Cindey's P.O.V
"Maybe Faye."
Yumuko ako at hindi nagpahalata na nasasaktan ako.
Ano ba 'tong nangyayari sa'kin?
"Eh ikaw, sino ang pwede mong magustuhan?"
Napahinga ako ng malalim dahil sa tanong niya.
Kumibit balikat lang ako.
Pabiro niya akong binatukan. "Hindi mo alam? Baka naman kapwa babae mo na ang nagugustuhan mo!" Sabi niya saka tawa.
"Sira!" Sabi ko at nakitawa din.
I think I should pretend that I like girls, like me.
"Malay mo, babae na ang nagugustuhan ko." Sabi ko saka tumingin sa kalangitan.
Gabi na. Lumilitaw na ang mga stars.
Kung gaano kadami ang stars sa kalangitan, ganoon naman kaunti ang chance ko kay Luke.
"Tomboy ka?!" Gulat na tanong niya.
Hindi ko siya sinagot at tumayo nalang ako.
"Mauna na ako. Magpapahinga lang ako."
Hindi ko na siya hinintay na magsalita at umalis na ako.
Maybe this is our last talk, for now.
Sorry, Luke. Sorry. Ayokong masira ang friendship natin pero, ang iwasan ka lamang ang paraan para pigilan ang nararamdaman ko para sa'yo.
Kapag napigilan ko ito, babalik na tayo sa pagiging magkaibigan.
Pangako 'yan.
Josh's P.O.V
"Yeah, yeah. Whatever." Bored na sabi ko kay Kiel.
Kanina pa siya nagkukwento about sa ka-chat niya sa locker. Weird.
"Hey, maybe I should text her. Para hindi na kami mahihirapan dito sa hotel na nagsusulat sa notes para lang makipag comunicate sa isa't isa---"
"Oo na! Text mo na 'yan!" Inis na sabi ko.
Since dumating yung babaeng nakakausap niya through locker, parang nakikita ko ang dating Ezekiel. Yung tipong sobrang daldal.
Medyo ganyan din siya nung sila pa ni Tiffany.
Baka naman inlababo na 'tong kaibigan ko?
Nah. Nevermind.
Yung status ng buhay ko ngayon?
Eto, nagmomove on.
Kanino?
Edi kay Cindey.
Yeah. I like her.
Iniiwasan ko siya to stop this shitty feelings for her.
Hindi uso sa'kin ang magka-gusto sa babae ng seryoso.
Meron, happy crush.
Pero etong 'crush' na umabot sa pagmomove-on?
Iba na 'to mga pare.
Ang tagal na nung huling usap namin ni Cindey.
Siguro nagtataka na din siya sa mga kinikilos ko. Pati si Faye, nadadamay sa hindi ko pag pansin kay Cindey. Tsk.
"Pre, ano nang balak mo?" Tanong sa'kin ni Kiel.
Alam niyang nagmomove-on ako ngayon sa taong gusto ko. Pero never kong sinabi kay Kiel kung sino ang babaeng 'yon. Wala lang, ayoko lang sabihin. Baka mas lalo lang akong hindi maka move-on kapag may iba pang naka alam na gusto ko si Cindey.
BINABASA MO ANG
Accident Love Notes
Ficção AdolescenteSimula nung may nakachat ako sa locker ko at nalaman kung sino ito, nagbago ang buhay ko. As in, ibang-iba sa normal na pagpasok ko sa school. Ibang-iba sa dapat na ineexpect kong mangyari. Tapos dumagdag pa 'yung "dahilan" daw kung bakit siya nagre...