Chapter 2

97 8 1
                                    

Cindey's P.O.V

'Sungit mo pala. Btw, goodmorning. May cookies diyan sa loob ng envelope. Nagbake kasi ako kanina kaya naisipan kong bigyan ka din. Hope u like it. :-)'

Ayan ang nakadikit ngayon sa locker ko. Sa isang papel na halatang pinunit sa maliit na notebook din nakalagay ang note.

Ayan ata yung reply niya sa sinabi kong 'Sino ka ba? Nangingielam ng buhay ng may buhay eh. Pake mo kung bitter ako?'.

May maliit na white envelope na nakadikit din sa locker ko.

Kinuha ko ito at binuksan. Hmmm. Amoy palang, masarap na. Chocolate chips cookies ito.

Pumunit ulit ako sa mini notebook ko.

'Thanks sa cookies. Sorry sa pagsusungit ko.' I wrote and stick it into my locker.

Tumakbo na ako papunta sa room habang kinakain yung cookies. Baka malate ako.

Pagpasok ko kasi, sa locker room agad ang deretso ko.

Magaayos lang sana ako ng gamit pero hindi ko inexpect na magrereply ulit yun.

Nakalimutan kong itanong kung anong pangalan niya. Mamaya ko nalang isusulat.

Nakahinga ako ng maluwag dahil wala pa yung teacher namin.

"Pare, late ka na naman. Buti nalang late din yung teacher." Sabi ni Faye saka tumawa.

"Ano bang dahilan at late ka ngayon?" Napatingin ako kay Faye dahil sa tanong niya.

Kumibit-balikat lang ako at ngumiti.

Someone's P.O.V

"Pre, penge cookies. May pagbibigyan lang."

Napailing nalang ako at napangiti. "Kuha ka dyan."

Nilagay ko na yung mga cookies sa isang container. Nagtira ako ng twenty pieces at inilagay 'yon sa isang maliit na puting envelope. Wala lang. May naisip lang akong pagbigyan. Tutal, marami naman 'to eh.

Habang naglalagay ako ng mga cookies, may naisip ako na itatanong sa bestfriend ko. "Bro, sino yung gusto mong ipakilala sa'kin? Yung sinasabi mong magandang babae."

Napatigil siya sandali at tumawa. "Gusto ko sana ipakilala sa'yo. Kaso hindi match ang schedule natin. Classmate ko yun eh. At kaibigan ko rin pala."

Tumango ako. "Edi magkita-kita tayo kapag walang pasok." Suggest ko.

"Asa ka. Laging busy yun sa pagshoshopping kapag walang pasok kasama yung bestfriend niya."

"Sayang." Mahinang sabi ko.

"Mauna na ako. Baka malate pa 'ko."

Tinanguhan ko lang siya.

Pagka alis niya, umupo ako sa tabi ng pusa ko.

"Brownie, tingin mo magugustuhan 'to ng pagbibigyan ko?" Tanong ko habang pinagmamasdan yung mga cookies.

"Meow..." Kumibit-balikat lang ako. Bakit nga ba sasagot ang isang pusa?

At kung tatanungin niyo kung bakit brownie ang name ng pusa ko? Wala lang. Trip lang. Kasi kulay brown siya.

Hinanda ko na ang mga gagamitin ko pagpasok sa school.

*****

Pinark ko na yung kotse ko.

Nagmadali akong pumunta sa locker room. Five minutes nalang, malelate na 'ko.

Pumunta ako sa locker nung nakakausap ko by note. Muka namang babae 'to eh.

'Sino ka ba? Nangingielam ng buhay ng may buhay eh. Pake mo kung bitter ako?'

Accident Love NotesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon