Chapter 37

5 4 1
                                    

Cindey's P.O.V

Nakatulala ako habang naglalakad kami ni Unggoy patungo kung saan na hindi ko alam dahil wala akong pake.

"Akala ko gusto mo kumain?"

Nalala ko 'yung tungkol kay Warren. Sabi niya ay nandoon siya nung nagusap kami ni Luke.

"Are you with me? Ano ba gusto mo kainin?"

Sana lang ay hindi sabihin ni Warren kay Faye ang mga narinig niya. Gusto kong ako mismo ang mag sabi sa kanya lahat ng 'yun.

"Pag hindi ka sumagot, ililibre mo ako."

Bakit ba kasi napaka tsismoso ni Warren---

"Ay tsimoso!" Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa gulat.

"Ibaba mo nga ako!" Sigaw ko kay Unggoy.

Binitawan niya ako gaya ng sabi ko. So ayun, bagsak ang pwet ko sa lupa. Napahawak ako dito dahil sa sakit.

"Gago! Ang sakit 'nun ah?!"

"Tanga! Sinabi mo sa'kin na ibaba ka."

"Bobo! Sabi ko ibaba, hindi bitawan!" Ganti ko.

"Kanina ka pa kasi tulala. Kanina pa kita tinatanong kung saan mo gusto kumain."

Tumayo ako at nagpagpag. Medyo masakit pa rin pati ang beywang ko.

"Ilibre mo ako."

Kinunotan ko siya ng noo. "Sino ka para ilibre ko?!"

"Ezekiel Donovan."

Umirap ako. "Ezekiel Devilan."

Kumunot ang noo niya. Humalakhak ako bago naunang maglakad sa isang bilihan ng pagkain.

Sana laging foundation day para maraming tindahan ng masasarap na pagkain.

Pumila ako habang tinitignan ang menu kung ano ang masarap na bilihin.

" 'Yung mango float."

Tinaasan ko ng kilay si Unggoy. "Hinihingi ko opinion mo?"

"Bakit ba ang sungit mo?"

"Panget ka kasi." Asar ko.

Kumamot siya ng ulo. "Nakakaasar ka na ah?!"

"Wala akong pake."

Narinig ko ang pagbuntong hininga niya sign na pinipigilan niya ang sarili niya dahil sa inis.

Hah! Buti nga!

Nang turn ko na para bumili ay pinili ko ang mango float. Pampabawas lang sa inis ni Unggoy. Hehez.

Dalawa ang binili ko at iniabot 'yung isa kay Unggoy. Tinignan niya lang ito.

Tinaasan ko ulit siya ng kilay. "Ayaw mo?"

Tinaasan niya rin ako ng kilay. "Bakit ko naman 'yan tatanggapin? Baka mamaya may virus na 'yan."

Napangiti ako. "Okay."

"Anong okay?"

Ngumisi ako. "Ayaw mo 'diba? Edi akin na lang. Tutal ay pera ko naman ang ipinangbili ko dito, eh."

Napanganga siya.

Tumalikod na ako habang nakangisi pa rin.

Anong akala mo? Susuyuin kita? Tangna' mo!

*****

Pasalamat ko na lang dahil pagkaalis ko doon kay Unggoy ay nakasalubong ko sila Warren, Amber, at Scarlett.

Accident Love NotesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon