Cindey's P.O.V
"Akin 'yan ah?!"
Sinipa ko siya sa binti kaya nabitawan niya yung cellphone ko.
Agad ko itong kinuha.
"Ang hilig mo talaga akong agawan, no?!" Inis na sabi ko.
Nakahawak siya sa binti niya ngayon dahil napalakas ata yung pagkakasipa ko.
"Malay ko bang sayo pala 'yan! Ang mura-mura nyan eh!" Inis na sabi niya habang iniinda parin yung sipa ko.
Hmp! Bagay lang yan sa kanya!
"Tsaka ano yung sinabi mo kay Luke na bilbil?! Hayop ka!" Sabi ko sabay sabunot sa kanya. Chance ko na 'to.
"Anong bilbil?! Wala akong sinasabi na ganyan! Aray! Tigilan mo nga 'yan!"
Hindi ko siya tinigilan sa kakasabunot. "Sabi ni Luke, nakita mo daw yung bilbil ko nung inaabot ko yung libro dun sa library! Walanjo ka!"
"Naniwala ka naman?!" Tinulak niya ako ng malakas kaya napaupo ako sa may locker.
Hindi agad ako nakatayo. Sumakit yung likod ko. Mukang napalakas yung tulak niya.
Tinignan niya lang ako at ngumisi. Hayop talaga. Hindi man lang ako tinulungan tumayo.
"Naka di-keypad na phone ka lang pala." Nakangising sabi niya.
"Pakielam mo? Tapos sasabihan mo pa akong may bilbil?!" Binatukan ko siya, kahit di kami close.
"Aray! Tsaka, anong bang bilbil ang sinasabi mo?!"
"Sabi nga kasi ni Luke!" Pumadyak-padyak pa ako.
"Naniwala ka naman dun? Tsk." Umiling-iling siya saka naglakad paalis.
"Hoy! San ka pupunta?!" Hinila ko siya sa damit niya pabalik.
"Ano ba?!"
Pinagpapalo ko siya sa braso. Anong akala mo, makakatakas ka?! Hah! Muka mo!
"Aray! Ano ba! Wala akong panahon sa mga kalokohan mo!"
Hinila ko lang ng hinila yung damit niya.
Biglang may narinig kaming napunit na damit.
Omaygad. Kay unggoy ba yun?
"Oh my gosh. Sorry." Sabi nung isang babae. Sino naman 'to?
"Ha? Anong sorry?" Tanong ko dun sa babae.
Nakatakip kasi siya ng mata. "N-Nakakaistorbo ata ako sa i-inyo."
Nanlaki ang mata ko at naitulak si unggoy.
Lumapit ako dun sa babae. "Nagkakamali ka! Mali ka ng iniisip! Nagwrerestling kami! Hindi naglalandian! Please maniwala ka." Sabi ko.
Bwisit kasi 'tong lalaking to!
"Hoy! Pinunit mo yung damit ko! Pano na ako makakalabas nito?!"
Humagikhik naman yung babae. "Ang sweet niyo."
Putspaaaa!
Napasabunot ako sa sarili kong buhok saka nagmadaling lumabas doon.
Hayaan niyo na yung unggoy na yun. Tss. Bagay lang sa kanya yun.
Tinignan ko yung phone ko. Buti nalang, buo pa.
In-open ko yung message na narecieve ko kanina.
At napasimangot ako nang makita yung message.
From Unknown number : Hi :-) si Luke 'to. Save mo yung number. Secret kung kanino ko nakuha yung number mo. :-)
Tss. Isa pa 'tong unggoy.
BINABASA MO ANG
Accident Love Notes
Teen FictionSimula nung may nakachat ako sa locker ko at nalaman kung sino ito, nagbago ang buhay ko. As in, ibang-iba sa normal na pagpasok ko sa school. Ibang-iba sa dapat na ineexpect kong mangyari. Tapos dumagdag pa 'yung "dahilan" daw kung bakit siya nagre...