'Let's finally meet at the school's field. After class.'
Napangiti ako sa nabasa ko. Actually, kanina ko pa 'to binabasa ng paulit-ulit.
Kahit nagdidiscuss si Ma'am, nakatitig lang ako dito. Kaya hindi ko na namalayang dismissal na pala. Ito na ang pinaka hinihintay ko.
Dumeretso na ako sa field nang hindi man lang pumpunta sa locker ko. Hindi ko na tinignan kung may bagong message yun kasi magkikita naman na kami mamaya.
Agad-agad akong umupo sa may bench dito sa field ng school.
May nakaupo doon na isang lalake. Psh. Si yabang pala 'to. Ito ang pinaka-kinaiinisan kong lalake dito sa school. Napakahangin ba naman. At hilig ako niyang i-bully. Tsk.
*****
Tumingin ako sa orasan ko. Halos tatlong oras na akong naghihintay dito.
At ang malas ko din naman talaga eh, noh? Nandito padin kasi yung lalaking 'to. Bakit ba ayaw pa niyang umalis?
Mukang wala naman siyang hinihintay eh. Tsk.
"Hey." Nagulat ako sa biglaang pagsalita niya.
"Ano?" Hindi ko siya tinapunan ng tingin.
"May hinihintay ka ba dito?"
"Oo." Tipid na sagot ko.
"Sino?"
"Bakit ko sasabihin sa'yo?" Inirapan ko siya.
"Sino nga?"
"May gustong makipagkita sa akin dito. Sabi niya after class daw. Kaya ngayon, naghihintay ako dito. Eh, ikaw?"
"May niyaya akong babae na makipagkita sa'kin after class. I send notes from my notebook and stick it on her locker."
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.
Agad-agad kong kinuha sa bag ko ang papel na halatang pinunit mula sa maliit na notebook na nakadikit sa locker ko kanina.
Pinakita ko ito sa kaniya.
Nanlaki lalo ang mata namin at sabay na nagsalita. "Don't tell me..."
At napasigaw kaming dalawa. "NO WAY!"
----------
A/N : Hello. Sana po magustuhan niyo 'tong story ko. ^_^
Sorry for the errors, wrong grammar and spelling. Hindi po ako masyadong mageedit kasi mas pipiliin ko pong mag update. ^_^ Pero pag may time mag-edit at sinipagan ako, itatry ko pong iedit.🙂👍
Wag niyo po ako ibabash kapag panget ang kinalabasan ng story ko😂😂...
WARNING : PLAGIARISM IS A CRIME!
Read it at your own risk. Kung alam niyo na po ang takbo ng istoryang ito, manahimik nalang kayo😂. Oh kaya kung ayaw niyong basahin dahil feeling niyo ay maboboringan kayo, edi wag.😂
Please don't forget to LIKE, COMMENT, AND FOLLOW. And I, thank you! Chot😂😂.
BINABASA MO ANG
Accident Love Notes
Teen FictionSimula nung may nakachat ako sa locker ko at nalaman kung sino ito, nagbago ang buhay ko. As in, ibang-iba sa normal na pagpasok ko sa school. Ibang-iba sa dapat na ineexpect kong mangyari. Tapos dumagdag pa 'yung "dahilan" daw kung bakit siya nagre...