isla. Ako ang nagpalagay nito para may libangan and exercise ang mga pinsan at mga pamangkin ko kapag nandito sila.
"Want to climb up there?" tanong ko sa kaniya.
"Sure," sabi niya saka nauna na sa taas.
Nakakapagod— parang pagmamahal lang, iyon ang sigurado. Mataas kasi iyon ngunit makapanindig balahibo ang view kapag nasa taas ka na ng bundok.
"Ang ganda," usal niya pagkarating namin sa mountain peak.
Nakangiting nilingon ko si Precious dahil umupo siya sa bench doon, at halos humagalpak ako sa tawa ng nagsisigaw ito, ang tawa ko ay napalitan ng pagkagulat ng bigla itong tumakbo at umiiyak na yumakap saakin.
"H-hey, what happened?" tanong ko sa kaniya.
"Kasi ano," umiiyak na sabi talaga nito, niyakap ko din siya saka hinagod ang likod nito.
"Shhh, bakit ba kasi?" pigil ang tawang usisa ko sakaniya.
"May gagambang malaki sa upuan!" sighal niya kaya mas napatawa ako ng malakas. "Napakasama mo! Natatakot na nga ako sa gagamba, tatawanan mo pa ako!" nakasimangot na sabi niya, hinawakan ko ang dalawa niyang pisngi at pinunasan ang luha niya gamit ang aking hinlalaki. Agad ko ring inalis iyon dahil napagtanto kong mali yata ang ginawa ko.
"I-I'll kill it, nasaan ba?" utal na tanong ko sakaniya.
Lumapit ako saka kinuha ko ang tsinelas at inambang papatayin iyon pero hinawakan niya ang palapulsuhan ko.
"H-huwag," sabi niya saakin, kunot-noong nilingon ko naman siya, nakanguso ito. Damn that red lips.
"Anong 'wag?" usisa ko.
"D-don't kill it, paano kung may mga anak pala siya? K-kung breadwinner din pala siya at nandito siya para humanap ng ipapakain sa pamilya niya?" Doon ko hindi mapigilan ang tawa ko. She's so cute while she's uttering those lines, naka-pout ito at nagamamakaawa ang asul na mga mata. Mas natawa pa ako ng mas sumimangot siya.
"What—aww. Hey!" sighal ko matapos niyang hampasin ang braso ko, hinimas ko naman iyon saka itinago ang tawa ko. "Volleyball player ka ba? You always hit me hard!" dagdag ko pa.
"Tinatawanan mo ako, eh!" sigaw niya rin, pumulot siya ng mapayat na kahoy saka itinaboy ang malaking gagamba. "Pangalawa mo na 'yan, nong una ay noong nadapa ako," sabi niya pa saka ako inirapan.
Damn this girl.
"That was just a spider, anong breadwinner ba ang pinagsasabi mo?" tanong ko sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Chasing Nazareth
RomanceHe suffered an excruciating pain after being hurt by his loved one. He's so broken to the point that he did something new-nature tripping. He promised to himself that he'll never love again. On his moving on stage? He met a girl who played a huge pa...