Chapter 41

12 3 5
                                    

Cindey's P.O.V

"Cindey! Okay lang kayo?!" Tanong ni Josh nang makababa na kami sa punyetang ferris wheel.

Si Unggoy naman ay umalis agad na parang walang nangyari. Kala mong hindi niya hinawakan ang kamay ko kanina, ah?!

'De joke, nang hawak din pala ako ng kamay.

"Ayos lang ako." Sagot ko.

"Si Kiel?" Tanong ni Josh. Kumibit balikat lang ako dahil tinatamad akong sumagot lalo na kung tungkol lang naman kay Unggoy.

"Takot pa naman si Cindey sa matataas." Biglang singit ni Warren. "Sakay pa more. Dapat si Josh ang kasama mo, eh. 'Diba, Josh?" Tinaas taas pa ni Warren ang kilay niya.

"Tungaw!" Binatukan ni Josh si Warren.

Ako naman ay pasikretong umalis na doon. Nakakainis lang naman kasi si Warren. Puro pangaasar lang alam. 'Kala mo naman gwapo noong bata siya.

"Cindey!" Salubong sa akin ni Faye sa may exit ng pila ng ferris wheel.

"Musta?" Pangaasar ko. 'Diba nga si Luke ang kasama niya sa ferris wheel?

Inirapan niya ako. "Ayun! Sorry ng sorry ang gago. 'Kala mo namang mamamatay na ako dahil hiniwalayan niya ako."

"Sus. Kunwari naka move on na pero 'di pa pala." Asar ko ulit.

"Excuse! Nakaharang kayo sa exit!"

Napatalon ako palabas ng exit nang may sumigaw.

Akala ko ba naka alis na si Unggoy?! Bigla bigla na lang sumisingit.

Inis akong tinignan ni Unggoy. "Binayaran ko 'yung ticket mo. Hindi ka kasi nag bayad."

Shit!

"A-Ah. Hehe. Babayaran kita bukas, wag kang ano." Pahiya na naman ako bwiset!

Narinig ko naman ang pagpipigil ng tawa ni Faye. Sige lang!

" 'Wag mo na bayaran. Mukang wala ka namang ipambabayad." Sabi niya sabay alis.

'Yabang! 'Kala mo kung sino!

*****

"Tara na uy." Hinila ako ni Faye sa laylayan ng damit ko.

"Mauna na kayo."

"Sa bahay mo? Duh?! Nakakahiya sa parents mo!" Reklamo ni Scarlett.

"Hindi 'yan. Kasama niyo naman si Faye."

"Kahit na!" Reklamo naman ni Amber.

"Sino ba kasing hinihintay mo? Malapit nang mag five o'clock, bes." Itinuro pa ni Scarlett ang relo niya.

"Pare, marami pa tayong ikukwento sa kanila." Sabi naman ni Faye.

"Mauna na nga kasi kayo." Inis na sabi ko.

Wala na silang ginawa at nauna na lang sa bahay namin.

Kilala niyo kung sino ang hinihintay ko? Edi si Locker Chatmate.

Wala naman siyang sinabing hindi siya pupunta kaya nagbabakasakali akong sumipot siya. Pero wala din siyang sinabing pupunta siya.

Malay niyo, nakita niya 'yung message ko na idinikit ko sa locker ko. Malay niyo lang naman.

Naghintay ako ng mga ilang minuto dito sa court pero walang nadating. Nakaupo ako sa may bench.

May iilang tao na nandito. Karamihan ay mga varsity players. Baka nga hindi ko lang alam na isa sa kanila si Locker Chatmate.

Accident Love NotesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon