Four

1.2K 43 1
                                        

Hindi ko na muna pinapansin ang babaeng kasama ko, I continued my walk and didn't bother talking to her. I can almost see the view sa baba ng bundok when I heared Precious shout, agad akong binalot nang pag-aalala at kaba.

Tumakbo ako papalapit sakaniya at nakita ito na nakadapa na. Damn, she's so cute. Ang pag-aalala ko ay napalitan nang tawa nang narealize na nadapa ito. Weak.

"What happened?" Sinubukan kong itago ang tawa ko at nagtagumpay naman ako doon.

"Hindi ba obvious? Tulungan moko." Nakasimangot na aniya, lumapit naman ako saka iniabot ang kamay ko sakaniya, hinawakan niya naman ito then I pulled her up. Napansin ko ang gasgas sa kaniyang tuhod kaya agad akong kumuha nang band-aid sa aking bag at itinapal iyon doon. Nakasimangot parin ito nang lingunin ko.

"Why?" Takang tanong ko.

"Bakit mo ako tinawanan? Nadapa na nga ako, eh." Sabi niya kaya ngumiti ako.

"Tumawa ba ako?" Maang-maangang sagot ko.

"You almost burst out of laugh kaso pinigilan mo lang. Tell me, hindi ka natawa?" Pagtataray niya kaya natawa ako "See?" Aniya pa.

"Look, I'm sorry." Saad ko sakaniya, inirapan lang niya ako muli saka naunang maglakad papalayo. "Bahala ka, masalubong mo 'yong tikbalang riyan." Pananakot ko na nagpahinto sakaniya, lumingon naman ito saakin at kita ko ang kaba sa kaniyang mata.

"M-meron?" Tanong niya, kunwaring seryosong tumango naman ako, bigla naman itong naglakad papalapit saakin saka tumabi roon.

"Mauna ka na." Pang-aasar ko.

"H-hindi na. Sabay na tayo." Aniya kaya nagpatuloy na kami sa paglalakad.

Tila nakahinga ako nang maluwag dahil narating na namin ang beach kung saan ko im-meet si Gregorio, ang maghahatid saakin sa isla na pagmamay-ari nang pamilya ko. Maganda ang paligid ngunit pribado, kami lamang ang autorisadong pumasok at lumabas sa islang iyon.

"Narito na pala kayo, tara na?" Aya ni Mang Gregorio, ang kaibigan nang aking ama na siya ring nagbabantay sa isla namin. "Sino ang binibining kasama mo? Nobya o asawa?" Tanong niya sa'kin.

"Wala ho." Sagot ko.

"Nililigawan mo?" Usisa niya pa.

"Hindi rin po." Depensa ko.

"Baka kaibigan." Hindi na ako sumagot pa sa tinuran ni Mang Gregorio, nagpahatid na lamang kami sa hidden island at doon nagpatulong sa pagtatayo nang tent.

"Tatawag nalang ho ako kapag may kailangan pa ako." Sabi ko sakaniya.

"Sige, maiwan ko na muna kayo." Ngumiti pa ito nang nakaloloko bago umalis gamit ang bangkang de motor na siyang ginamit niya upang makapunta kami rito.

"Art?" Tawag ni Precious saakin, nilingon ko naman ito.

"May bahay naman sa banda ro'n, oh." Turo niya sa rest house ng family ko.

Ayoko matulog do'n, mas gusto ko munang matulog dito sa tent. Maiba lang.

Napansin ko ang medyo hindi magandang lagay ng kalangitan, medyo maitim. Huwag naman sanang umulan.

"Do you want to go swimming?" Tanong ko sakaniya

"Nah, I don't have clothes." Sagot naman niya

"I have extra clothes on my bag. Pahihiramin kita." Sabi ko

"How about my u-undies?" Nahihiyang tanong niya saakin, I looked on our rest house, sa pagkakaalam ko ay may mga extra undies doon dahil may mga bisita naman sila daddy, at mga pinsan ko, siguro may hindi naman gamit na mga gano'ng klaseng pananamit.

"We'll search there." Sabi ko at inginuso ang bahay sa taas ng hill, napangiti naman siya ng malaki saka tumakbo papunta sa dagat "Be careful, baka may sear urchin diyan!" Pag-papaalala ko sakaniya.

Pumasok ako sa tent saka nagkalkal ng damit. Nagready ako ng jersey short and as promised, t-shirt na gawa sa kompaniya ko. Pagkatapos no'n ay lumabas na rin ako.

