Luke's P.O.V
Naupo ako sa may bench dito sa Garden of Hopes.
Luminga-linga ako at nagbabakasakaling nandito pa si Cindey.
Hindi niya kasi sinasagot ang phone calls ko.
At dahil kaibigan ko rin siya, nagaalala ako sa kanya.
Tinary ko ulit siyang tawagan pero hindi niya talaga sinasagot.
Nagpunta din ako sa ibang restaurant para tignan kung nandoon si Cindey. Pero wala.
Bakit ba kasi hindi niya sinasagot ang tawag ko?
Dahil hindi ko siya makita, naupo na lang ulit ako sa isang bench at naghintay na magtext si Cindey.
*****
"Iho, magsasara na ang Garden of Hopes."
May tumapik sa'kin kaya napamulat ako.
Nang makita kong gabi na, agad akong napabangon. Nakatulog pala ako dito sa bench.
Napahawak ako sa leeg ko dahil bahagya itong sumakit.
Shit. Stiff neck.
"Okay ka lang ba, Iho?"
Tinanguhan ko lang yung matandang lalake.
Tumayo na ako at naglakad paalis.
Naghintay ako ng taxi. Hindi ko kasi dala ang kotse ko.
Habang naghihintay, may unti-unting tubig na pumapatak sa ulo ko.
Shit! Uulan pa ata!
Kinuha ko ang phone ko para tawagan si Josh na sunduin ako dito pero lowbat.
Malas! Kasalanan mo 'to, Ezekiel Donovan!
Nang bumuhos na ang ulan, wala akong nagawa at nagpabasa nalamang.
Pero hindi pa rin matanggal ang pagaalala ko kay Cindey.
Sana, nakauwi na siya sa hotel.
Baka maligaw iyon pauwi. Tatanga-tanga pa naman. Tss.
"Luke?!" Napatingin ako sa pamilyar na boses.
"Keyrah?" Pinagsingkitan ko siya ng mata. Hindi ko siya maaninag ng mabuti dahil sa ulan. Madilim na din kasi.
Dali-dali niya akong pinayungan.
"Anong ginagawa mo? Bakit ka nagpapaulan?!" Gulat na tanong niya sa'kin.
Kinuha ko ang payong sa kamay niya at ako na ang naghawak para sa aming dalawa. Napaiwas ako ng tingin ng mahawakan ko ang kamay niya. Fuck!
"Salamat. Tara na. Sumabay ka na sa kotse ko." Sabi niya at hinila ako.
Inabutan niya ako ng towel pagkasakay ko sa kotse niya.
"Thanks." Sabi ko rito.
"Ano ba kasing ginagawa mo doon?" Tanong niya at nagsimula nang magdrive.
"Hinahanap ko si Cindey kanina. Hindi ko namalayan at nakatulog ako sa bench. Tapos inabutan ako ng ulan eh wala akong dalang kotse." Sagot ko.
"Ah..." Sabi niya habang nakatingin sa kalsada.
"Si Cindey?" Paninigurado niya.
"Oo." Sagot ko.
Sandali siyang natahimik. "Gusto mo si Cindey?"
Nagulat ako sa tanong niya pero hindi ako nagpahalata.
BINABASA MO ANG
Accident Love Notes
Teen FictionSimula nung may nakachat ako sa locker ko at nalaman kung sino ito, nagbago ang buhay ko. As in, ibang-iba sa normal na pagpasok ko sa school. Ibang-iba sa dapat na ineexpect kong mangyari. Tapos dumagdag pa 'yung "dahilan" daw kung bakit siya nagre...