Chapter 11

53 8 17
                                    

Cindey's P.O.V

"Cindey, iniiwasan mo ba ako?"

"H-Ha? Hindi ah!" Natatarantang sagot ko.

"Weh? 'Di nga?" Paninigurado niya.

"Oo! Ano kasi... Ano, uhm... Natatae ako!" Palusot ko.

Tumawa siya at bahagya akong tinulak palayo. "Oh siya sige. Tumae ka muna." Sabi niya habang natawa parin.

Umirap lang ako.

Cindey, act normal.

Nagpaalam na ako kay Luke saka umalis.

Ano ba 'yan! Sa lahat ng pwedeng idahilan, natatae pa talaga?! Ang bobo mo Cindey!

*****

Humikab ako saka binaling ulit ang atensyon sa libro.

Kasalukuyan akong nagaaral ngayon dito sa assigned room ko. Five minutes nalang, magsisimula na ang next exam kaya halos lahat ay nasa loob na ng kanilang assigned room.

Pagkatapos nung pangyayaring pagdadahilan ko kay Luke na natatae ako, dumeretso na ako dito sa assigned room ko.

"Keep your reviewers. Magsisimula na ang exam." Sabi nung proctor namin.

Tinago ko na yung reviewer ko sa bag ko.

Naglabas na din ako ng pen at scratch paper kung kinailangan.

Napatingin ako sa katabi ko. Pagdating ko dito sa room, nandito na si unggoy. Pero ni isang beses, hindi ko siya nakitang magaral. Hindi kaya nangdadaya lang siya? Napakibit-balikat nalang ako.

Binigay na sa'min yung test paper at nagsimula na kaming mag sagot.

Napakamot ako sa ulo ko. May mga hindi kasi ako alam. Bakit ganon? Nag aral naman ako. Nah. Baka bobo lang talaga ako.

Malapit na sana ako sa exit nang biglang magsalita si Luke. Kaya napatigil ako.

"Anong type mo sa isang lalake?" Tanong ni Luke kay Faye.

Tumawa si Faye. "Bakit mo naman natanong?"

"Wala lang. Masama bang magtanong?" Sagot ni Luke.

"Type ko sa isang lalake?" Parang nag-isip pa si Faye at humawak pa sa kanyang baba.

"Simple lang. Yung parang ikaw. Yung ugali mo. Yun yung type ko." Sabi ni Faye saka tumawa. "Bakla ka nga lang. Kaya naghahanap ako ng ibang katulad mo." Dagdag pa ni Faye.

Tumawa din si Luke. "Wag ka na maghanap ng iba. Ako pala ang type mo eh. Eto oh, nasa unahan mo na."

Nagmadali akong umalis sa lugar na 'yon. Wala na akong pakielam kung napansin nila ako o hindi.

Hala. Bakit ko ba naalala 'yung pangyayari kanina sa locker room?!

Wala tuloy akong masagot sa exam! Hindi kasi matanggal sa isip ko si...

Si... Si Luke.

Babagsak na talaga ako neto! Haist!

Bahala na nga!

*****

"Mag aral ka kasi!" Sigaw sa'kin ni Papa sabay batok.

Aray ko naman! "Pa, nag aral naman ako eh. Hindi ko nga lang natandaan nung nageexam na kami." Sabi ko sabay kamot sa ulo.

"Saan ka nakakita ng five over fifty na score pero kasali sa top five?!" Sabat naman ni Mama.

Tama kayo ng nabasa. 5/50 ang score ko. Psh. Kasalanan 'to ni Luke. Hindi niya ako tinantanan sa isip eh.

Accident Love NotesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon