Fourteen

899 32 0
                                    

"I'll get this," turo ko sa portrait ng batang kamukha ko. I want to buy it and place it on my room.

"Talaga?" 'di kapakaniwalang tanong niya at tinanguan ko siya.

Nang makuha ko ay agad kong binayaran at ipinasok iyon sa kotse ko, bumili rin ako ng mas maliliit na portrait, landscapes, and abstract paint na naroon. I don't mind spending a lot of money if it's for the woman I love—the one I desire.

Alas sais na ng matapos ang gallery and I also have to prepare for the dinner date. Kasama ko si Precious hanggang sa maubos ang tao sa exhibit.

"Congratulations, mi amore," usal ko kay Precious na kasalukuyang nakangiti at naglilinis ng kaniyang studio. Dumampot ako ng walis tambo saka siya tinulungan sa paglinis.

Sold out lahat ng gawa niya—I won't doubt anyway, masyadong magaganda ang kaniyang artworks.

"Salamat," tipid na sagot niya saka tumayo at nag-inat saglit.

"Ihahatid na kita," presinta ko ngunit nakangiting tumango lang siya.

"Thanks but no thanks, may kotse akong dala." Inilapag niya ang mga gamit sa isang sulok. "I'll text you my address," dagdag niya pa.

Pagkaalis ay agad akong dumeretso sa mall upang bumili ng flowers, chocolates, and a necklace which will be my gift for her, bumili na din ako ng perfume dahil gusto kong mabango ako sa first ever date naming dalawa.

Sa pad ay agad kong pinili ang mga mamahalin kong tuxedo. I want to be formal in front of her, pagkatapos maligo ay isinuot ko ang mga iyon and siyempre I'll try my bleu de chanel perfume.

Pagkabihis ay umupo muna ako sa sofa habang hinihintay ang text ni Precious. Inihanda ko na din ang mga ibibigay kong gamit for her.

After a while, I recieved a text from her.

"Pick me up on my condo, hihintayin kita sa labas."

Pagkarating sa'kin niyon ay agad kong kinuha ang susi ng kotse saka lumabas.

Sinigurado ko pang mabango sa loob ng kotse ko bago dumeretso sa condo niya. Laking pasalamat ko na hindi traffic sa kalsada kaya mabilis kong narating ang condo niya.

There, I saw her wearing a red cocktail dress. She's so damn gorgeous and I can't take my sight off her.

Lumabas ako upang pagbuksan siya ng pinto, nakangiti siyang sumakay sa kotse ko. Pagkasara ko ay sumakay na rin ako.

Lumilingon-lingon pa rin ako sa kaniya habang ako ay nagmamaneho. Masyado siyang maganda at hindi ako magsasawang tignan ang kaniyang mukha.

"Don't look at me like that," naiilang na sabi niya sa akin.

"Bakit? I want to stare at you the whole time," sagot ko saka nilingon ang kalsada.

"Kung makatingin ka sa'kin parang kakainin mo ako." Tumawa siya kaya ngumisi ako ng nakakaloko.

"I already did," usal ko sa kaniya saka tumawa. "Noon," dagdag ko pa.

"Pervert!" singhal niya saka tinuon ang paningin sa labas.

Hindi ko na muna siya kinausap hanggang sa makarating kami sa isang restaurant. Pinagbuksan ko siya ng pinto saka hinapit ang baywang habang naglalakad kami patungo sa isang bakanteng table.

Pansin ko ang pagtingin sa kaniya ng ilang mga naroon, mga tingin na parang may ibang kahulugan and I hate that. Ako lang dapat ang tumingin kay Precious.

"Alisin mo yung kamay mo," bulong niya ngunit hindi ko siya pinakinggan. "Art," dagdag niya pa ngunit hindi ko siya pinakikinggan.

Sinubukan niyang umalis mula sa pagkakahawak ko ngunit mas hinihigpitan ko lang ang hawak ko. Hawak na hindi nakakasakit, madiin pero may respeto.

Pinaghila ko siya ng upuan bago ako naupo sa harap niya. Kusang lumapit sa amin ang waiter at binigay ang menu.

"What do you want, babe?" tanong ko ngunit hindi siya lumingon sa akin.

Tinignan ko nalang rin ang menu sa harap ko.

"Mine are crock-pot brown sugar and balsamic–glazed pork tenderloin and Italian sausage rigatoni," aniya saka ibinaba ang kaniyang menu.