Napaiwas ako ng tingin nang nakita ko si Precious, wearing a pair of black panty and brassiere. Napalunok pa ako ng laway dahil sa view na iyon.

Damn, Art. You just came from heartbreak. How come that you can think that way? Stop it!

"H-hey!" Tawag ko sakaniya, lumingon naman ito saakin ng nakangiti.

"Yes?" Tanong niya saakin.

"Tama na 'yan, aakyat tayo sa bahay." Sabi ko sakaniya saka tumalikod na.

Ilang saglit lang ay kasabay ko na itong naglalakad, hindi man lang nagdoble ng damit.

"Bahay niyo 'yan?" Tanong niya nang binubuksan ko na ang pintuan ng rest house, nilingon ko naman siya ng nakakunot ang noo.

"What do you think?" Balik-tanong na sagot ko.

"Oo." Nakayukong sagot niya kaya natawa ako.

"Stupid! Do you think I'll open it kung hindi saamin 'to?" Usal ko pa

"Oo na." Nakasimangot na sabi niya, pagkabukas ng pinto ay pinauna ko na muna siyang pumasok ng bahay. Nakita ko ang isang pirasong plastic na nakapatong sa lamesa, agad kong kinuha iyon at nais ko sanang ilagay sa basurahan pero nagulat ako ng may gamit na condom sa trashcan. Sino nanaman kaya ang gumawa nito? Mga pinsan ko?

Hindi ko na iyon pinansin at itinapon ang plastic doon. Hindi man lang iflinush sa CR para naman may privacy sila, kawawa naman ang mga pamangkin ko, natrap sa piraso ng plastic na ito. Natawa pa ako sa naisip ko.

"Doon ang CR, magbanlaw ka muna." Sabi ko at itinuro ang CR namin.

"Thanks." Sabi niya at nagtungo na sa banyo, ako naman ay nagtungo sa guest room upang maghanap ng maaring ipahiram na undies sakaniya.

May isang master's bedroom, apat na kuwarto for the family, and limang guest room. May sarili ding bar ang bahay. Kung tutuusin, maari nang tumira ang isa saamin dito kasama ang kanilang nobya o mga asawa kaya lang ay may kaya naman silang lahat. They live on their own houses with my nephews.

Nagkalkal ako at may nakita naman akong sealed na panty at bra, kumuha na rin ako ng tuwalya upang ipagamit kay Precious. Hindi naman siya mukhang magnanakaw at siguro naman ay trustworthy ang babaeng iyon.

Pagkalabas ko ay nagtungo ako sa living room at kinuha ang damit at jersey na ipapahiram ko sakaniya, dinala ko ang mga iyon sa CR. I knocked the door.

"Precious? Narito na 'yong mga damit at undergarments mo." Sabi ko sakaniya. After a moment, she slightly opened the door, tama lang para maipasok ko ang kamay ko at maibigay ang mga kailangan niya. Nang maabot na niya yon ay bumalik na ako sa sala upang manood ng movie.

One thing about this house is that, may kuryente dito dahil sa windmills na nasa likod ng bahay. This island's perfect. Napakasuwerte ko dahil pamilya namin ang nagmamay-ari nito.

Kinapa ko ang cellphone ko sa bulsa. May signal naman dito kaso mahina, considering that we are sorrounded by an ocean. Though sakop parin ng Philippine Area of Responsibility, medyo malayo na ang lugar na ito mula sa Diguisit Beach.

Habang naliligo siya ay napag-pasyahan kong magtingin ng makakakin sa Refrigirator, may itlog naman doon at corned beef, mabuti na lamang at araw-araw din namang tinitignan ni Mang Gregorio ang bahay na ito kaya masisiguro kong sariwa ang mga pagkain dito.

Baka si Mang Gregorio ang may-ari nung gamit na condom sa trashcan.

Natawa akong muli dahil sa kalokohang naisip ko. I took my shirt off then nagsuot ako ng apron. Hindi ako sanay magluto ng may damit dahil mainit ang singaw ng niluluto ko at baka mapawisan ako. Nagsaing muna ako ng kanin sa rice cooker saka nagprito ng itlog at corned beef. Nang maihanda ko na ito sa lamesa ay lumabas na ako ng kusina.

Naestatwa ako ng lumabas ako ng kusina ay si Precious ang naabutan ko at nagpupunas ng buhok. She's wearing a blue statement t-shirt, saying "Real life Goddess", and a jersey short. Nangungusap ang kaniyang asul na mata.

She's indeed a Goddess. She's so damn gorgeous.








Chasing NazarethTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon