A/N : Ellooo.. Paalala lang po, balikan niyo muna yung mga nakaraabg chapters dahil baka hindi niyo na matandaan yung mga nangyari tapos maguluhan kayo sa chapter na to😂.. Sorry antagal ko na kasi di nakakaupdate.. Enjoy!
----------
Cindey's P.O.V
"Faye, samahan mo ako sa locker room." Sabi ko kay Faye. Kasama niya si Luke.
"Ikaw nalang. May gagawin pa ako eh." Sagot ni Faye.
Mukang wala naman siyang gagawin. Gusto niya lang makasama si Luke. Tsk!
Umalis na ako sa harapan nila at pumunta na sa locker room.
Naalala ko yung text sa'kin ni Locker Chatmate. May iniwan daw siya chocolates sa locker ko.
(A/N : Balikan niyo nalang po yung chapter 27 or 28 kung sakailing hindi niyo matandaan yung nangyari...)
Pagkadating sa locker room, may chocolates na may kasamang letter ang nakadikit sa locker ko.
Kinuha ko ito saka binasa ang letter.
'Hello. Sayang, hindi matutuloy ang pagkikita natin. Lagay mo nalang sa ref yung chocolates para tumigas. Baka kasi tunaw na yan. And btw, kung binabasa mo to ngayon, baka nasa Sitio Pilak ako ngayon. Dahil nga nalaman kong hindi naman tuloy ang meeting natin, tinuloy ko nalang yung lakad ko na nacancel ko dahil akala ko nga ay tuloy ang meeting natin. Next time nalang tayo siguro magkita. :-)'
Nakakainis talaga! Kung hindi lang ako na wrong send eh!
Hindi ko naman pwedeng itext ngayon sa kanya na ituloy nalang ang meeting namin dahil nasa Sitio Pilak na nga siya ngayon.
So ang matutuloy na lakad ngayon ay yung kay Lloyd. Kami ni Lloyd ang magkikita imbes na kami ni Locker Chatmate. Psh!
By the way, dismissal na namin ngayon. At base nga sa tinext sa'kin ni Lloyd kahapon dun sa party ni Uno, sa Nearest Restaurant daw kami mag meet.
Yeah. Sa Nearest Restaurant. Yun talaga ang pangalan ng restaurant. As in 'Nearest Restaurant'.
Ang galing no?
*****
"Para po!" Sigaw ko kay manang driver. Sa lakas ng pagkakasigaw ko, nagtinginan sa'kin lahat ang pasahero ng jeep na sinasakyan ko.
Halos naka limang sabi na ako ng 'para po' pero dere-deretso pa rin ang jeep. Bingi ata si manong driver. Tsk!
Kailangan ko pa tuloy maglakad pabalik kasi lumagpas sa Nearest Restaurant ang sinasakyan kong jeep.
Pagkarating ko sa Nearest Restaurant, umupo na ako sa pinakamalapit na bakanteng table saka kinuha ko agad ang phone ko sa bulsa ko.
Itetext ko nalang si Lloyd at sasabihing nandito ako ngayon sa Nearest Restaurant. Wala naman kasi siyang sinabi kung anong oras kami magkikita eh.
To Lloyd : Hey, nand2 na ko ngyn sa Nearest Restaurant. Bilisn m. Naiinp n ko.
Madalian kong text sabay baba ng phone sa table.
Ilang segundo lang ay nagring ang phone ko.
Lloyd calling...
Sinagot ko ang tawag.
"Ano na?" Bungad ko dito.
Narinig ko ang mahinang pag-tawa niya sa kabilang linya. "Ang sungit naman. By the way, hindi ko masyadong maintindihan ang text mo."
"Tsk. Bilisan mo. Ayokong maghintay ngayon." Sabi ko saka binaba ang tawag.
Tumunog ulit ang phone ko. Natawag na naman si Lloyd.
BINABASA MO ANG
Accident Love Notes
JugendliteraturSimula nung may nakachat ako sa locker ko at nalaman kung sino ito, nagbago ang buhay ko. As in, ibang-iba sa normal na pagpasok ko sa school. Ibang-iba sa dapat na ineexpect kong mangyari. Tapos dumagdag pa 'yung "dahilan" daw kung bakit siya nagre...