"Sa'kin ay penne alla vecchia bettola." Isinulat iyon ng waiter sa kaniyang hawak na note. "Add a bottle of Apothic Red Winemaker's Blend," dagdag ko at isinulat iyon ng waiter.

"I'll repeat your order Ma'am, Sir. That's crock-pot brown sugar and balsamic–glazed pork tenderloin, Italian sausage rigatoni, penne alla vecchia bettola, and a bottle of Apothic red winemaker's blend." Tumango ako bilang tugon.

Lumipas lamang ang ilang saglit ay ibinigay na sa akin ang aming orders, ang alak ay nakababad pa sa isang bucket na puno ng ice cubes. Hindi rin madami anh servings nila dahil nakakabusog ang mga iyon, may kasama ring ice cream ang bawat putahe.

"Mukhang tataba ka niyan," pagbibiro ko kay Precious habang kumakain kami.

"I'm eating lots and lots of foods, mabilis ang metabolism ko kaya hindi ako masyadong tumataba," sagot niya sa akin.

"Kahit naman tumaba ka, you're still the Precious that I love," wika ko sa kaniya at napayuko siya. "By the way, I want to give you something." Tumayo ako.

"Saan ka pupunta?" tanong niya nang maglakad ako.

"Sa kotse, may kukunin lang." Tumango siya kaya medyo binilisan ko ang lakad ko, pagkakuha ko ng mga dala kong regalo ay pumunta na rin ako sa loob.

Nakaupo lang siya at nakatingin sa kaniyang cellphone, mabilis akong umupo sa harap niya saka inilapag ang bulaklak at tsokolate sa lamesa, hinawakan ko ang kaniyang kamay saka tumitig sa kaniya. Lumingon siya sa akin at naramdaman ko ang ilang na nararamdaman niya.

"Precious?" tawag ko sa kaniyang pangalan.

"Yes?" tanong niya sa akin.

"Flowers for you." Inabot ko sa kaniya ang isang bouquet ng red roses.

"Salamat," aniya saka inabot ang rosas, inamoy niya pa ito bago ngumiti.

"And chocolates, too." Binigay ko ang chocolates sa kaniya.

I don't know kung magugustuhan niya 'yon but I really hope the she will.

"Salamat," aniyang muli.

"Precious," tawag ko sa kaniyang pangalan. Tumingin siya sa akin, kaya nginitian ko siya.

"Bakit?" Tanong niya.

"I'm all out of love, I'm so lost without you," pagkanta ko sa all out of love ng Air Supply. "Hindi ko alam kung paano ko nakayanan 'yong isang taon na hindi tayo magkasama. Precious, alam mo naman siguro na mahal kita at hindi iyon nagbago mula ng magkasama tayo sa Aurora. Please, I want to court you. Can I?" derederetsong tanong ko na ikinatigil niya.

Tila nabawasan ng tinik ang aking dibdib dahil doon. I really want to express what I reallt feel and that is to court her. I want to be her boyfriend and be the father of our kids.

"Art," mahinang usal niya.

"Kung may boyfriend ka, I can wait. If you're not yet ready, then I am willing to wait but let me prove myself to you. Let me show how I love you, babe." Hinawakan ko ang kaniyang kamay saka hinalikan iyon.

"Art, you don't have to wait," sagot niya kaya ako naman ang natigilan. "Yes, you can court me," dagdag niya pa kaya napangiti ako.

"Really?" nakangiting tanong ko.

"Yes, really." Mabilis akong lumapit sa kaniya saka siya niyakap. Nakaupo siya ngunit hindi yon naging hadlang para makayakap ako sa kaniya.

Fuck! This is the greatest gift I'd received in my whole life.

"Thank you for letting me court you. From this day forward, I promise to love you more each and every day, bab. I love you," nakangiting sabi ko saka inilabas ang singsing mula sa aking bulsa.

"Ano 'yan?" tanong niya, isinuot ko sa kaniya iyon.

"Austrian crystal heart necklace," wika ko saka umupo sa dati kong upuan. "Do you know that If a man gave you a necklace, it means you are special to them?" dagdag ko pa.

"Ihatid mo ako, I will show you someone," nakangiting sabi niya and I nodded.

"You won't regret it, baby. I promise."

Chasing NazarethTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon