Chapter 13

42 5 8
                                    

A/N : Guys... Huhuhu. Sorry. Medyo maikli lang din itong chapter na 'to... Medyo lang naman😂😂 Enjoy reading nalang... 🤗

----------

Cindey's P.O.V

Ilang segundo lang matapos ang nakakabinging katahimikan, sabay silang sumagot.

"Maybe."

"Maybe?" Paninigurado ni Scarlett.

"Maybe no." Sagot ni Keyrah.

Tumango-tango naman si Luke.

Parang nabunutan ako ng malaking tinik sa dibdib.

"Wag kayong magsalita ng taops." Sabi ni Scarlett saka ngumisi.

Ayan. Parang bamalik yung napakalaking tinik sa dibdib ko. Tama si Scarlett. Hindi dapat magsalita ng tapos.

"Wag na nga tayong magusap ng mga none sense na bagay." Napatingin kami kay Faye.

Tumango ako. "Oo nga. Mas maganda kung yung camping nalang ang pag usapan natin." Suggest ko.

"Okaaaay." Sagot ni Scarlett.

"Saan ba ang camp site natin?" Tanong ni Keyrah.

"Sa Barangay Sinapian." Tipid kong sagot.

"Wow! Balita ko, maganda daw doon! Excited na ako!" Keyrah said and then she giggled.

"Sino ang makakatabi niyo sa bus?" Tanong ni Luke.

Agad-agad namang sumagot si Scarlett. "Faye! Pwedeng ikaw nalang ang katabi ko sa bus? Cindey, pwedeng mahiram si Faye? Sa bus lang naman eh."

"Hindi na. Si Cindey na kasi ang katabi k---"

"No, okay lang." Pagputol ko sa sasabihin sana ni Faye.

Tumingin ako kay Luke na para bang naghihintay ako ng sasabihin niya kung sino ang gusto niyang makatabi sa bus.

Tumikhim si Luke kaya napatingin sa kanya sila Scarlett. "Si Keyrah nalang ang katabi ko. Keyrah, okay lang ba?" Napayuko ako sa tanong ni Luke.

"Sure." Bumigat ang pakiramdam ko nung pumayag si Keyrah.

What should I expect? Na ako ang pipiliin ni Luke na makatabi sa bus? Tsk. Mas importante parin para sa kanya si Keyrah.

"Guys, mauna na ako. May pupuntahan lang ako." Hindi ko na hinintay ang sagot nila at umalis na ako doon sa canteen.

Dumeretso ako sa locker room.

Wala parin pala siyang reply. Hindi din pala siya dumating sa covered court kung saan magme-meet kami. Sayang.

Nagiwan nalang ako ng note.

'Hi. Kamusta ka na? Pumasok ka ba kahapon?'

Dinikit ko na ito sa locker.

Napatingin ako sa locker Keyrah. Halos isang locker lang ang pagitan ng locker namin.

Kakabigay lang nitong lockeray keyrah kahapon. Pero may nakadikit na chocolates agad dito.

Nilapitan ko ito at tinignan. May letter na nakadikit sa chocolate.

Hindi naman sa chismosa ako oh ano. Pero curious talaga ako kung sino ang nagbigay ng chocolates kay Keyrah, eh new student palang naman siya.

Binuksan ko yung letter.

'Hi Keyrah. Hope u like this chocolate. Special 'yan dahil ako ang gumawa niyan. ^_^' - Luke Xaivier.

Wow. Nice.

Accident Love NotesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon