Cindey's P.O.V
"Cindey, akala ko ba ito-tour mo lang si Warren? Eh bakit parang nakikipaglandian ka na ata?"
Huh?!
"Tino-tour ko lang naman si Warren. Ginawa ko lang ang kailangan kong gawin, Josh." Paliwanag ko.
"Nagto-tour pero magkahawak kamay? Ano yun?" Tumawa pa si Josh. Pero yung peke lang.
"Josh, ano bang problema mo?" Singit ni Faye.
"Tsk." Umiling-iling lang ito saka umalis.
"Josh!" Tawag ko pero hindi niya ako nilingon.
May nagawa ba akong kasalanan?
"May problema ba si Josh? Grabe ah. Ganda ng pa 'welcome back' niya sa'kin." Biro ni Warren. Diniinan niya pa yung 'welcome back'.
Tsk. Loko talaga eh.
"Hayaan niyo na muna yun. Baka mainit lang ang ulo." Seryosong sabi ni Faye.
At ayun nga. Dahil seryoso si Faye, nahawa kami nila Warren at Luke.
Walang nagtangka na magsalita ulit sa amin.
Para kaming tanga dito na nakatunganga kung saan.
Tumikhim ako para makuha ang atensyon nila. "Tara muna sa coffee shop."
*****
"Ano bang nangyari kay Josh?" Tanong ko nang makaupo na kami sa table ng coffee shop.
Kumibit-balikat si Faye. "Wala namang nangyaring nakakainis kanina. Hindi ko alam. Baka badtrip lang yun."
"Bakit naman mababadtrip?" Tanong ko ulit.
"Selos." Sagot ni Luke saka napangalumbaba.
"Magseselos saan?" Tanong ko.
"Kanina ka pa nagtatanong. Umorder nga muna tayo." Sabi ni Warren saka tumayo at pumunta sa cashier para umorder.
Kumibit-balikat nalang ako saka nilabas ang phone para maglibang.
You have one unread message.
Binuksan ko yung message.
From Locker Chatmate : Hello. May chocolates ulit sa locker mo ha? Kunin mo nalang. Masarap yun pramis :-)... btw, ano kayang itatawag ko sayo since ayaw mo naman sabihin ang name mo?
Napangiti ako. Ano kayang magandang name na itawag niya sakin? Locker Chatmate nalang din kaya?
Nagtipa na ako ng irereply.
To Locker Chatmate : Hello. Thanks sa chocolates :-)... Locker Chatmate tawag ko sayo eh. Yun nalang din abg itawag mo sakin ^_^
Tinago ko na ang phone ko at hindi na hinintay ang reply niya dahil dumating na ang inorder ni Warren. Mamaya ko nalang kukunin yung chocolate. Hindi naman siguro yun matutunaw agad 'di'ba?
Slice ng chocolate cake at Latte Macchiato. Yummy.
"Faye, may boyfriend ka na?" Tanong ni Warren. Napatingin ako bigla kay Luke.
"Oo."
Ngumiti si Warren at sinundot si Faye sa tagiliran.
"Sino yang maswerte na lalake na yan?" Natatawang tanong ni Warren.
"Si Luke."
Gulat na tumingin si Warren kay Luke. "Kayo na?"
Ngumiti saka tumango lang si Luke bilang sagot.
BINABASA MO ANG
Accident Love Notes
Teen FictionSimula nung may nakachat ako sa locker ko at nalaman kung sino ito, nagbago ang buhay ko. As in, ibang-iba sa normal na pagpasok ko sa school. Ibang-iba sa dapat na ineexpect kong mangyari. Tapos dumagdag pa 'yung "dahilan" daw kung bakit siya nagre...