Faye's P.O.V
Thank God I saved the voice record of our convo.
Ngumisi ako bago itago ang phone sa bag.
"Gusto mo pala si Pare ko." Sabi ko.
"The heck. Now that you knew it, please keep that as a secret." Matalim niya akong tinignan kaya natawa ako.
Sows. Dati ko pa naman 'yun alam. 'Di ko lang sinabi sa'yong alam ko na. Masyado ka kasing obvious dati.
"Sorry, may voice record yung paguusap natin. I can use that as a blackmail on you." I winked at him.
Nakita ko ang inis sa muka niya. Pero napawi iyon nang magsalita ako. "Pwede kitang tulungan kay Cindey." Nakangising sabi ko.
Umiling-iling siya. "Hindi na. I can make my own move."
Wow! Mayabang!
Hmp! Tignan lang natin kung hanggang saan ang kaya mo, Joshua Abbot!
"Kung ayaw mo magpatulong, pwes, hindi talaga kita tutulungan!" Sabi ko at bumelat sa kanya. Inirapan niya lang ako at bumalik na sa panonood ng movie.
Tamang-tama. Gusto niya si Cindey. Kaibigan ko si Cindey kaya matutulungan ko si Josh. Crush ko naman si babaitang Luke. Kaibigan siya ni Josh so pwede niya akong tulungan dito.
Wow. Nice. Napakagandang plano nito.
You're so smart, Faye. Yeah! I'm so smart! *Wink*
Cindey's P.O.V
"Mataas pa rin ang lagnat ni Luke, eh. Gusto mo, umuwi ka muna? Ako na muna ang magbabantay kay Luke." Sabi ni Keyrah. Halata kay Keyrah na pagod na siya dahil magdamag na niyang binabantayan si Luke kahit lagnat lang naman ang sakit nito.
"Hindi na. Sa tingin ko, ikaw na muna ang dapat umuwi at magpahinga." Nginitian ko ito.
"Sige. Uuwi na ako. Bantayan mo nalang si Luke, ha?" Sabi niya sakin. Kumunot ang noo ko nang kindatan niya ako.
What's with the wink?
Hinatid ko si Keyrah hanggang gate ng bahay nila Luke.
Pagkaalis nito, humiga ako sa sofa at pumikit.
Matutulog lang ako. I mean, iiglip lang ako. Just give me five minutes.
*****
"Hey. Wake up." May tumapik sa braso ko kaya hinampas ko ito.
Ano ba yan! Parang ang sikip ng hinihigaan ko.
"Hey. Cindey, wake up."
May tumapik ulit sa braso ko. Hinapas ko ulit ito.
Kumamot ako sa ulo saka nag-iba ng posisyon sa pagkakahiga.
Ang sarap matulog. Kaso, parang medyo matigas ang hinihigaan ko.
May narinig akong mahinang tawa kaya napamulat ako.
Kinusot ko ang mata ko para magadjust sa light.
Teka, nasaan ako?
Napabangon ako at napagtanto kong nasa sala pala ako ng bahay ni Luke. May kumot na din na nakabalot sa katawan ko. Hindi naman ako nagkumot kanina ah?
Nasa unahan ko si Luke at nakangiti siya.
"Hala! Bakit ka nandito? May sakit ka pa! Bumalik ka muna sa kwarto mo. Magluluto lang ako ng lugaw." Sabi ko saka tumayo na.
I heard him chuckled. "Sino si Locker Chatmate?"
Nanlaki ang mata ko at dahan-dahang nilingon si Luke.
BINABASA MO ANG
Accident Love Notes
Teen FictionSimula nung may nakachat ako sa locker ko at nalaman kung sino ito, nagbago ang buhay ko. As in, ibang-iba sa normal na pagpasok ko sa school. Ibang-iba sa dapat na ineexpect kong mangyari. Tapos dumagdag pa 'yung "dahilan" daw kung bakit siya nagre...