Chapter 21

34 3 11
                                    

Ezekiel's P.O.V

"Kamusta yung pakiramdam mo?" Nagaalalang tanong ko kay Tiffany.

Luke called me yesterday. Sinugod daw si Tiffany sa ospital.

Based on Keyrah's story, Tiffany collapsed on the street while they're eating street foods.

Tingin ko, dahil sa street foods kaya siya nahimatay.

"I'm fine. Thanks." Sagot ni Tiffany.

"Ano bang nangyari? Bakit ka nahimatay?" Tanong ni Luke.

Umiwas si Tiffany ng tingin sa amin.

"H-Hindi kasi ako nakakakain masyado nitong mga nakaraang araw. I'm on a diet."

Sinamaan ko siya ng tingin. "Inproper diet."

Tumawa siya. Pero yung pilit lang.

Umiling-iling lang ako saka umupo sa gilid.

Dapat, hanggang ngayon, nagaalala parin ako ng sobra kay Tiffany. At dapat, pinagsisilbihan ko siya ngayon dahil hindi pa ayos ang pakiramdam niya. Dapat, sa pagpasok ko dito sa ospital, niyakap ko agad si Tiffany at sinermunan.

Pero hindi ko ginawa. Dahil wala na yung dating nararamdaman ko para sa kanya.

I'm now totally free.

Cindey's P.O.V

Nabalitaan ko kahapon na sinugod si Tiffany sa ospital. But I didn't bother to come. Dahil alam kong nandoon si Luke.

Lumabas ako ng hotel para maggala. Hindi ko sinama si Faye dahil gusto kong mapag-isa.

Sumakay ako sa taxi at pumuntang Garden of Hope. Part din ito ng Barangay Sinapian.

Minsan na akong nakapunta dito sa Garden of Hope, nung bata pa ako. Kaming apat nila Faye, Josh, at Warren.

Pagkadating ko sa Garden of Hope, agad akong umupo sa tabi ng malaking puno.

Parang pinagsamang garden at park ang lugar na 'to. Kaya tamang tama para mamasyal. May mga restaurant din dito sa gilid-gilig.

Nilabas ko ang phone ko. Itetext ko sana si Faye pero nakuha ng atensyon ko number ni Locker Chatmate.

Kusang gumalaw ang darili ko para magtext dito.

To Locker Chatmate : Hey. Kamusta na?

Naghintay lang ako ng reply niya.

Bumili muna ako ng snaks sa may malapit na tindahan.

Naghintay lang ako ng reply ni Locker Chatmate.

2 minutes.

5 minutes.

10 minutes.

15 minutes.

20 minutes.

30 minutes.

Hays. Siguro talagang busy siya.

Tumayo na ako at naglakad papunta sa mga restaurant.

*Ting!*

Kinapa ko yung cellphone ko sa bulsa ko. Tinignan ko kung sino yung nagtext.

From Locker Chatmate : Hi. Okay naman. Ikaw, musta na?

Nagtype ako ng irereply.

Magtatype pa lang sana ako pero...

"Ouch!"

Nabitawan ko yung phone ko.

Tumingin ako sa nakabangga ko. At agad na kumulo ang dugo ko nang makita kong si Unggoy pala yun.

Accident Love NotesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon