Cindey's P.O.V
"FAYE!" Malakas na sigaw ko pagkapasok ko sa CR kahit hindi ko pa sigurado 'kung nandito siya o wala.
"Jusko po!" Humawak si Faye sa dibdib niya. Malamang ay nagulat sa pagsigaw ko.
Napangiti ako.
Sabi na nga ba eh, nandito ang Pare ko. Malakas ang pakiramdam ko pag dating sa kan'ya.
Nakita ko ang pagtulo ng luha galing sa kaliwa niyang mata na halatang kanina niya pa pinipigilang tumulo.
Nilapitan ko siya at niyakap. "Ano na namang drama 'to, Faye?"
"Pare, affected pala ako sa pagkakabreak namin."
Tumawa ako. "Alam ko. Kagabi ka pa kaya iyak ng iyak sa akin."
Bumuntong hininga ako saka pinunasan ang luha niya gamit ang hinlalaki ko.
"Kakaunting linggo lang naman kayo ni Luke nagsama. Bakit ba sobra kang nasaktan? Ano 'yun, mahal mo agad?" Hindi ko napigilang itago ang inis sa boses ko.
"Wala iyon sa oras at panahon na nakasama ko siya. Ramdam ko kasing siya na ang lalaking magpapasaya sa akin habang buhay kaya ibinigay ko sa kanya ang pagmamahal gaya ng pagmamahal ko sa'yo, sa magulang ko. Pero mali pala ako."
"Bata pa tayong lahat. Hindi lang naman si Luke ang lalake sa mundo." Sabi ko saka inayos ang medyo nagulo niyang buhok.
Hindi na siya nagsalita pa kaya inaya ko na siyang lumabas ng CR.
Pumunta kami sa Garden para makapag usap ng walang makakarinig.
Ngayon ko na kaya sabihin ang sikreto ko? Na nagustuhan ko si Luke habang mag on pa sila.
Napailing ako dahil nakita ko ang malungkot na mata ni Faye.
Hindi muna ngayon.
"Ano na? Baka habang buhay ka nang hindi makapagmove on sa kanya ah?" Biro ko.
Inirapan niya ako. "Siguro?" Sabi niya bago ngumiti ng pilit.
Binatukan ko ito. "Gaga."
Umupo lang kami sa bench at nagmasid masid lang sa mga makukulay na bulaklak.
Mga ilang minuto kami tahimik at hindi umiimik. Pero kahit katiting na pagka awkward ay hindi ko naramdaman. Syempre, Pare ko ang kasama ko eh.
"Kung tayo na lang kaya, Cindey?"
Malakas ko siyang binatukan. 'Yung tipong halos masubsob ang muka niya sa lupa.
Buti nga, at nang mawala ang kahibangan sa utak mo.
"Gagaya ka pa talaga sa ex mo na nagpanggap na bakla para lang magkunwaring nakamove on na. Kaso nga lang tomboy version, ganon?" Irap ko dito.
Humalakhak siya. "Joke lang, beshywap. Labyu." Nagflying kiss pa siya sa akin.
Eww ah?
"Sa'yo ko lang 'to sasabihin, ah?" Bulong niya.
Kinunotan ko ito ng noo. "Alin?"
"Na nainis ako kay Keyrah." Ngumiti siya.
Kumunot ang noo ko. "Bakit?"
"Dahil iniisip ko na sana hindi na lang siya bumalik para hanggang ngayon ay masaya kami ni Luke. Kahit na alam kong pang naka arrange marriage siya at hindi niya ako mahal."
Nginitian ko lang siya dahil hindi ko alam ang sasabihin ko.
"Kaya nga nakokonsensya ako. Dahil dapat ako nagiisip ng ganoon sa kanya dahil kaibigan ko din siya. Tapos minsan pa ay hindi maganda ang pakikituring ko sa kanya." Bumuntong hininga siya. "Alam ko naman kasing wala siyang kasalanan sa nangyayari." Dagdag niya pa.
BINABASA MO ANG
Accident Love Notes
Teen FictionSimula nung may nakachat ako sa locker ko at nalaman kung sino ito, nagbago ang buhay ko. As in, ibang-iba sa normal na pagpasok ko sa school. Ibang-iba sa dapat na ineexpect kong mangyari. Tapos dumagdag pa 'yung "dahilan" daw kung bakit siya nagre...