Chapter 20

30 3 5
                                    

Cindey's P.O.V

"Masaya. Sobrang saya."

Lahat ay natahimik. Miski ako, hindi maka recover sa sinabi ni Luke.

Lahat ay kumain na lang at hindi na namin itinuloy ang laro.

Wala eh. Awkward na. Lalo na para sa'kin.

Nakakainid ka naman, Luke. Masyado kang paasa. O masyado lang talaga akong umaasa?

Lahat ay tahimik lang na kumakain. Kami nalang ang tao dito sa restaurant. Halos tunog lang ng kutsara na tumatama sa pinggan ang naririnig namin.

Tumikhim ako kaya lahat sila ay nagtinginan sa'kin.

Nakita ko pa ngang umirap si Unggoy eh.

"Mauna na kami ni Faye." Paalam ko.

"Sige. It's nice meeting you, Cindey and Faye. Hope to see you around." Nginitian ako ni Tiffany.

Tumango lang ako saka hinila na si Faye palabas doon sa restaurant.

Whoo! Hay salamat! Makakahinga na rin ng maluwag!

I need air!

Feeling ko, ang bigat bigat na ng pakiramdam ko.

"Ngayong bumalik na si Keyrah, anong nararamdaman mo?" Wow. Insensitive ata 'tong si Tiffany.

Nanahimik at naging seryoso si Luke dahil sa tanong ni Tiffany.

Ilang segundo siyang nanahimik bago makasagot.

"Masaya. Sobrang saya."

Please, utak. Makisama ka naman! Bakit ba pilit mong binabalik ang scene na 'yan?! Bumibigat lalo yung pakiramdam ko eh!

Kailangan kong ilabas lahat 'to!

Gusto kong aminin sa sarili ko ang tunay na nararamdaman ko para magkalinawan na!

Hingang malalim....

Inhale, exhale...

Luke! Gusto kita! Gustong-gusto!

*****

"Aba, Cindey, buong araw ka nang nakahilata dyan. Diba nga, binigyan tayo ng three days para MAGGALA at hindi para HUMILATA." Diniinan pa ni Faye yung pagkakasabi ng 'Maggala' at 'Humilata'. Tss.

Inirapan ko lang si Faye.

Yeah, after nung pangyayaring truth or dare kanina, hindi na ako sumama kay Faye sa paggala sa iba't iba pang lugar dito sa Barangay Sinapian.

I swear, I'll never gonna play truth or dare again! Ever!

Ewan ko ba. Atleast, gumaan ng konti ang loob ko.

Nailabas ko ang lahat ng kailangan kong ilabas.

Alam niyo kung pano? Gan'to kasi 'yun...

*Flashback*

"Cindey, hindi ka ba talaga sasama?"

"Ang kulit naman netong si Faye! Hindi nga ako sasama! Hindi.Ako.Sasama!" Sabi ko at nagtaklubong ng kumot.

Alam niya na kung anong nangyayari sa'kin. Alam niya na daw kung bakit masungit ako at ayaw sumama sa paggagala na never ko pang ginawa.

Tinotoyo daw ako. Tsk!

"Oh sya sige. Bye bye. Isasama ko nalang si Josh." Sabi ni Faye at padabog na sinara yung pinto. Nagtatampo ata.

Pagkalabas niya, agad akong bumangon.

Accident Love NotesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon