A/N : So ayun, dahil sa tagal kong di nag uupdate, baka nakalimutan niyo na 'yung last na nangyari. Balikan niyo muna saglit yung mga past chap para maintindihan niyo 'to hihi tenkyu :>
----------
Cindey's P.O.V
"I can explain."
"Gago ka. Deretsuhin mo na ako. Mahal mo ba talaga si Faye, o hindi?"
Bumuntong hininga siya. "It's just---"
"Oo, o hindi?" Matigas na tanong ko. Matalim akong tumingin sa kanya.
"H-Hindi."
Sisigawan ko na sana si Luke pero bigla siyang sinampal ni Faye.
Woah! That's my Pare
"Bakit mo pa ako niligawan?" Nanghihinang tanong ni Faye.
"I said I can explain. But not here."
Tinaasan ko siya ng kilay. "Bakit hindi dito? Dahil nahihiya kang may ibang makarinig ng mga katarantaduhan mo?"
Napakamot siya sa kilay niya. Halatang hindi niya alam ang gagawin niya.
Nagpakawala siya ng malalim na hininga. "Tara sa school garden. Kayong lahat."
*****
"So, would you mind explaining?"
Bumuntong hininga na naman siya. "Sorry, Faye. Niligawan kita for my own purposes."
Tumungo si Faye. "Hayop ka."
"Alam ko."
Umiling iling siya na para bang pati siya ay nadidismaya sa sarili niya. "Ginamit kita, Faye."
"Ano?!---"
"Wait. Hindi pa ako tapos. Pakinggan mo muna ako." Bumuntong hininga na naman siya bago magpatuloy. "Ginamit kita para makapag move on kay Keyrah. Oo, gusto kita. Pero mahal ko si Keyrah."
Nakita kong tumulo ang luha ni Faye. Agad akong tumabi sa kanya para icomfort.
"I am into an arrange marriage. Naisip ko na mahihirapan lalo si Keyrah kapag dumating ang araw na ikakasal ako. Nagbakla baklaan ako para sa pakikipaghiwalay ko kay Keyrah. Napagod na ako sa pagpapanggap na bakla dahil halatang hindi naman naniniwala si Keyrah. Kaya ginamit ko si Faye para makita niya na hindi ko na talaga siya mahal at para din sa akin. Para makalimutan ko si Keyrah."
"Paano naman ako?" Nanghihinang sabi ni Faye. "Hindi mo ba naisip na mahihirapan din ako?"
Tumungo si Luke at umiling iling. "Sorry."
Padabog na tumayo si Faye. "Luke, umalis ka na sa harapan namin. Ayoko nang makita ka. Nandidilim lang ang paningin ko." Mahinahon pero alam kong galit si Faye.
Dahan dahan tumayo si Luke saka umalis. Nilingon niya kami nang may pagsisisi at paghihingi ng tawad sa mata.
Umiwas ako ng tingin. Dahil dito ay nabawasan ang pagkakagusto ko kay Luke. Sinaktan niya ang bestfriend ko. At matatagalan bago ko siya mapatawad dahil doon.
"Napakawalanghiya." Nangigigil na saad ni Faye. Umiling iling na lang ako dahil sa pagkadismaya.
"Gago si Luke. Kung alam ko lang na hindi seryoso sa'yo ang baklang 'yun, edi sana ay hindi kita hinayaang magpaligaw doon." Sabi ko.
Tumikhim si Josh. "Marami naman siyang dahilan."
Sinamaan ko siya ng tingin. "Ewan ko sa'yo."
"Pero alam ko namang mali 'yung ginawa niya. Kakausapin ko siya mamaya." Dagdag niya.
BINABASA MO ANG
Accident Love Notes
Teen FictionSimula nung may nakachat ako sa locker ko at nalaman kung sino ito, nagbago ang buhay ko. As in, ibang-iba sa normal na pagpasok ko sa school. Ibang-iba sa dapat na ineexpect kong mangyari. Tapos dumagdag pa 'yung "dahilan" daw kung bakit siya nagre...