Chapter 35

20 3 3
                                    

A/N : Dahil sa sobrang tagal kong hindi naguupdate, baka nakalimutan niyo na yung huling nangyari HAHAHA.. balikan niyo muna ung past chaps para hindi kayo maguluhan HAHAHA.

----------

Ezekiel's P.O.V

"Picturan mo naman kami ni Cindey oh. Wala kasing nagpipicture eh gusto namin kita ang background."

Anak ng...

"Nagmamadali ako eh." Kamot-ulong sabi ko.

Pinanlakihan niya ako ng mata saka nginuso si Baboy. Kilala niyo ba si Baboy? Edi si Cindey.

Mukang pinopormahan ata nitong si Josh ang Baboy na 'to eh. Tsk. Hindi sila bagay.

Wala na akong nagawa kaya kinuha ko nalang yung phone ni Josh.

"Talagang ko pa ang magpipicture sa inyo?" Pilosopong sabi ko.

"Sige na." Pagpipilit ni Josh samantalang yung Baboy ay nananahimik sa tabi niya.

"Sayang yung effort ko kung pangit lang naman ang pipicturan ko." Sabi ko habang nakatingin kay Baboy.

"Yabang..." Bulong niya pero narinig ko.

Umiling-iling lang ako saka pinicturan silang dalawa.

Tinignan ko yung picture bago ibigay kay Josh. Blurred.

Sinadya kong iblurred. Bahala sila dyan. Ako pa kasi ang inutusan para picturan sila eh.

"Bakit blurred?!" Rinig kong reklamo ni Josh.

Aalis na sana ako pero may kumapit sa braso ko.

"Magpicture din tayo."

"Nagmamadali ako, Tiffany." Sabi ko.

Ngumiti siya saka tumango. "Sige, mamaya nalang."

"Oy, Kiel. Wag kang bastos sa babae."

Kinunotan ko ng noo si Josh dahil sa sinabi niya.

Ngumiti siya ng nakakaloko. "Sige Tiffany. Mag pose ka na dyan, pipicturan ko kayo ni Kiel."

The heck?!

Sinong may sabing pumayag ako?!

Hinila ako ni Josh sa tabi ni Tiffany.

Fuck, nakakahiya! Pinagtitinginan kami. Well, sila din naman ni Josh at Baboy kanina, pinagtinginan din. Pero kahit na! Nakakahiya parin!

Ngumisi ako ng may naisip.

"Garcia, pwede bang ikaw ang magpicture sa'min? Ayusin mo ah? Baka kasing pangit mo ang pagpipicture mo." Asar ko.

Halatang nainis siya pero kinuha niya parin yung camera at pinikturan kami ni Tiffany.

"Kiel, tara sa coffee booth. Maganda doon. Parang nasa coffee shop ka lang pero tent yung lugar. Nakakarelax doon." Pagyayaya ni Tiffany.

Umiling ako. "Nagmamadali ako." Walang emosyong sagot ko.

"Bakit? Saan ka ba pupunta?"

"Kay Apple. Magaatendance pa ako."

Bakit ba ako nagpapaliwanag sa kanya?! Sinasayang ko lang ang oras ko. Hahanapin ko na nga si Apple! Tsk!

"No need. Nasulat na kita sa attendance kaninang 7:00 am."

Nilingon ko siya. Nakangiti lang siya sa akin.

Kumibit-balikat lang ako.

Whooo. Makakahinga na ako ng maluwag. I hate people who's always not in time. Kaya ako, ayoko rin malate.

Accident Love NotesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon