"Bakit ba hindi mo sinabi na birthday mo?" usal ni Precious sa akin. Si Kael ay natutulog ng mahimbing sa kaniyang stroller.
"Because I want to surprise you," sagot ko na ikinakunot ng noo niya.
"Ikaw ang may birthday, ako 'yong isususrprise mo?" tanong niya sa akin.
"Bakit may angal ka? Papalag ka na?" maangas kong tanong habang itinutupi ang manggas ng suot kong long sleeve.
"Oo," sagot niya sa akin. "Ikaw?" Nagbaba ako ng tingin.
"Hindi," sagot ko. "Doon mo nalang ako sa loob ng kotse bugbugin para hindi nakakahiya," dagdag ko pa saka kami nagtawanan.
Napatitig ako sa mukha niyang iyon. Ang kaniyang ngiti ay nakakaakit. Parang anghel sa aking harapan.
Pinagsandukan ko siya ng kakainin sa kaniyang plato at pinagsalin ko rin ng tubig ang kaniyang baso.
"Salamat," aniya saka nagsimulang kumain.
"Always welcome, mi amore," sagot ko saka kumain na rin.
Nakatingin si Precious sa isang bata na nagpapalipad ng saranggola, nakangiti siya at bakas ang tuwang nadarama.
Nang matapos na kaming kumain ay sa bata pa rin na iyon siya nakatingin. Hinawakan ko ang kaniyang kamay kaya gulat siyang napatingin sa akin.
"Don't worry, paglaki ni Kael ay gagawa ako ng saranggola. Papaliparin natin," saad ko at natawa naman siya. "Mukhang marami ang iniisip mo," puna ko.
"Iniisip ko lang, paano kung magsawa ka sa'kin? Tapos iwan mo kami ng anak mo," sabi niya at ako naman ang natawa.
"Malabo ang isang 'yan, masyado kitang mahal para iwan kita," sagot ko at natahimik siya.
Kinahapunan ay hinatid ko siya sa kaniyang unit. Hindi ako umalis doon hangga't hindi siya nakakatulog. Saka ko na sila iuuwi sa aking pad kapag kasal na kaming dalawa.
Kinabukasan ay nagising ako dahil tumatama na ang sinag ng araw sa aking mata, tumatagos ito mula sa glass window.
Kinapa ko ang cellphone sa side table dahil umiilaw ito. Si Daddy.
"Nasa'n ka?" tanong niya pagkasagot ko ng telepono.
"On my pad," sagot ko sa kaniya.
"Go here, nandito sila Arturo at Tracey," wika niya kaya napakunot ang aking noo.
"Dad?" inis na usal ko.
"Just go here," napabuntong-hininga pa muna ako bago inis na naligo at dumeretso sa aming bahay.
Tinawagan ko si Precious habang nasa biyahe ako. Ipakikilala ko na siya sa aking magulang.
Pagkarating ko sa aming bahay ay nagulat ako dahil naroon ang aking mga pinsan sa father side. Namely, Kuya Robin, Luke, Chris, Ivan, at si Axcel. Naroon din sina Mr. Arturo Lim at kaniyang anak.
"Sit down," utos ni Dad kaya agad akong tumalima.
Kahit naman naiinis ako ay may respeto pa ako sa aking ama. Hindi mawawala 'yon.
"Am I late?" bungad ni Precious na nasa pintuan ng bahay. Tulak-tulak niya ang stroller ni Kael na natutulog.
Tumayo ako agad saka siya hinalikan sa noo, gano'n din ang anak ko.
"What are they doing here?" tanong ni Dad sa akin.
"Bawal ko bang isama ang mag-ina ko, Dad?" tanong ko rin na ikinagitla nila bukod kay Axcel.
"What?!" sigaw ni Kuya Luke.
"Mr. Lim, Tracey, Dad, Kuya Robin, Kuya Luke, Chris, Ivan, meet my girlfriend." Hinapit ko ang baywang ni Precious. "Precious Nazareth Montecarlo," dagdag ko at siniringan naman ako ni Precious.

BINABASA MO ANG
Chasing Nazareth
Storie d'amoreHe suffered an excruciating pain after being hurt by his loved one. He's so broken to the point that he did something new-nature tripping. He promised to himself that he'll never love again. On his moving on stage? He met a girl who played a huge pa...