Cindey's P.O.V
"By the way, nice to finally meet you, Cindey Garcia."
Huh?!
"Kilala mo ako?" Tinuro ko pa yung sarili ko.
"Yep."
Maka-yep eh!
*****
Nandito na kami ngayon sa room. Sinamahan ko siya papunta dito. Tutal, dito din naman ang punta ko.
Naguguluhan ako dito kay Luke. Nagkukwento kasi siya ng mga alam niyang tungkol sa akin. Tapos hindi ko alam kung pano niya nalaman ang name ko. Hindi ko naman suot ang school ID ko. Ang strange.
"Uy! Cindey! Luke! Nandyan pala kayo. Bilis, tara." Tapos biglang susulpot si Faye dito? Hah! Ang gulo!
Lumapit ako kay Faye at bumulong "Sino ba yan? Tapos, alam niya ang pangalan ko. Secret admirer ko na ba yan?" Biro ko .
Binatukan naman niya ako. "Boba. Bakla yan."
Halos nasamid ako sa sarili kong laway. "Bakla?!" Sigaw ko.
Napatingin naman sa'kin lahat ng nasa classroom, pati si Luke.
"Pare, hinaan mo naman 'yang boses mo."
Nag peace sign lang ako.
"Oo, pusong babae 'yang si Luke. Pero kilos lalake parin. Madami ngang nagkakagusto sa kanya eh. Sayang daw, bakla lang." Mahinang bulong sa'kin ni Faye.
"Eh pano mo nakilala?"
"Tropa yan ng kuya ko. Pati kuya mo. Lagi yang nasa bahay namin."
Tumango-tango naman ako.
Lumapit ako kay Luke. "Hello. Sorry sa weird na ugali ko kanina ah?"
Tumawa siya. Omayghad. Ang gwapo nung tawa. Kaso bakla.
"Okay lang." Sabi niya saka ngumiti.
"Pwede magtanong?"
"Sure. Ano 'yun?" Nakasmile lang siya sa'kin.
Lumapit ako ng onti saka bumulong. "Bakla ka?"
Tumawa ulit siya. "Oo."
Nanlaki ang mata ko sa isinagot niya. Wala. Bakla talaga. Magkakacrush sana ako sa kanya eh.
"Hindi halata." Sabi ko.
At ayun. Ang loko, tumawa na naman.
"Ganyan talaga ang lahat pag nalalaman nilang bakla ako." Sabi niya habang patawa-tawa parin.
Nagulat ako nang bigla siyang umakyat sa teacher's table sa unahan. Wala naman kasing teacher.
Halos lahat ay nabaling ang atensyon sa kanya. Yung ibang babae, kinikilig. Tsk. Tsk. Poor them.
"BAKLA AKO!" Biglang sigaw niya. At ako, nakabuka ang bunganga. I didn't expect that.
Hinila ko siya pababa. "Anong ginagawa mo?!" Bulong ko.
"Umaamin?" Kibit-balikat na sagot niya.
He's Unbelievable. I mean SHE.
Yung ibang lalake sa amin, tumawa. Yung iba, wala lang pake. Muka namang walang naniwala kasi tilian parin yung mga babae. Psh. 'Di ko mapagkakailang gwapo talaga si Luke. Napakalaking sayang.
Napailing nalang ako dahil sa mga nangyayari.
*****
"Cindey, san mo gusto kumain?"
BINABASA MO ANG
Accident Love Notes
Teen FictionSimula nung may nakachat ako sa locker ko at nalaman kung sino ito, nagbago ang buhay ko. As in, ibang-iba sa normal na pagpasok ko sa school. Ibang-iba sa dapat na ineexpect kong mangyari. Tapos dumagdag pa 'yung "dahilan" daw kung bakit siya nagre...