Chapter 15

48 5 3
                                    

A/N : Guys.. Sorry ulit... Short update ulit. Bakit hindi ko kayang habaan?😥😩😖... Pramis, itatry ko talagang habaan next time..

Ezekiel's P.O.V

Nagsibabaan na ang lahat sa bus.

Finally. After 3 hours na biyahe, nakarating na din kami sa Barangay Sinapian.

Worst trip ever.

Bukod sa nakaka badtrip na babaeng isip-bata na 'yun, nakatanggap pa ako ng bad news.

My great ex-girlfriend just enrolled here at Xaivier University. At kaklase ko pa.

Buti nalang, sa bus nila Josh ako napapunta. Kung hindi, makikita ko si Tiff.

Hindi naman sa tinatakasan ko siya. Pero hindi ko pa kasi siya kayang harapin. Matapos ang pangloloko namin sa isa't isa, wala na kaming mukang maihaharap pa.

Pero mas malala ang nagawa ko sa kanya. Malaki ang pagsisisi ko sa nangyari. Sobrang laki.

*Flashback*

"Bro, punta naman tayong bar. Baka sakaling bumalik ang pagkakalalake mo. Maraming babae doon." Natatawang sabi ko kay Luke.

"Sure. Josh, sama ka?" Tumayo na si Luke at nag ready na sa pag alis namin.

"Oo naman." Sagot ni Josh.

*****

"One more shot, Luke." I said and laugh.

Medyo nahihilo na ako. Pero kaya ko pa.

"Anong one more shot? Pre, mas madami na akong nainom kesa sayo." Ngumisi pa si Luke.

"Wala ako diyan. Hinding-hindi ako iinom. I prefer juice." Taas-kamay na sabi ni Josh. Baka ito ang tunay na bakla. Tss.

"Guys naman. Ang hihina niyo. Mukang mas lalake pa ako kesa sa inyo." Pailing-iling na sabi ni Luke.

Tama nga siya. Mas marami na siyang nainom kesa sa'kin pero parang ako yung mabilis tamaan ng alak.

Kukuha pa sana ako ng alak pero pinigilan ako nila Luke at Josh.

"Lasing ka na. Tama na." Sabi ni Josh.

Tumawa ako at itinuro yung sarili ko. "Ako? Lasing na? Hindi pa kaya!" Sabi ko.

Uminom lang ako ng uminom. Halos sa bote na ako umiinom.

"Pre, magc-cr lang kami." Paalam ni Josh. Tinanguhan ko lang siya.

Umalis na sila Josh at Luke.

Maya-maya lang, may babaeng lumapit sa akin.

Hindi ko na makita masyado yung muka niya dahil nanlalabo na ang paningin ko.

"Hi babe." Rinig kong sabi nito.

Nagulat ako dahil bigla niya akong hinalikan.

Hindi nagtagal, humalik na din akosa kanya pabalik.

Ang nasa isip ko sa ngayon, si Tiffany.

Agad kong naitulak yung babae nang makita ko ang gulat na muka ni Tiff. Parang nawala ang pagkalasing ko dahil doon.

Agad akong lumapit sa kanya. "T-Tiff, let me expl---"

*Pak!*

Halos nabingi ako sa lakas ng sampal ni Tiffany. Natulala ako at hindi nakapagsalita.

Accident Love NotesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon