Three

1.3K 45 2
                                        

Halos masira ang gulong dahil sa lakas nang pag-preno ko. Paanong napunta ang isang 'yan sa kotse ko?

"Who are you?" asik ko rito.

"Ikaw? Bakit moko isinakay sa kotse mo? Kidnapper!" bintang niya saakin.

Seriously? Ako? kidnapper? She's not even a kid, paano ako naging kidnapper? Isa pa, siya itong pumasok at natulog sa kotse ko.

"Are you pertaining to me, lady?" tanong ko rito.

"Hindi, kausap ko yang manibela na hinahawakan mo!" pagsusungit nito.

"I'll take you to the nearest bus terminal, umuwi ka sainyo. Sagutin pa kita kapag nagkataon!" wika ko.

"Go!" aniya saka humalukipkip, "P-pero, wala akong perang pamasahe." aniya pa.

"I'll pay your tickets, umuwi ka nalang sainyo." saad ko saka in-start ang makina.

"Go! Keri yan brother." aniya saka tumawa.

"What's funny? Alien language" tanong ko sakaniya.

"Aww, gwash pero bobito." sabi niya.

Hindi ko na siya pinansin pa, she's creeping me out. Anong malay ko kung magnanakaw ang isang 'to? or baka isang serial killer at hinire upang paslangin ako sa loob mismo ng kotse ko?

Minadali ko ang pagmamaneho, it took me almost an hour bago marating ang pinakamalapit na bus station.

"Sir, pabalik ho sa Manila?" tanong ko sa isang konduktor.

"Naku, Sir! Pasensiya na, naubos ang tickets, madaming naka-book. Undas kasi." sagot nito saakin.

"Gano'n ba? Wala na bang ibang way para makabalik ang kasama ko sa Manila?" tanong ko. Sinulyapan nito ang kasama kong babae na tutok na tutok sa kaniyang cellphone at tila naiinis dahil nakakunot ang noo nito.

"Sir, mas romantic ang outing kapag kasama mo ang nobya mo, masarap maglibot sa tabi ng dagat habang magkahawak-kamay kayong dalawa." anang kinduktor.

"Hindi ko ho siya nobya." sagot ko.

"Asawa?" tanong niya.

"Hindi rin po." agarang depensa ko.

Kailan pa nagkaroon nang pakialam ang mga konduktor sa kung ano man ang estado ng mga pasahero?

"Pasensiya ka na, Sir. Ubos na talaga ang tickets dahil sa dami nang mga naka-book, at ang huling biyahe pamaynila ay kanina pa. Mga sampong minuto bago kayo dumating." paghingi niya ng dispensa.

"Ayos lang ho." Saad ko rito.

"Ano ba!?" singhal nang kasama ko. "Kanina pa tayo naglalakad, death march na ba ito?"

"Can you just follow me? Ang ingay mo!" singhal ko din sakaniya.

"Nakakapagod kayang maglakad, what's the sense of your car kung hindi mo rin naman gagamitin?" tanong niya.

"'Cause I want it this way, gusto kong mapagod!" galit na tugon ko saka nagpatuloy sa paglalakad.

The road's quite rocky and medyo basa dahil siguro sa hamog. Ang malamig na simoy nang hangin ay nakapagpapatayo ng mga balahibo sa katawan.

"Bakit ba kasi sumakay ako sa pesteng kotse mo?!" Inis na sabi nito, nakakunot ang noong hinarap ko siya.

"Bakit nga ba? I don't even know your name, ni hindi nga yata kita nakilala kahit sa past life ko, eh. Hindi ko alam na nandoon ka, imbis na masolo ko 'tong nature tripping ko, may kasama ako! Peste!" Wika ko.

"I was chased by a serial killer, that night." Naiiyak na tugon niya, natahimik ako at hindi na nagsalita ngunit hindi ako tumigil sa pakikipagtitigan sakaniya "Charot!" Sigaw niya saka tumawa.

Chasing NazarethTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon